CHAPTER 10: Poisoned

1.8K 145 27
                                    


Third Person's P.O.V.

"YOU imbecile!" Dumagungdong sa buong silid ang nakakatakot na boses ng isang lalake. Matalas ang tingin nito sa tauhang nakatayo sa harap niya. "You ruined my plan. Now you have to pay for it," tiim-bagang at galit na bigkas nito.

Lumipat ang tingin nito sa lalakeng nakatayo sa gilid ng silid. "Kill him."

"Yes, Father." Yumuko ang isang lalaki at mabilis na tinanggalan ng ulo ang nagkasala. "Father, I heard they were mates," magalang nitong saad sa kanyang ama na ngayon ay nakaupo na habang nakahawak sa sentido nito.

"I was told that a Draco doesn't have one. She is definitely not his mate," maarteng sambat ng isang babae sa anak ng pinuno nila.

Maliban sa kanya at sa kanyang ama, may apat na tauhang nakaupo sa sofang nakapwesto sa gilid ng silid. Sila ang apat sa pinakamalakas na alagad ng kanyang ama: tatlong lalake at isang babae.

"Ibig-sabihin may hindi pa tayo nalalaman," puna naman ng lalakeng kanina pa tahimik na nakikinig sa kanila.

"Jin, control your men. We need her," nagbabantang paalala ng pinuno nila. "They almost got caught. You're lucky my son was there to cover their tracks."

"They acted on their own. Naging pabaya ako maestro. Forgive me," nayukong paumanhin ni Jin.

"Ugh! What do you want with her anyway? I thought we only need the Draco? And besides, mamatay din naman ang babaeng 'yun dahil nakagat siya," saad naman ng babae.

"They are connected in someway. She will survive. The Draco won't let her die. Right, Master?" pagkumpirma ni Jin nang mabasa ang mukha ng pinuno nila.

Tumikhim muna ito bago tumango. Lumipat ang tingin nito sa anak niya.

"Son, I want you to keep an eye on both of them." Tumango lang ito sa kanya. Nalipat naman ang tingin nito kay Jin. "Sasamahan mo ang anak ko sa academy. Mas mapapadali ang lahat kung magtutulungan kayong dalawa. And no more mistakes."

"Yes boss!" Sumaludo si Jin sa pinuno at umakbay sa lalakeng kanina pa nakatayo. "Let's go partner."

"Keep your distance," banta nito kaya agad niyang inalis ang pagkaka-akbay at napakamot ng ulo.

Tumawa naman ang tatlong naiwan sa sofa at bago sila nakalabas ng silid ay nagsalita ang babae na nagpatawa kay Jin.

"Goodluck, Jin! Don't make him angry or else... you're toast!"

***

Thalia Gaveign's P.O.V

I'm hearing faint whispers. "She's awake."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Nasa infirmary yata ako. Amoy na amoy ko ang mga halamang gamot. Nabaling ko ang atensyon sa kamay na humawak sa braso ko.

"Okay kalang, Lili?" nag-aalalang tanong ni Alice.

Nilibot ko muna ng tingin ang paligid bago sumagot. "Okay lang ako."

Napansin ko si Luke sa paanan ko na seryosong nakatitig sa'kin. Pati si Cole at Adri na nasa kabilang gilid ng kama ay ganun din. Bumangon ako at tinanggal ang kumot. Wala na ang sugat ko sa paa. Ilang araw ba akong tulog?

Nilibot ko ulit ang buong silid para hanapin siya.

"Nasa labas siya, kausap si Sir Aki," sabi ni Adri.

I stifled a smile.

"What happened, Lili? Sabi ni Seth nakita ka niyang muntik nang malunod sa lake kahapon. Ayaw nga kaming papasukin dito."

A Kiss From A RoseWhere stories live. Discover now