Chapter 5 - Best Friends

1.4K 63 26
                                    

[SHALLY ARMAE’S PICTURE ON MEDIA]

[Catie’s POV]  

Ngayong araw kami magkikita ni besh, sinabi na din niya sa akin kung saan kami magkikita at mag-uusap. Noong una umayaw pa ako dahil sa lugar na iyon may nangyaring hindi maganda.

Doon sa lugar na ‘yun, doon din ako ninakawan ng halik ni Xavier. Ughh. Naalala ko na naman, but I’m happy na inaalagaan niya ako nung panahon na umiiyak ako at wala ako sa sarili. Sinigurado niya pang safe akong nakarating sa bahay namin.

Nandito na ako sa may tapat ng coffee shop, medyo maaga akong nakarating kaya alam kong wala pa siya dahil palaging late ‘yun. Himala na siguro kung maaga ‘yun darating.

“Vanilla Caramel po.” Sabi ko kay kuyang gwapo na nasa kahera, ang gwapo naman ni kuya. Sabi ko na nga ba eh, tama na dito kami mag-usap ni Shally nakakadagdag insipirasyon. Hahaha.

Nang makuha ko na ang drinks ko, nagtungo na agad ako sa isang upuan sa may gilid. Nakikinig muna ako ng music habang nainom ng drinks ko, senti moment muna ako ngayon.

Matapos ang ilang mga minuto ay biglang may tumulak sa balikat ko, at siguradong sigurado ako na si besh ‘yun. Sadista eh. Lumingon ako at napangiti nang makita ko siya, masaya ako dahil nandito siya para malabasan ko nang mga hinaing at problema ko.

Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko, napansin ko din na may dala siyang drinks. Bumili siguro muna siya bago ako puntahan, naka-pantalon at hanging na damit ang suot niya at naka-sandals.

“Besh, may mga hindi pa pala ako nasabi sa iyo.” Pagsisimula ko, ang mga sinabi ko kasi kagabi is summary lang ng mga pangyayari, na nagkasagutan kami ni Nicole tapos nagwawala ako then hinatid ako ni Xavier. Hindi pa ganoon ka detalyado ang lahat, kaya alam ko na may mga katanungan pang nabubuo sa isipan niya.

“I know besh, parang may kulang kasi pero naintindihan ko naman ang punut-dulo kung bakit ka nagkakaganyan, kung bakit ka nalulungkot at nagagalit.” Sagot niya sa akin, ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala. Sana nga, hindi siya katulad ni Nicole.

Si Nicole pa naman ang lagi kong napagsasabihan sa tuwing nagkakatampuhan kami ni Timothy, sa kanya ko pa naman madalas i-kwento ang lahat.

“At, oo nga pala besh may sasabihin din ako sa iyo. Pero ikaw na muna ang mauna.” Dagdag pa niya, tumango na lang ako at magsisimula nang magsalita.

“Besh, di ba I saw Timothy and Nicole making a miracle… Hindi ko sila nakita na ‘yun talaga ang ginawa. Hindi ko dapat sila mahuhuli kung hindi nag-ring ang phone ni Nicole. Tinawagan ko kasi siya para malaman kung nasaan na siya. I was surprised ng marinig ko ‘yung ringtone nang phone niya sa banyo. Pumasok ulit ako sa banyo at binuksan ko ‘yung isang cubicle at nakita ko silang nag-aayos ng damit. Which means only one thing….they did it.” Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Shally sa mga sinabi ko, kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga eye balls sa sobrang gulat.

“Damn! Akala mo kung sinong santa, ‘yun naman pala siya pa itong di na birhen. It means nung nagbanyo ka may naririnig ka ng something… ‘yung ano… alam mo na?” sabi ni Shally sa akin

Talagang kailangan pang itanong ‘yun? Hahaha.

Tumango na lang ako sa kanya at nagpipigil ng tawa, open-minded naman kami kaya ayos lang sa amin na pag-usapan ang ganoong bagay. Hindi na naman kami mga bata para hindi malaman ang ganoon ka-sensitibong mga bagay.

“Tapos, ayun besh dun na kami nagkasagutan. Sinabi na din ni Nicole na ginamit niya lang si Timothy at sila pala talaga ang may relasyon. At saka, may galit at inggit pala siya sa akin. Nagselos din siya nung panahon na mas pinili kitang puntahan kaysa sa kanya.” Nakita kong biglang lumungkot ang reaksyon ng mukha ni Shally, iniisip niya sigurong may kasalanan din siya sa nangyari noong panahon na iyon.

Unexpected AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon