Chapter 1: He who likes coffee

71 7 0
                                    

Kristan's POV

"Tch!" may pagka-inis kong sabi ng magvibrate ang beeper na nasa loob ng aking labcoat. Kasalukuyan akong kumakain ng croissant at humihigop ng kape sa Cafeteria. "Napaka istorbo!" Pinatay ko ito at nagpatuloy sa pagkain.

Wala nang mas sasarap pa sa isang umagang sinimulan sa paghigop ng kape ngunit ang umaga ay biglang sumama ang timpla ang inakala nating asukal ay iodized salt pala. Tumayo ako sa aking kinauupuan at saka naglakad patungo sa laboratoryo dala-dala ang aking kape. Hindi ko nagustuhan ang nakikita ko Tch

Isinaayos ko ang aking labcoat bago humigop ng kape. Kadaraan lang ng isang pasyente at nurse na tila mayroong kakaibang connection. Bakas ko sa bilis ng kanilang lakad at sa mga nakabakat na bagay sa knailang damit. Nakakadiri!

Inilingon ko ang aking paningin sa natigilang si Dr. Snow. Ang ganda niyang tingnan kaso wala siyang suot na sapin sa paa. Halos mabuga ko ang kape ng mapansing nakapaa lang s'ya . At least someone makes my day happy.

Napatingala siya na tila nag-iisip at animo'y may nakalimutan. Kapani-paniwala naman.

"Magandang umaga Dr. Snow" mahina kong sabi sabay inom ng kape at diretso patungo sa laboratoryo. Natatawa pa rin ngunit biglang nagseryoso ng matunton ang pintuan.

"Why?!" may pagkabossy kong sabi sa mga nurse na naroroon na nagulat ng makita ako. Ang mga titig nila ay pawang nakakatunaw at nakakainis. Ibinaba ko ang kape sa lamesa.

"Ano?!Why did you page me?!" nanlilisik ko sabi.Ngunit katahimikan lang ang nanaig sa kanila

"It's me who paged you Kristan" isang pamilyar na boses ang aking narinig.

Lumingon ako upang tingnan ito

"Uncle Charleston!" medyo gulat kong sabi sabay salubong dito. Rinig ko ang hagikgikan nila. "I mean, Uncle what brought you here?"

Ngumiti ako at napatahimik ang mga nagtatawanang nakakabusit na nilalang . works everytime

"Just visiting, how's Charles?" hinila ko siya palabas upang doon kausapin. Mas pribado at walang chismosa.

"Uncle is doing good too. Pero seryoso ano pong pinunta niyo dito?" aking wika sabay bigay sa kanya ng seryosong tingin upang ipahiwatig na alam ko na nagsisinungaling siya.

Tumawa siya sabay sabing " Okay, okay I surrender. Ang galing mo talagang bata ka. I am not here to visit. I am here for you."

"Ako?! Anong kailangan niyo Uncle?" gulat kong sabi.

"We need someone to train Secret Elite Task Force Group" bulong nito

"and you want me to?"

"Yes, ikaw lang ang kilala kong may sapat na kakayahan, payag ka"

Napangiti ako " Okay, but in one condition" sabi ko

"Ano yun?"

"Let me be a part of that secret task force"

"What?!" Pasigaw nitong bulong

"Okay then ikaw bahala" sabi ko

"No, no sige I'll make a way, but please keep this as a secret. Agent to agent" sabi niya

"Okay Uncle" sabi ko bago ngumiti at akmang iinom ng kape ngunit hindi ko ito mahanap. Tumingin ako sa loob ng makita ang kumpulan ng mga nurse na animo'y may pinagkakaguluhan. Ang iba ay patalon-talon pa.

Papasok na sana ako sa loob ng ayain ako ni Uncle patungo sa Cafeteria. Ang lugar na ayokong puntahan ngayon. Kaswala kong naglakad papunta doon may mapait na porma ang mga labi at ang mga mata ay tila nang-uusig.

The BehavioristKde žijí příběhy. Začni objevovat