Three words, Eight letters, Say it and I'm Yours [10]

Start from the beginning
                                    

K- shut up.

Oops. Sinabi ko bang close? Ah eeh.. Except ngayon? Weird at moody lang tlga si Kean ko! Haha. Nagtataka siguro ako kung asan ako nu? Teka papasok ako sa eksena.

Ca- CHANEL! Kean!

Ch- Hi Cass! *hug + beso*

K- fck.

Ch- just shut up?! Inggit ka lang e.

K- asa ka naman.

Mukhang mainit ang ulo ng dalawang ito ah? Aish. Escape na kaya ako? Oo sige. Baka mapasali ako sa world war 3 ng wala sa oras! Sige oout na ak-- *King of anything*

Uyy. May tumunog. Phone ni Chanel.

"Ugh. Hello? Oh. Why?"

Naks! Kung makaenglish ang lola mo! Si Kean kasi eh. Dahil moody siya minsan feel niya magenglish, minsan ang lalim ng tagalog!

"Yeah I'm with Kean.** Uh-uh.** Where are you? **WHAT?! YOU'RE INSANE! **Bakit di mo sinabi sakin?! Asar ka. ** fine. i hate you** anong time ng flight?** okay. Wait for me. ** no! You're gonna wait for me or else we're gonna break up.** i'll be there."

so narinig niyo naman.. Mukhang si Gian yun. And.. flight.. Ibig sabihin aalis siya ng bansa. Pag umalis siya ng bansa.

FCK! Maiiwan si Chanel kay Kean palagi. At ang lovelife ko?! Siraaaa! Kelangan kong pigilan!

"Kean, ihatid mo ako sa airpot now na."

"what? May class ak--"

Oh, bakit napahinto sa speech ang maha--aish! Siyet. Si Chanel mukhang mangangain ng tao! Pero.. She's still so pretty! Pero ohmygosh! Katakot. Super serious na emotionless ang mukha. Something like that. Maybe because.. Gian's going. Well.. Gian never left her side since she was.. Who knows.. Pero hnd pa sila nagkakahiwalay.

Maya maya.. Lumakad na si Kean papuntang parking.. Wait! Kelangan kong sumama siyempre. Kaso pano ko kakausapn si Chanel e nakakatak--

"I need you to come with me."

nagnod na lang ako. Tanda niyo ba ung kwento ko na sinuntok niya si Carlo? Natakot ako skanya nun pero ngayon.. Kinikilabutan pa ako. Aish. Why do i feel.. Sad?

Maya maya andiyan na yung kotse ni Kean. Ambilis ah! Natakot din to kay Chanel! Sumakay na kami, si Chanel sa tabi ni Kean ako dito sa likod. Ang tahimik nga eh.. Nagpatugtog ako.. Shuffle shuffle.

"Aaah aahh.. All my bags are packed I'm ready to go."

WAAAH! WRONG MOVE! Leaving on a Jet Plane pa ang tumunog!

"Sh*t sorry sorry. Ah eh.. Kaasar kang ipod ka! Asar!"

Ang tahimik pa din, nakita ko nakatingin lang si Kean kay Chanel. Tinitingnan ang reaksyon. Wala. Nakatingin lang siya sa bintana. Tumingin sakin si Kean gamit yung mirror sa harap ng driver. Ewan ko kung ano tawag dun!. Kala ko nga papagalitan ako.. Pero tumingin siya ng next-song-na-nga look. Tapos nilipat ko, tapos nagsmile siya sakin. Nagsmile din naman ako, ayun, tapo-- wait.

NAGSMILE SAKIN SI KEAN?! Hindi nga?! Aissssh!

Ayos! Ganun pala yun. Kapag hindi ko masyadong pinahalata ang feelings ko hindi siya naiilang. Or.. Kapag natataranta ako nagssmile siya?! Ai ewan.

So ayan, nakababa na kami. Tumakbo agad si Chanel sa loob. Okay. Ang.. Finesse niya. Kinakabahan ako sa bestfriend ko! Sumama naman ako kay Kean pagpark.

"Oi anong merun dun? Katakot ah. Parang papatay ng tao."

"Hindi ko nga din alam. Kinakabahan ako."

[PUBLISHED BOOK] Three words, Eight letters, Say it and I'm YoursWhere stories live. Discover now