TRIAL

677 34 3
                                    


"I think your smile is my weakness Mei"



Ilang segundo kaming magkatitingan ni Mei pero hindi ko inaasahan na bigla nya kong hahampasin sa braso ko. Nagulat yata ang buong sistema ko dahil hindi ko talaga inaasahan yon. Ang babaeng to tatawa-tawa pa masaya ba syang nasasaktan ako?





"Andami mo nang nalalaman na lalaki ka. Sinong nagturo sayo non? sa pagkakatanda ko wala ka namang kilala saten." Hindi ko maintindihan kung anong pinagtatawanan nya. May mali ba sa sinabi ko? nagsasabi lang ako ng totoo "oh baka naman nanonood ka na ng mga drama ngayon?hahaha ikaw ha!" Tinusok tusok nya pa ko sa tagiliran ko urgghh nakakainis pinagtitripan nya na yata ako





"Ano ba tigilan mo nga yan." inalis ko ang kamay nya sa tagiliran ko nakakaines "hindi ako nanonood ng mga ganon. Ikaw ang nanonood ng mga boring na palabas"totoo naman boring ang mga yun. Puro sampalan pare parehas pa ng daloy ng kwento



"Yieeeee amen na kasi tayo tayo lang naman dito"she change the mood in an instant



"Ano ba hindi nga ako nanonood kahit itanong mo pa kay Zeri ang kulit kulit mo" tumayo na ko at umalis bago pa ko hindi makapagtimpi. Ang kulet fuck





"Hoyyy ! Galit ka ba? Sorry na" sigaw nya saken. Eskandalosang babae




"No Im not.Maglilibot libot lang ako baka may mahanap akong useful" that's a lie gusto ko lang umiwas dahil ang akward na etong babae naman na to hindi marunong makaramdam






"Sama ako"



"No just stay there,bantayan mo mga gamit naten"


Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Nagdesisyon akong tumigil muna sa nakita kong bato at dun umupo. Binuhay ko si Zeri dahil may gusto lang sana akong itanong sa kanya



"Zeri will you please check my whole body?" zeri start to scan me

"It's all normal but your heart beat is beating so fast"


"Yeah something wrong with my heartbeat. It's abnormal." I place my palm on my chest para pakiramdaman ang heart beat ko.This is bad really really bad.


"Zeri tell me the posible cause of suddenly increase of heart rate"


"People who can feel their heartbeat, or flutter, may be experiencing palpitations. This may be due to stress, anxiety, medications, or it may be a sign of a serious heart condition."




"Yeah may be Im just stress. Matutulog nalang siguro ako" siguro nga stress lang ako kakaisip kung anong dapat gawen


Dumiretsyo pa ko sa paglalakad at naglibot libot. Wala ren naman akong napala sa paglalakad ko dahil nakalock ang lahat ng bahay na makita ko kaya nagdesisyon na den ako bumalik.


Habang pabalik na ko may narinig akong kung anong nabasag kaya pinuntahan ko yun.



Naabutan kong may nagnanakaw sa isang jewelry shop. I know some self defense. Natutunan ko to nung nasa America pa ko pero madalang ko lang naman tong gamitin dahil hindi naman ako mahilig makipag basag ulo. Nagagamit ko lang to pag gipit na gipit na talaga



The last Sunset (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora