CHAPTER 16: Nathan Lockhart

1.5K 114 40
                                    


A MONTH of training and a month of headache.

Araw-araw akong napapa-isip at nalilito dahil sa dalawang lalakeng walang ibang ginagawa kundi ang bulabugin ako at bigyan ng sakit ng ulo.

Si Seth? Mas lumala dahil minsan nagkaka-usap kami ng maayos, minsan ang suplado niya, minsan naman sobrang landi niya. Pinapa-alala niya ang nangyari sa infirmary. Hindi na namin siya maintindihan at hindi na siya nakikilala ng mga kaibigan niya.

Nakakatanggap siya ng sapak galing kay Alice sa tuwing nagkakatopak siya. Ngunit hindi ko alam kung may pinagbago ba sa plano namin dahil todo suporta ang mga lalake sa mga kalokohan ni Seth. Lalong-lalo na si Pat na nakakasama na namin si palagi. Naiintindihan ko narin ang punto ni Luke noon.

Si Pat ay iyong klase ng taong namimili ng kaibigan ngunit sobrang bait naman niya kapag nagustuhan ka at marunong din siyang makisama. Kaya madali namin siyang nakasundo.

Napansin namin lahat na sa tuwing bumabalik sa normal si Seth ay si Pat lang ang kinakausap niya. Hindi rin namin magawang magtanong kay Pat dahil  siguradong sasabihin niya kay Seth. Sa tuwing nagiging baliw naman si Seth ay hindi sila masyadong nag-uusap. Iniiwasan niya ito palagi.

Napagdesisyunan namin na manmanan din si Pat. Hanggang ngayon kasi ay wala parin kaming konklusyon kung ano ang nangyayari kay Seth.

Si Nathan naman ay wala paring pinagbago. Nakaka-intimidate parin. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa kanya dahil sa sama ng tingin niya sa akin minsan. Natatakot akong komprontahin siya kaya hinahayaan ko nalang. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Minsan, mukha siyang nakikipagtalo sa sarili. He's been acting so weird lately. Hindi ko na rin ito masyadong binibigyan ng pansin dahil nakakahalata na sina Alice, lalo na si Seth.

"Yo," rinig kong bati ni Jin pero hindi ko pinansin.

Nandito ako ngayon sa terrace ng cabin, nakahiga sa sahig at nagpapahinga. Ma-aliwalas kasi rito kaya mas gusto kong dito tumambay. Sabado ngayon kaya wala kaming training.

Bukas may pulong ulit na magaganap. Lahat ng estyudante dito ay nagtitipon-tipon sa tabi ng lake tuwing linggo ng gabi. Noong nakaraang linggo lang din ito nagsimula. Sabi kasi ni Sir Aki ay bigla nalang daw nagdesisyon si Headmaster. The purpose was to create a bond between all the students here. We did not question his decision, simply because he is the head and we are obliged to follow him.

"Yo!" Nabigla ako sa sigaw niya kaya inis ko siyang nilingon.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Nakangisi siyang nakatayo sa harap ko.

Kapag may maririnig kang sumigaw o nagsabi ng salitang 'Yo' ay siya na 'yun. Ganyan siya palagi kung bumati. Nakaka-irita siya minsan o mas tamang sabihin na palagi, dahil feeling niya close kami. Ayoko sa kanya, hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing nasa paligid siya.

"Alam mo ba ang daan patungong cafeteria?"

Napataas ang kilay ko. Hindi ko siya sinagot. Bagot lang akong nakatingin sa kanya. Ilang segundo din ang lumipas bago sumilay ang isang malokong ngiti sa labi niya.

"Joke lang. Napakaseryoso mo kasi. Nahawa kana 'ata sa kay Nate e," tukso niya na lalong nagpa-inis sa'kin.

Nate is short for Nathan at siya lang gumagamit nun.

"Huwag mo akong ikompara sa lalakeng 'yun." Napatawa siya sa sagot ko. Mas lalo lang akong nairita. Bago paman siya makapagsalita ulit ay inunahan ko na siya. "Ano ba talagang kailangan mo, pula?"

Tumawa muna siya bago sumagot. "I'm here to pick you up."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong matandaan na lakad ngayong araw. Iyong iba ay hindi ko alam kung nasaan maliban kay Alice at Luke na nagso-solo sa lake. 'Nung araw kasi ng birthday niya ay hindi na sila mapaghiwalay na dalawa. Sa sobrang ka sweetan nila ay gusto ko silang buhusan ng sandamakmak na langgam.

A Kiss From A RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon