33

794 9 0
                                    

Sehun's POV

"Min-Min! Finally, you're awake! You want anything? You want something to eat? Are you thirsty?" I ran towards her side and worriedly asked her.

"Sis, ano nararamdaman mo? Ok ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Yoona sa kaibigan.

"I... I.. I'm not... s-sure... I f-feel... d-dizzy and.. and confused..." mahinang tugon ni Hae Min habang sapo nito ang noo niya at akmang babangon.

"Wag ka muna bumangon Min-Min. Wait, tatawag lang ako ng nurse." sabi ko sabay pindot sa intercom na nasa gilid upang tawagin ang nurse.

Wala pang 2 minutes, may dumating ng nurse para icheck ang vital signs ni Min-Min. Ang sabi ng nurse, hindi pa rin daw normal ang heart rate ni Min-Min. Though wala itong nabigay na mas detalyadong explanation dahil doktor lang daw ang pwede makapagpaliwanag ng lagay ngayon ni Min-Min.

Madaling araw na ng magsi-uwian sila Suho. Dumating rin sina Zia at Se Ju ngunit di rin sila nagtagal dahil may kinakaharap ring problema sina Se Ju sa kumpanya nito.

Bandang ala una na ng madaling araw nang maiwan kaming dalawa ni Min-Min. At dun palang kami nakapag-usap tungkol sa nangyari.

"I have so much to tell you, Min-Min. Hindi lang ako makabwelo kanina dahil andito sila hyung." masuyong wika ko habang hawak ang isang kamay ni Min-Min.

"Me too. I know I messed up and I'm really sorry for that. Sorry kung di ko sinabi sayo na may ugnayan kami ni Lana. I thought she was harmless. Di ko naman akalain na maysa-demonyita pala yang ex mo. Hanep rin taste mo sa babae ha." pabirong sabi nito sa huli.

"Ikaw talaga, ganyan na nga lagay mo, nakukuha mo pang magpatawa. Ako nga dapat magsorry sayo. Hindi sana to nangyari kung nagpakita ako bago ka magbirthday. May pasurpresa-surpresa pa kasi akong nalalaman. Ayan tuloy, nauwi sa di maganda. I hope you'll forgive me, Min-Min."

Masuyong ngumiti ito sakin at hinaplos ang aking pisngi.

"Wag ka humingi ng sorry. Pareho lang tayo may mali sa pangyayari. Sana lang, maging leksyon ito sating dalawa." aniya na agad akong tumango bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

Mga isang oras rin kaming nag-usap ni Min-Min. Kinwento ko sa kanya ang mga pinaggagawa sa kanya ni Lana. Pati narin nung di niya ako makilala.

Konti lang ang naaalala ni Min-Min sa nangyari. And she said it was like she was having her worst nightmare. Akala niya pala ako si Grant na pinipilit siyang kunin. Everything was a blur for her and she started to cry as she speaks. Kaya ako na ang pumutol sa usapan namin at pinagpahinga na siya.

The next day, Min-Min requested to watch her favorite movies. Kaya naman buong araw, nanood lang kaming dalawa ng movies sa t.v na provided sa kanyang room until it was time for her laboratory tests.

Nang makabalik ulit kami sa room niya, naabutan namin si Zia na matyagang inantay kami. Tumayo agad ito pagkapasok namin sa room at tinulungan niya akong alalayan si Min-Min pabalik ng bed.

"Girl, ano na balita? Sorry nga pala kagabi kung sumaglit lang kami ni Se Ju. May problema kasi sa Montreal Industries. Anyways, ano sabi ng doktor?" tanong ni Zia sa huli.

"Wala pa girl eh. Baka after three days pa lalabas yung lab results." tugon ni Min-Min sa bestfriend nito.

"Sana naman maging normal lahat ng tests mo girl." ani ni Zia.

Matagal rin na nagstay si Zia at yun ang kinuha kong pagkakataon para makauwi sandali upang maligo at kumuha ng damit.

Nang makabalik ako sa ospital, dun na nagpaalam si Zia para umuwi. At nang kami nalang ulit ang naiwan ni Min-Min nung gabi, bumalik kami sa panonood ng movies until we both fell asleep.

(.....next morning)

*BLAGGGG!

Nagising ako sa lakas ng pagbukas ng pintuan. Ngunit kahit halos di ko pa maidilat ang aking mata, napalingon ako kung sino ang istorbo sa aming payapang pagtulog.

"Oh my God! Anong nangyari sayo anak?!!!" sigaw ng isang ginang na siguro ay nasa edad 50 mahigit. Tumakbo ito sa tabi ng bagong gising na Min-Min.

Anak?

Eto ba yung mama ni Min-Min?

"...M-ma... a-anong----" sambit ng naalimpungatang Min-Min.

"What happened?! Kamusta ka na?! Anong sabi ng doktor?! Inaasikaso ka ba dito?! Ililipat kita agad-agad ng ospital. Mas magagaling ang mga doktor sa Europe. Ipapaayos ko agad ang flight natin. Wag kang mag-alala, iha. Andito na si mama." mangiyak-ngiyak na wika ng mama ni Min-Min.

Teka lang, anong Europe????

"Ma... wag kang O.A. Ayos lang ako dito, inaasikaso ako ng maigi sa ospital na to. Nakakaloka ka ma, bigla kang dadating dito tas ora-orada mo kong ililipat ng ospital." bored na sagot ni Min-Min sa mama niya.

Tingin ko, kailangan ko muna lumabas at mukhang family matters itong pinag-uusapan nila. Isa pa, hindi naman ako kilala ng mama ni Min-Min. Baka magtaka lang ito sa presensya ko. Kaya habang di pa ko natatapunan ng pansin ng mama ni Min-Min, eexit na ako.

Palabas na sana ako ng room nang may isang babae na kahawig ni Min-Min akong nakasalubong sa pintuan.

Hmm... Ate niya siguro 'to?

"Sino ka? Jowa ka ba ng kapatid ko?" nagtatakang tanong nito sakin, nakapamewang ito at mukhang supladang version ni Min-Min.

"Uh... ummm.... ano po.... umm.." di ko malaman kung anong isasagot dito.

Nagtaas ito ng kilay sabay tinignan ako mula ulo hanggang paa. Well, feeling ko ganun kahit di ko actually siya nakita. Pero ramdam ko ang mapanghusgang mata nito.

Di na ito nag-iteroga nang di ako makasagot dito. Dinaanan nalang niya ako at diretsong humakbang patungo kay Min-Min.

"Hey baby sis. Kelan ka pa naging adik? Sinasabi ko na nga ba, pariwara talaga yang buhay mo. Can't you live a normal life like me?" rinig kong sinabi nung malditang ate ni Min-Min.

Pinigilan ko lang talaga sarili kong sugurin yung ate ni Min-Min at baka lalo lang mastress ito.

So with a heavy heart, I sadly walked away from Min-Min's room.

Hayy...

Sana naman hindi nila masyadong gisahin at stressin si Min-Min.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Donde viven las historias. Descúbrelo ahora