*Combat System Officer

369 20 0
                                    



Lauren pov


"Combat System Officer Jacob Sean Willson.Willing to take part of the mission"

I know that voice. Kay jacob ang boses na yon hindi ako pwedeng magkamali


Pagtingin ko sa likod nakita ko si Jacob na nakatayo. Anong ginagawa nya dito!?bawal ang mga katulad nya dito sa meeting na to. Kahit kelan napaka pasaway palagi.

"I object. He is a Combat System Officer he is  not allowed in this kind of field" sabi ko sa lalaking nagngangalang Axyl. Alam ko ang binabalak ni Jacob. Ginagawa nya lang to dahil gusto nyang kunin ulit ang loob ko. Ramdam ko naman sa mga salitang sinambit nya saken nung minsang magkita kami.


Naniniwala naman ako sa sinabi nyang mahal nya pa ko hindi ko lang matanggap ang mga pangyayare. Masyadong mabilis at isa pa tapos na kami wala na matagal ng wala.Wala nang dahilan para mag usap pa kami dahil kinalimutan na nya kami.

Nung umalis sya at iniwan ako nag aantay ako ng balita  sa kanya. Sinabi nya sakeng gagawa sya ng paraan para makapag usap uli kami pero ni isang tawag o sulat wala akong nabalitaan sa kanya


Naisip ko na baka ginigipit sya don kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkausap uli kami. Pumunta ako sa America at nakita ko syang masayang nakikipaghalikan sa isang bababeng Americana ren. Mukha itong mayaman at mukha pang edukado bagay sila ni Jacob.


Hindi na ko nagpakita kay jacob at umalis na lang agad sa amerika hindi ko akalain na nakalimutan na nya agad ako ng ganon ganon na lang habang ako eto baliw na baliw sa kanya

Simula non nagdesisyon akong kalimutan na sya at ituon nalang ang atensyon sa pag aaral. Natupad ko ang pangarap ko na maging isang astronout. Una kong pangarap ay makalipad lamang gamit ang eroplano at makita ang nasa baba nito pero nawala yon nung nabigyan ako ng oppurtunity na maging isang piloto. Habang nagpi-piloto ako naisip ko na mas maganda kung mas mataas pa ang makita ko.Sakto namang may kaybingan ako na nag iisip den na maging astronout si Lyn.


Ngayong magkaparehas na kami ng landas na tinatahak hindi ko papayangan ang sarili ko na maging mahina ulit.

"The meeting is all about my team and it seems like its not a nonsense like what Im expecting. To my team come to my room by noon i have aomething private to discuss to ya'all the rest can leave. Meeting adjourned"

Papalabas na ko nung nakasalubong ko si Axyl at nilapitan nya ko. Sinabi nya saken na sa kwarto nalang nila Kevin kami magmeeting dahil masyadong makalat ang kwarto nya

Hinanap ko muna si kevin bago maglakad. Natigil ang mga mata ko sa isang lalaking ramdam ko na kanina pa ko pinagmamasdan. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa sya na ang unang umiwas. Napakadaming emosyon ang naramdaman ko sa paraan ng pagtitig nya pero sarado na talaga ang puso ko. Wala na kong nararamdaman pa para kay jacob its been 8 years napakatagal na non.


Nagsimula akong maglakad sa gawi nila Kevin. Ramdam ko paren ang mga tingin nya na mabilis sinusundan ang bawat kilos ko hanggang sa makarating ako sa gawi nila. Hindi agad napansin ni kevin ang presensya ko dahil abala sya sa pakikipag usap sa babaeng kasama ni kevin.


Gustong gusto ko ng umalis sa  harapan nila dahil pakiramdam ko tutunawin ako ng mga titig saken ni Jacob. Bat sya genyan saken sinabi ko ng wala na kami bakit kelangan nya pang maghabol? Hindi nya ba alam na pinagmumukha nyang kawawa ang sarili nya?

The last Sunset (Complete)Where stories live. Discover now