Natutop ko ang sariling bibig. I can't believe I was able to send him a plain question mark accidentally.

Nilapag ko ang cellphone ko sa kama dahil biglang nanginig ang mga kamay ko.

Diyos ko! Ano ba itong nangyayari sa 'kin? Bakit gano'n na lang kalakas ang epekto ng lalaking iyon sa 'kin? Gano'n na ba kalalim ang nararamdaman ko sa kanya?

I stared at my cellphone nervously. Pakiramdam ko'y nandito ang presensya ng lalaking iyon dahil doon.

Saglit akong kumuha ng mainom na tubig saka bumalik sa kama. Dahan-dahang kong pinulot ang cellphone ko sa pag-aakalang makakatanggap ng reply ngunit nabigo ako.

Napangiti ako nang mapait. Parang kailan lang ay puro pangalan niya ang laman ng inbox ko ngunit ngayon ay puro texts mula sa Smart at Globe o 'di kaya mula sa NDRRMC ang laman niyon.

Kaya siguro naimbento ang salitang memorya. Kasi iyon na lang ang magpapasaya sa 'yo kapag dumating ang oras na ma-realize mong hinayaan mong mawala ang taong nagpahalaga sa 'yo nang sobra-sobra. Siguro'y babaunin ko na lang habang buhay ang maikling memorya ko sa kanya. He does not deserve someone like me anyway.

I sighed all over again. This time, mas malalim iyon.

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa kanya. Nagising na lamang ako nang lumulusot na sa kurtina ang sikat ng araw.

It's almost 8 in the morning. Alas diyes pa naman ang first period ko kaya't nagluto muna ako bago nag-ayos papasok ng MIU.

Kung hindi lang dahil sa panay ang texts ni Marga ay hindi ako magmamadali. Hindi ko alam ngunit parang kinakabahan ako. Parang may sasabihin siyang hindi makapaghintay.

Pagkarating ko sa mini-forest ng eskuwelahan kung saan siya nakaupo sa isang bench ay nakabusangot niyang mukha ang sumalubong sa akin.

"Ang tagal-tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay," reklamo niya. Pinaningkitan ko siya.

"Hello? 9:30 pa lang ng umaga. Baka nakakalimutan mong alas diyes pa ang first period natin."

Ipinakita ko pa sa kanya ang oras sa suot niyang wristwatch.

"Kalurkey ka. Hindi naman iyon ang dahilan. Hindi mo na tuloy sila naabutan."

"Huh?" Nangunot ako.

"Ay naku, huli ka talaga lagi sa balita. Hindi ka kasi nakikitsismis kagaya ko."

"Hindi kasi ako tsismosa. Wala sa lahi ko 'yan," pabalang kong sagot.

"Minadali mo akong pumasok para lang sa tsismis. Akala ko naman kung ano na."

Naupo ako sa tabi at saka inilapag sa table ang bitbit kong bag at file folder.

"Hindi lang naman basta tsismis ito, 'no."

"E, ano? Ang aga-aga pumuputak ka." Binatakuan niya ako kaya't binatukan ko rin siya.

"Aray! Malakas 'yon, ha!" reklamo niya.

"Ang dami mo pa kasing paandar. Ano ba kasing sasabihin mo?" inis kong tanong.

Sumeryoso siya bigla at biglang sumama ang timpla ng mukha.

"Ikaw kasi ang bagal-bagal mo, naunahan ka tuloy ni Leslie kay Fafa Sid," aniya.

"Ano?" Tama ba ang narinig ko?

"Oo, usap-usapan kaya mula pa noong isang araw. May nakakita sa kanilang magkasama. At ito pa, nakita ko ring bumaba 'yung Leslie sa kotse ni Fafa Sid kanina."

"What?!" Napatayo ako.

"Oh, kalma lang ang puso. Hindi pa naman confirmed. Pero parang gano'n na nga."

His Greatest DownfallOnde as histórias ganham vida. Descobre agora