Chapter 11 - Approval

1.1K 63 21
                                    

"Bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba sa inaakala mo?" Ang kapal naman ng mukha ni Timothy na magpakita sa akin matapos ng ginawa niya.

Your heard it right, si Timothy ang nasa harapan ko ngayon. Akala ko nga si Xavier ang pupunta ngayon dahil ngiting-ngiti si Mama kanina.

"Ganyan ka ba talaga sa EX mo?" Tanong niya sa akin habang ngumingisi siya. "Oo. Bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Halatang bitter kasi." Tumawa siya matapos niyang sabihin iyon. Ang sarap niyang tadyakan. Na laglag ang panga ko sa sinabi niya. Totoo namang bitter ako at sobrang sakit ng ginawa nilang dalawa.

"What brought you here?" Pag-iiba ko nang usapan, naiirita na din kasi ako sa presensya niya.

"Your mom called me, for your debut. Pinapakuha niya na 'yung suit, kaso sabi ko hindi ko alam kung ako pa din and escort mo dahil wala na tayo." Aniya.

"Buti naman sinabi mo 'yun. You may leave." Tatalikuran ko na sana siya nang tuluyan dahil sa bigat ng dinaramdam ko kaso nagsalita ulit siya. "I know you're up to something, 'wag mo nang ituloy dahil parehas lang kayong masasaktan." Humarap ako nang maayos sa kanya ngunit nakatalikod na siya at malapit na siya sa labas ng pintuan. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.

Nagtungo na ako sa kainan namin, nakita ko ang organizer na kausap nila Mommy. Mukhang may aayusin sila, oo nga pala hindi ko nasabi kanila Mommy na hindi na kasama si Nicole sa 18 candles at si Timothy naman sa 18 roses. Si Xavier na ang papalit kay Timothy at sasabihin ko na ito kay Mommy nang maayos na ang lahat. Nalalapit na kasi ang aking kaarawan. Sabado na ngayon at next week na iyon, napadala ko na din ang mga invitation cards pero kahit sila ang nakalagay doon ay iibahin ko na.

“Mom, uhm..ano…” Sabi ko kay Mommy, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. Di ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko para mapaniwala siya.

“Ano ‘yun anak?” Tanong ni Mommy, habang nag-aayos ng pagkain namin. Gusto kasi ni Mommy na gumagawa siya nang mga ganitong bagay para sa amin, lalo na pag may bisita.

“Ano po kasi, Mom. Si….” Naputol ang sasabihin ko nang may biglang umakbay sa akin. Sino naman kaya ang aakbay sa akin? Tumingala ako para tingnan kung sino ‘yun at nakita ko si Xavier na nakangiti kay Mommy. Para talaga siyang kabute bigla bigla na lang sumusulpot.

“Tita, ako na po pala ang Escort ni Catie sa debut.” Aniya.

Inunahan pa talaga akong magsabi, pero ayos na din ‘yun dahil nawala nang kaunti ang kaba na nararamdaman ko. Ang iisipin ko na lang ay kung anong sasabihin ko pag dating kay Nicole naman.

“Talaga! Mabuti naman, dahil di na pala sila ni Timothy. Akala ko wala na siyang magiging Escort.” Tuwang-tuwa na pahayag ni Mommy, sila na ang nag-uusap. Nanlaki pa ang mga mata ni Mommy at napatigil siya sa ginagawa niya, niyakap niya kasi si Xavier.

“At Tita, kami na po pala ni Catie.” Sabi ni Xavier sabay higit sa beywang ko. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, si Mommy naman abot langit ang ngiti niya. Shit naman! Kahit nasabi ko na ‘yun kanina kay Mommy, iba pa rin ‘yung dating nung siya ang nagsabi ngayon.

“Mom, si Nicole pala. We had an argument, and I don’t think na magiging okay pa kami. Kaya, I need proxy. Please Ma, don’t ask kung anong nangyari.” Dire-diretso kong sabi kay Mommy, ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin. Tumango-tango na lang si Mommy, natapos na din niya ang pag-aarrange nang mga pagkain.

“Okay, pinsan mo na lang ang ilalagay ko doon.” Sabi ni Mommy at pumunta nang kusina.

Hinarap ko naman si Xavier, dahil nagtataka ako kung bakit nandito siya. Hindi na nga pala dapat akong magtaka kasi, alam na nga pala na kami na. Paniguradong andito din ang mga magulang niya, pati na din ang kapatid niyang babae.

Unexpected AgreementWhere stories live. Discover now