#WTMH Roll 30: Blood

Start from the beginning
                                    

Kinagat ni Marga ang mga labi para 'wag tumawa. Isaiah's expression right now is the cute one.

"What if prince?"

"Boy would be nice as well. I'll get to teach him a lot of things. From riding a horse, using his blue eyes to get what he wants, how to be a successful headache to his mother..." He winks.

Napailing nalang siya. "Babae na nga lang. Tuturuan mo pa 'ata paano magdala ng babae pag naging lalake anak natin."

"...and I'll teach him how to love unconditionally."

She looks at him again.

"And also..." Pumaibabaw ito sa kaniya at dinaganan siya sa bigat nito dahilan para mapahiga siya.

"Oy~" Natatawang tulak niya rito. "Akala mo siguro ang gaan mo, ano?"

"And also, to teach him how to protect his family, his mother and his future siblings."

Again, she's getting emotional. It seems that's there is a large of lump on her throat successfully suppressing her sobs. Dinama niya ng pisngi ng lalakeng pinakamamahal niya.

"Whatever the gender is, Marga. I'd still love them the same." He hovers above her and kisses her forehead. "The same love I give to you because they are our own flesh and blood. I'd protect them and nurture them personally." He places his forehead against hers. "And I can't wait to do that with you."

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

'I can't wait to do that with you.'

Margaret moans as she slowly regains consciousness. Unang naramdaman niya ang malamig na sahig na kinasadlakan niya. Panglawa'y ang nakakasilaw na liwanag ng buwan na siyang tumama sa mga mata niya dahilan para magising sa kaniya.

She breathes slowly as her eyes trying to make out her surroundings despite still feeling light-headed. 'Where am I?'

Pumikit uli siya at pilit binabalik niya ang huwisyo sa buong katawan niya.

'What just happened?' Inalala niya kung anong ----

Napabalikwas siya nang bangon nang maalalang may dumakip sa kaniya. Sisigaw na sana siya nang mapagtantong may nakabuhol na tela sa ulo niya para takpan ang bibig niya para huwag makagawa nang ingay. Niyuko niya ang mga paa na nakatali. Ganoon din ang mga kamay niya sa harapan.

Doon na siya nag simulang mataranta. Mangiyak-ngiyak niyang nilingon ang paligid. 'Nasaan ako?! Nasaan ako?!'

Nakakulong siya sa isang kwartong lumang-luma na sa hitsura palang ng kisame na wala na 'atang bubong kasi butas-butas na at nakikita na niya ang madilim na kalangitan sa labas. Nakasara ang nag-iisang bintana na sira rin.

Dahil medyo maliwanag ang buwan, naaaninag niya ng konti ang lugar. May tumutubo na ring mga ligaw na damo sa loob. Ang gawa sa plywood na mga dingding, dala sa kalumaan, ay pumapasok na ang malamig na simoy ng hangin.

May isang silya roon na mukhang maayos pa na sa tingin niya'y ginamit ng dumakip sa kaniya. Niyuko rin niya ang manipis na puting kumot na siyang pinaghigaan niya kanina. Ang upuan at ang kumot lang 'ata ang bago rito sa kuwartong ito.

Sumandal si Marga sa dingding sa likod niya.

Agad siyang natigilan.

> Dahan-dahan nagmulat ng mata ang nakasandal sa pader na si Margaret at agad nagulat sa nakitang 'di pamilyar na lugar. Sisigaw na sana siya nang mabilis na tinakpan ni Helena ang bibig niya. "Mama? Where are we?"

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now