CHAPTER 8: Luke's Mate

2K 137 22
                                    

THE COLD breeze blew on my face. Napapikit ako, inhaling the fresh air then exhaling the heavy feeling in my chest. Napakapayapa sa tuktok. Nakaupo ako sa itaas ng puno, nakamasid lang sa paligid. But my head was flooded with thoughts.

Na sana kayanin kong malayo kay Seth. Sana ay may ibang paraan para makalimutan ko siya.

Pababa na ako ng puno nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw. Si Alice!

Nataranta ako at agad na tumalon pababa at nagmadaling pumasok sa loob ng cabin. Muntik pa akong atakihin nang maabutan ko siyang nakaupo sa tapat ng kwarto ko, umiiyak.

Nilapitan ko agad siya at iniharap sa'kin. "Ano'ng nangyari?! Okay ka lang ba?! May masakit ba?"

Nakahawak ako sa magkabila niyang balikat, sinusuri ang buong katawan niya. When I turned to look at her face, she went pale like she'd seen a ghost. Nanlalaki ang mga mata niya.

"T-Thalia? Nandito ka! Hindi mo kami iniwan?!" Niyakap niya ako. Mas lumakas pa ang hagulhol niya.

Mahina ko siyang itinulak palayo, nakakunot ang noo. "Ano'ng pinagsasabi mo? Bakit naman ako aalis?"

"E, k-kasi... Narinig kong nagpaalam ka kagabi. I thought I was just dreaming but then I checked your room earlier, and you weren't there!" Malakas niya akong itinulak.

Kanina lang umiiyak 'to pero ngayon ang sama na makatingin. From sulking to being angry with me, that's what you call bipolar.

"Bampira ka ba talaga? Hindi mo man lang ako naramdaman? Nandoon lang ako sa itaas ng puno, nagpapahangin," paliwanag ko.

Umirap siya. "Sa'yo pa talaga nanggaling," sabat niya tapos tumayo kaya napatayo narin ako.

Mabibigat ang kanyang yapak patungong salas at padabog namang umupo sa malapad na couch. Umupo ako sa kabilang upuan. Hindi ako makatingin sa kanya dahil natatakot ako— parang mangangain, e.

"I panicked! I thought you left. Ba't kaba kasi nakatambay sa labas? It's 5 am!" sermon niya tapos biglang tumayo sabay upo naman ulit.

Muntik na akong matawa sa pinag-gagawa niya pero pinigilan ko dahil baka batuhin niya ako ng sofa. She's very unpredictable.

"Huminahon ka nga. Hinding hindi kita iiwan ng walang paalam," I assured her and then her eyes turned soft.

She smiled pero agad ding nawala. Nakataas na ang isang kilay niya. "Pero bakit narinig kitang nagpapaalam?!"

I steadied myself. Kailangan kong sumagot nang hindi halata ang lungkot at disappointment sa boses ko.

"I-I was saying goodbye to Seth." Napamura ako sa isipan. Unang pangungusap pa lang, nanginginig na ang boses ko. "Napagdesisyunan kong itigil nalang 'to, Alice. Ayokong umasa na may koneksyon siya sa akin. But he is my mate, so it's still my duty to protect him. K-Kahit sa malayo."

The pity in her eyes was the reason why I debated on telling her.

"Okay lang ako, Alice. Nandiyan ka naman at saka si Manang. At may Seth parin naman ako. Well, sort of." I giggled a little to make her smile.

But maybe I was just so transparent. Niyakap niya ako. She gave me a tight two seconds squeeze before letting me go. I didn't let my smile drop; I have to pretend I'm okay.

"I'm always here for you. I'll support your one-sided 'love'," she qouted with a smile. "I respect your decision, but I'm still hoping for the better. If Seth doesn't have a connection with you yet, then you can just seduce him."

Natawa lang ako sa kanya. "Kung anu-ano na naman iniisip mo."

"And maybe you'll both end up like Aunt Celeste and Draega," she added while wiggling her eyebrows.

A Kiss From A RoseWhere stories live. Discover now