Chapter 18 - Pay for it

862 44 19
                                    

[Shally’s POV]

Sobra akong kinabahan ng makita ko na dadalhin nila ako sa madilim na lugar na iyon, akala ko nga kung ano na. Nagulat din ako nang makita ko si Norman, dahil sinimulan na nilang sindihan ang mga ilaw na nakapaligid sa amin. 

Di ko inaasahan mahal na pala niya ako, natatawa nga ako dahil nag-rap pa siya sa harapan ko. Kaya ko lang naman tinanong kung rap ba iyon, dahil gusto ko lang siyang asarin. First time na mangyari ito sa akin, ‘yung may lalaking harap-harapang sinabi na mahal niya ako. At sa di ko inaasahang pagkakataon ay si Norman pa pala iyon, kahit na alam niya kung sino ang mga nagustuhan ko at naging crush ko wala siyang pakialam.

Nakakatawa talaga itong si Norman, magtatapat na nga lang ng pagmamahal may kasamang kayabangan pa! Grabe talaga!

Kasama pa talaga sa pagtapat niya na ‘yung salitang “Ang gwapo ko pa naman, tapos ang torpe ko, mahina pa pagdating sa iyo.” Kailangang may gwapo na salita pa talaga.

Sabi niya sa rap niya, hindi daw siya torpe pero ang totoo pala torpe siya! Kinikilig ako sa mga ginawa niya para sa akin, nag-sayaw pa nga kami ulit at asaran. Hindi ko masabi kung mahal ko na ba talaga siya, dahil wala naman akong pagtingin para sa kanya. May gusto pa nga ako kay Edwin eh, naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Pero pumayag pa din naman akong manligaw siya sa akin dahil, manliligaw pa lang naman siya at doon ko masusubukan kung mahal niya ba talaga ako.

Matapos ang dinner namin ni Norman, aba’y syempre, hindi mawawala ang mga asaran at kulitan sa mga kabarkada namin. 

Kahit hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon, hahayaan ko siyang suyuin ako.

-----

[Nicole's POV]

Kanina ko pa napansin at nararamdaman na parang may sumusunod sa akin.

Tumungin ako sa may likuran ko pero wala namang tao.

Ay ewan! 

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko, nasa tapat na ako nang gate ng bahay namin ng biglang may nanghila sa akin. Si Timothy siguro ito, kaya ngumiti ako.

Pero nagulat ako nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na mukhang goons. Hawak-hawak ng lalaking humila sa akin ang dalawa kong kamay at sinisimulan na itong itali.

"Get your filthy hands off me!" Bulyaw ko sa kanila.

Nagpumiglas agad ako pero sinuntok ako sa tiyan nung maitim na lalaki na mukhang goons. Ang sakit. Bwisit. Nanghina ako sa ginawa niya.

Nakita kong lumapit naman yung isa pang lalaki na may dalang panyo. Shit. Nalintikan na!

*****

Pagkamulat ng mga mata ko, nakatali na ang nga paa at kamay ko. Nakahiga lang ako sa may papag. Paniguradong si Xavier ang gumawa nito. Alam na siguro niya ang mga ginawa kong kalokohan kay Catie.

"Andiyan na ata si Boss." Sabi nung lalaking maitim, 'yun ata ang sumuntok sa akin kanina.

"Tara na, iwan na natin 'yan." Umalis na sila.

Nang makarinig ako ng mga yabag ng paa papalapit sa pintuan sumigaw na kaagad ako.

“Bwisit ka Xavier! Bat mo ako dinala dito? Pakawalan mo ako!”

Narinig ko ang dalawang tao na naguusap, kaso hindi ko naman maintindihan masyado ang pinaguusapan nila.

“Ano Xavier! Ipapatay mo ako? Hindi pa ako pwedeng mamatay ng hindi pa ako nakakaganti!” Bulyaw ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya.

Unexpected AgreementWhere stories live. Discover now