"Hoy, lukaret! Uso gumalaw. Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, ha? No'ng isang araw ka pang ganyan," Marga snapped.

Bumalik ako sa realidad.

"Ano 'yon?"insoenteng tanong ko. Sinimangutan niya ako.

"Iyong totoo? Iniisip mo pa rin ba ang ginawa sa 'yo ng ex mo kaya ka nagkakaganyan?"

"Hindi, 'no!" mariing tanggi ko.

Yes, it's true. I have accepted what happened between me and Ronald that fast. Kahit na may maliit na parte sa akin na nasasaktan pa rin pero napatawad ko na siya. It's just doesn't mean that I totally forgot about him. Pero alam kong mas kailangan siya ni Tessa kaya't mas maigi ang naging desisyon kong hiwalayan siya.

"Kung gano'n sino ang iniisip mo?"

Isang malalim na buntonghininga ang itinugon ko kay Marga.

"Ahh, mukhang alam ko na!" Pumitik pa siya sa ere saka sinundot ako sa tagiliran. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Si Fafa Sid 'yan, 'no?"

"Hin—"

"O, huwag mo nang i-deny dahil halatang-halata sa reaksyon mo. Nami-miss mo siya, 'no?" pang-aasar niya. Inismiran ko siya saka napatitig sa cellphone ko.

I've been expecting him to send me even a short message. Hindi ko alam sa sarili ko ngunit hinahanap ko iyong mga araw na halos tadtarin niya ng tawag at texts ang cellphone ko. Minsan, demanding pa ng reply.

"Oh? Ngayon napapangiti ka. May naalala ko, 'no?"

Napangiwi ako sa tinuran ni Marga.

"Aminin mo na kasi. Wala namang masama kung aamin ka. Single and available ka naman na. alam mo, Prinsesa Serenity, ang pagpapakipot nakamamatay..." Marga trailed off. Sumubo siya ng kanin saka nilunok ito bago nagpatuloy.

"—ng puso. Kaya kung ako sa 'yo, huwag ka nang magpapakipot. Kung mahal mo, papasukin mo siya sa puso mo. Ikaw rin, baka mainip siya kahihintay sa labas, kumatok siya sa ibang pinto."

"Pinagbuksan ko na nga siya, 'di ba? Pero wala na siya, umalis na." I shrugged.

"Pa'no kasi hinarana ka na nga niya, hindi mo man lang sinilip. Nilamok na tuloy siya sa labas."

"Alam mo namang—"

"Oo na, oo na. Sobrang faithful mo kasi kay Ronald na pati 'yung sariling puso mo, sinaktan mo."

"Babalik ba siya? May balita ka ba?" putol ko sa mga susunod na sasabihin ni Marga. Ang totoo'y ilang araw ko rin siyang ginustong tanungin. Alam kong maaaring may alam siya dahil nuknukan siya nang tsismosa.

"Oo naman. Babalik siya. In fact, nand'yan na siya."

Awtomatikong napalingon ako sa entrance ng cafeteria. Biglang bumayo ang puso ko't napaawang.

There he is. He was walking with all his might while entering the cafeteria. Napapalingon ang mga nasa loob ng cafeteria, lalo na iyong mga babaeng tahimik na tumitili.

"Ang mga mata sa lugar, besh. Napaghahalataan ka masyado," mahinang bulong ni Marga.

Agad naman akong umiwas ng tingin at ibinalik sa pagkain ang atensyon. But my hands and knees won't settle just yet. I can't even hold the spoon properly.

I'm so damn tensed by his merely presence!

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Magkahalo ang kaba at tuwa. I've been waiting for him to appear for several days. Ang akala ko ay hindi na siya babalik at tuluyan nang tumira sa Amerika kasama ng maga magulang niya. I almost lost hope. Ngunit hindi ko akalaing makikita ko siya ngayong araw.

Calm your nerves, Serenity! I scolded myself.

"Infairness, lalong gumwapo si Fafa Sid," ani Marga. Ang suwerte niya dahil nakaharap sa entrance ang upuan niya kaya't hindi niya kailangang lumingon.

