Chapter 22 - Everything has to End

755 44 13
                                    

[Timothy’s POV] 

Ang dami codes ang kailangan kong gawin ngayon, dahil malapit na ang finals. Simula pag gising ko kompyuter na ang katapat ko.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa higaan ko. Si Catie pala ang natawag, medyo nag lie low ako sa kanya, nakokonsensya na kasi ako sa ginawa ko. Kundi ko lang talaga mahal si Nicole, hindi ko ito gagawin.

“Hello babe, napatawag ka?” Tugon ko sa tawag niya. Medyo naiirita ako ngayon dahil sa sobrang daming gagawin.

“Hello babe, magpapasama sana ako sa mall. Are you free today?” Tanong niya sa akin. Hindi ako pwede ngayon dahil ang dami ko talagang gagawin, si Nicole kasi. Tssk.

“Sorry babe, pero may kailangan pa akong tapusin ngayon.” Sabi ko, totoo naman na madami talaga akong kailangang gawin.

“Oh, okay babe. I understand.” Aniya. Nilapag ko na ang cellphone sa kama, at nagsimulang gawin ulit ang project at requirements ko.

Ayaw ko munang magpakita sa kanya. Nahihirapan na din kasi ako.

-----

Pagkagising ko, iniisip ko kaagad kung paano ko masisira ang plano ni Nicole.

Ayaw ko nang gawin ang mga pinapagawa ni Nicole sa akin. Alam kong may taong nasasaktan, kung hindi ko lang talaga siya mahal hindi ko ito gagawin.

Nagsimula ang lahat ng ito nung nakita ko siya sa isang tulay, may balak ata siyang magpakamatay. Ako naman kagagaling ko lang sa pakikipag basag-ulo sa may amin, may nakaaway ang fraternity namin.

Bugbog sarado na ang katawan ko at may mga galos na din ako, buti na lang at di ganoon kalalim, nagkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan at napadpad ako sa isang tulay, doon ko nakita si Nicole, unang kita ko pa lang sa kanya iba na ang naramdaman ko. Kaya pinuntahan ko siya at pinigilan kahit na uwing-uwi na ako.

Naririnig ko siyang humahagulgol, hinila ko siya dahil malapit na siyang mahulog.

Nagalit pa nga siya sa akin dahil pinigilan ko siya, kahit na pinagpapalo niya ako hinila ko pa din siya papunta sa bahay namin.

Doon na kami nagsimulang magkakilala, nang mahimasmasan na siya ginamot niya ang mga sugat ko at nagsimula na siyang magkwento tungkol sa buhay niya.

Totoo pala na pwede kang ma-inlove sa isang taong unang beses mo lang nakita.

Love at first sight.

Akala ko hindi totoo, akala ko sa mga movies at romance novels lang meron iyon pero nagkamali ako. Dahil, ako mismo, naranasan ko ‘yun.

Second year college na ako nung makilala ko si Nicole at siya ay First year college pa lang nun. Mas matanda ako kanila Catie, malapit na din akong grumaduate.

Naging kami matapos ang ilang buwan, masaya siyang kasama at palagi niya akong napapasaya.

Dumating din ang araw na sinabi niya sa akin na hindi na niya kayang magpanggap na masaya siya. At doon ko napagtantong kulang pa pala ang lahat ng mga ginagawa ko sa kanya. Akala ko simula ng maging kami nakalimutan na niya ang mga problema niya.

Walang nakakaalam na may relasyon kaming dalawa, kaya pala ganoon ang gusto niyang set up ay dahil sa gusto niyang gamitin ako para pahirapan si Catie.

Nung una ay tinututulan ko siya pero nang lumayo siya sa akin dahil umayaw ako. Doon ko nalaman sa sarili ko na hindi ko siya kayang mawala sa sistema ko. Pinilit ko siyang tiisin pero hindi ko kaya.

Unexpected AgreementWhere stories live. Discover now