7

1.2K 30 0
                                    

Hae Min's POV

A week has passed but I haven't received a call from Kai. Siguro niloloko lang ako neto ni Sese. Paasa rin ang baklang yun bwisit! Gusto ko pa naman magsorry kay Kai sa nangyaring kagagahan ko nung gabing yun.

Hindi kaya na-turned off na siya?

Hay nako.. Shame on me for being such a drunk loser.

"Miss Hae...? Hellooo? I asked if you can recommend a perfume para sana sa friend ko?" tanong ng regular costumer ko sakin, breaking my thoughts.

"Oh I'm so sorry, Keisha..." paumanhin ko sa kanya at napailing nang marealize na nasa shop nga pala ako at may costumer sa harapan ko.

Weeew. Ano ba Hae Min, tama na muna yang isip ng isip. Nawawala ka na sa realidad.

"Well, if your friend is into vanilla scent, I'd suggest you try one from our Paris Collections." rekomenda ko sa babaeng kaharap. Kumuha ako ng isang bote ng perfume sa estante and showed it to her.

"This one has green sage warmed by rich vanilla and floral notes scent. Here, let me try it on you." nakangiting paliwanag ko dito sabay abot ng kamay nito and sprayed a bit of perfume on her wrist.

"Hmm... I love this scent. Sige, I'll buy two of these and isa rin ng Berry Dew fragrance." tuwang sabi ni Keisha pagkaamoy niya.

Just as I was about to get her merchandise packed, biglang tumunog ang door chime ng shop ko.

Napalingon ako sa entrance at nanlaki agad ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga dumating.

Oh my good Lord!!!

Anong ginagawa nila Kai at Xiumin dito sa shop ko?!!!

Otomatiko namang napaupo ako at nagtago sa likod ng estante.

Wft?!! Di ako prepared!! Ano ba itsura ko? Ok ba suot ko? Yung buhok ko maayos ba? Baka nagfade na lipstick ko! Mirror. I need a MIRROR!

"Miss Hae? Ok ka lang ba? You're acting weird today." dumungaw si Keisha sakin sa likod ng estante.

Tumingala ako sa kanya at sumenyas na wag maingay but then, it's too late dahil sumilip narin sila Kai at Xiumin.

"Hi Hae Min! Anong ginagawa mo diyan?" nakangiting bati ni Kai.

"Hehe.. Ah yung pakaw ng earrings ko nalaglag." pilit na ngumiti ako sa kanila. I stood up at kunwari'y inaayos ang hikaw ko.

Bakit ba sa tuwing magkikita kami ni Kai, I'm at my worst? Nakakaloka.

"Keisha? Kamusta ka na?" tanong ni Xiumin sa regular client ko.

"If you're asking kung kamusta ako after the breakup, I'm doing great actually." mataray na sagot nito kay Xiumin bago humarap ito sakin.

"Miss Hae, ok na ba? I'm in a hurry kasi.." sabi ni Keisha at bakas sa mukha nito ang pagkabalisa.

Agad ko naman inabot dito ang paperbag na may lamang pabango na mabilis niyang kinuha. Hindi na nga ito nagpaalam at dire-diretsong lumabas si Keisha ng shop.

Anong meron dun? Kala ko ba ako yung acting weird eh mas weird pa siya sakin ngayon.

Sumunod si Xiumin sa labas and now I'm left alone with Kai.

"Dito pala namimili si Keisha ng pabango. Friends kayo?" tanong ni Kai, trying to break the ice between us.

"Umm.. She's a friend, I guess. Pero hindi kami close. Regular costumer ko siya dito." kibit- balikat kong sagot.

"So... Eto pala yung shop mo. It smells good in here." nakangiting compliment ni Kai as he tour his eyes sa buong shop.

Malamang, perfume shop kaya 'to, sa isip-isip ko.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Where stories live. Discover now