Napatawa kaming lahat lalong-lalo na 'nung malutong na napa-pakyu si Hiro sa kaniya.

"Sige, saan ba ako magsisimula?" napatanong siya sa sarili. Mga ilang segundo din ang lumipas bago siya nakapagsalitang muli. "Ah! Alam ko na! Okay.. let's start with this."

Nagsimula siyang magkwento tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo at kung paano niya ni-relate sa chemistry ang friendship nilang dalawa. According to him, they were both different compounds daw noong una at 'nung nagkakilala ay nagkaroon ng chemical reaction and formed a product which is friendship.

What a geek.

That was what I thought at first... pero ang cute pala. Ang witty.

"Bro, ilang buwan pa lang tayong magkakilala pero pinatunayan mong time is not a basis of how good this bond is," aniya.

Damn right.

We were all getting the feels.

Kaso biglang...

"Tanginang 'yan, ang bakla pakinggan!" Siya rin mismo ang nagsabi niyan.

"Para kang tanga! Bakit hindi mo na lang tinapos?!" gigil na gigil na sabi ni Waks na napasigaw pa talaga.

Well, I'd say that, too. Nandoon na kasi, eh! Ang lakas na ng feels! Kaso biglang boom, goodbye momentum!

Oh, diba? Napagamit na rin ako ng isang physics term dahil sa kagagawan nila. Kung kanina may chemistry si Zen, ngayon naman napagamit ako ng momentum. Konting-konti na lang talaga at ang supposedly campfire namin ay magiging science camp na!

"Tapusin mo na!"

"Okay..." Uminom muna siya sandali sa cup. "Eto na lang. Nasa legal na edad ka na kaya sana maging mas maingat ka na sa mga desisyon mo sa buhay mula ngayon. You're an adult and you will stay an adult for almost the rest of your life, so ingat ka. That's all. Happy birthday ulit."

"Thanks, man." Nag-apir silang dalawa na ginawan pa nila ng pattern. Signature handshake daw nila, ika nila.

Ang sumunod na nagsalita ay sina Joaquinn at Echo na hindi nagpahuli sa scientific metaphors. Parang elements daw ang friendship nila—cannot be broken down into simpler means and cannot be separated by chemical means.

Whew. Ayoko na sa earth.

Next namang nagsalita si Ria na sa totoo lang ay hiniling kong sana hindi na lang niya sinabi dahil duh, it's so cringey!

"Basta alagaan mo si Astrid, okay?! Take care of her until forever dahil bagay kayong dalawa. You guys are copper and tellurium. You guys are CuTe together."

See?

I told you!

Wala man lang may nagreact sa aming lahat dahil alam namin na sa Facebook niya napulot iyan. Ang masasabi ko lang ay hindi ka tunay na Facebook user kapag hindi mo pa nabasa ang CuTe na pinagsasabi niya.

"Jio! Ikaw na!" sabi ko sa kaniya at bahagya siyang siniko. Hindi siya gumalaw. Naka-pokerface siya na para bang walang pakialam sa mundo. Hays, classic Jio.

"What the hell am I supposed to say?" tanong niya na wala pa ring ka-emo-emosyon ang mukha. "Do I also need to do some paronomasia?" Nakataas pa ang kilay ng loko.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay na napabuntong-hininga maliban na lang sa kaniya. Here we go again with the terminologies. It's not new, though. Like I said, it's just classic Jio.

"I... I don't know what to say," mahina niyang sabi. "Happy birthday. That's all."

May isang napakalaking question mark na gumuhit sa mukha ko. I've thought about this countless times already pero parang ang hirap kasi talagang i-visualize, eh.

How Are You, My Ex?Where stories live. Discover now