Sunod-sunod akong napalunok.

"Namumula ang pisngi mo, meym. Hindi naman halatang apektado ka sa presence ng vocalist ng Zero Degree. Pero ikalma mo 'yang dugo mo, ha? Broken pa 'yung tao sa pambabasted mo," ani ulit ni Marga.

Natauhan ako dahil sa sinabi niyang iyon. Sa isang kisap lang ay bumalik sa akin ang huli naming usapan.

"Nope. Don't mind me, Serenity. Still thanks for being my date tonight. As I promised, hindi na kita guguluhin."

Sumikdo ang sakit sa dibdib ko nang bigla akong sinampal ng katotohanan. Nakagat ko ang ibabang labi at nalunok ang sariling laway. Oo nga pala, ilang beses kong pinamukha sa kanyang hinding-hindi ako magkakagusto sa isang katulad niya. I hurt him bad.

Hindi na rin ako magtataka dapat kung hindi siya maniniwalang—mahal ko na siya.

"U—umalis na tayo rito," bulong ko kay Marga. Ngunit pinandilatan niya ako.

"Can't you see? Kumakain pa ako, 'no. Kaloka ka, ha."

"H—hindi ko kaya."

Bumuntonghininga siya at napa-aww. He gave me a sympathetic smile then stood up.

"Kung hindi lang talaga kita bestfriend, hinding-hindi ko ipagpapalit ang magagandang lalaking nakahain ngayon sa mga mata ko. Hmp!" Maarte siyang tumayo.

Inaayos ko na rin ang bag ko saka tumayo. Yumuko ako para hindi masyadong kita ang mukha. Mabuti na lamang at naisipan kong ilugay ang mahaba kong buhok. I tried to hide my face walking. Ngunit napatigil ako nang bigla akong bumunggo sa nakasalubong ko.

Nabitawan ko ang hawak kong bag. Agad ko rin namang pinulot iyon.

"Sorry, Miss. Are you okay?"

Tumango ako ngunit halos lumabas ang eyeballs ko nang makilala ang nakabungguan ko.

"Oh? Hi, Serenity! Ikaw pala 'yan," deklara ni Elliot. I realized they were about to occupy the table beside the table where I and Marga ate our lunch.

"Sorry pala, hindi agad kita nakita," ani Elliot. I gently nodded.

"A—ayos lang, hindi naman kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Tumawa naman siya.

"What's new? Hindi ka naman talaga tumitingin sa iba kapag naka-focus sa kung ano'ng meron ka, 'di ba?"

"Ha?" Napanganga ako.

"Biro lang," aniya. Nakatingin lahat ng mga mata ng kaibigan niya sa 'kin, maliban sa isa.

Abala siya sa kadutdot ng cellphone nito na tila may ka-text. I wondered kung sino 'yon.

"Come on, Madrigal. You're wasting too much time, I'm starving," anito na siyang ikinagulat ko. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

I heard Marga gasped. Elliot and Levi tsked in unison.

Humahapdi na ang ibabang labi ko simula pa kanina kakapigil ng hikbi. Tumagilid ako saka pumikit nang mariin. I held a composed face before facing them.

"S—sige, mauna na kami," paalam k okay Elliot.

"Sige, Miss Serenity."

"Halika na, Marga."

"Aray naman, meym! Dahan-dahan naman. Hindi mo ako kailangan kaladkadin," reklamo niya.

Nang tuluyan na kaming makalabas at makalayo sa cafeteria ay saka ko pinakawalan ang luhang kanina pa nagbabadya.

"Bakit gano'n, Marga? Bakit kung kailan handa na akong papasukin siya sa buhay ko saka naman siya umalis?"

"Meym, tahan na. Gano'n talaga, nasaktan mo 'yong tao, e."

"Kitang-kita ko, Marga. Parang wala siyang pakialam sa 'kin. Parang hindi niya ako kilala."

"Shhh, tahan na. Kung kayo, magiging kayo talaga."

Pakla akong natawa. Kasalanan ko naman kung bakit siya nawala sa 'kin.

He's the best boyfriend I never had and will never have.

© GREATFAIRY

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon