Habang paakayat ako pabalik sa kwarto ko ay sunod sunod na ang mga luha ko. Namamanhid na din ang kanang pisngi ko dahil sa sampal ni Papa.

Pagkapasok ko sa kwarto, kinuha ko kaagad yung maleta ko at hinagilap ang mga damit ko.

Hindi ko na talaga kaya na makasama pa sila dito sa iisang bahay, mas mabuti pa na nasa pilipinas ako. Tahimik lang ang buhay ko.

Isinara ko na kaagad ang maleta ko at tsaka ko kinuha ang phone ko, kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ay natawagan ko pa din si kuya Jairus.

"Kuya, pakihanda ng private airplaine ng family natin. Uuwi na ako sa pilipinas"

(H-ha? Agad agad?! Hindi pa kita nakakabonding ulit ng ganong katagal. Teka! Naiyak ka ba?!)

"Family problem lang ulit kuya Jairus. Saka ko na lang ikekwento, please. Pa ready na ng private airplaine. Papunta na ako sa Airport"

(Okay. Okay, lil cous. Ingat ka ha. Ipapahanda ko na. )

Pagkaend ko ng tawag, ibinaba ko na kaagad ang maleta ko. Saktong pagbaba ko ay ang paglabas ni Mama at Papa sa dinning area.

Hindi ko sila pinansin at nagdire diretso lang ako sa pintuan ng biglang magsalita si Mama.

"Anak, naiintindihan ko kung bakit aalis ka na. Pero sana maintindihan mo din ang papa mo"-sabi ni Mama.

Humarap ko sa kanila at nginitian sila ng mapait. Tiningnan ko si Papa at kinausap sya kahit umiiyak ako.

Wala na e, hindi ko na talaga kaya dito.

"Okay lang, naiintindihan ko Papa. Sinampal mo lang naman ako e. Okay lang talaga. Sa dinami dami ng pagkukulang nyo sakin, sinampal mo pa ako? Aba ang kapal din naman ng mukha mo. Wala kang karapatang saktan ako, dahil una sa lahat hindi ko naman naramdamang tumayo kang magulang sakin. Sige. Una na ako ha? Salamat sa pabaon mong sampal. Sana nag enjoy ka"

Hinila ko na kaagad ang maleta ko palabas at isinakay iyon sa kotse ng family namin. Bago ako sumakay sa kotse ay humarap muna ako sa bahay, siguro ito na ang huli kong punta dito.

Ayoko muna silang makita.


                                 ♡♡♡


Nagising ako ng may sunod sunod na nag dodorbell sa unit ko. Sino ba yun?! Tinakbo ko naman ang pinto at pinagbuksan iyon, agad namang yumakap sa akin si Janine habang tumitili pa.

"Ysa!! You're back! I miss you! Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na?! Hindi ka tuloy namin nasundo sa airport!"-bumitaw na sya ng yakap at napatigil sya sa pagdada ng mapatingin sya sa mukha ko.

"Ysa, bakit pugto yang mata mo? Umiyak ka ba? "-tanong sakin ni Janine.

"What? Of course not! Pumasok na nga tayo sa loob"

Pagka upo namin sa sofa ay nag simula na akong interviewhin ni luka. Napa face palm na lang ako.

Namiss ko din naman ang kadaldalan nya, pero masakit talaga sa ulo lalo na't may jetlag pako.

"Ysa wag ka ngang mag sinungaling sakin! Magkaibigan tayo diba?! Sino bang nag paiyak sayo ha? Susuntukin ko!"-sigaw nya kaya napatawa na lang ako.

"Sira. Susuntukin mo talaga? Kaya mo?"

"Oo! Sino ba iharap mo sakin!"-sabi nya pa habang nag fflex ng braso nya.

Adik talaga.

"Si Papa. "-pagkasabi ko nun ay napatigil sya at nag aalalang tumingin sakin.

Niyakap nya lang ako ulit at hinagod ang likod ko. Alam nya naman ang issue ko aa mga magulang ko, kaya alam kong alam nya na ang ibig kong sabihin.

"Huwag mo na lang silang masyadong isipin. Andito kami. Sa ngayon, iiyak mo na lang muna lahat yan. Papakinggan kita"

Pagkasabi nya nun, automatic na nag iyak na naman ako na parang bata habang kinekwento sa kanya ang nangyari.

Sa mga kaibigan ko lang talaga ako nag papakita ng kahinaan, kasi ayokong nakikita ako ng ibang tao na mahina.

"He's rude. Sarili nyang anak sinaktan nya. How could he?!"-galit na sigaw ni Janine, napatawa na lang ako habang umiiyak pa din. O diba? Parang luka lang.

"Chill ka lang Janine. Okay na ako, hayaan na lang natin. Choice nya naman yun e"-sabi ko sabay sandal sa sofa at pumikit.

"Sigee na Ysa, matulog ka na dyan. Alam kong pagod na pagod ka. Andito lang naman ako. "-sabi ni Janine, at nakatulog na nga ako dahil sa antok at pagod.

I'm really lucky to have a bestfriend like her.


                                  ♡♡♡


"Asan ba yung kaibigan nyong mokong ha? Bakit hindi yun pumasok?"-tanong ko habang nag lalakad kami ni Kurt at Janine sa hallway.

"Ewan nga din namin dun e. May problema ata yun, ayaw din kasi replyan mga message namin ni Tristan e"-sagot ni Kurt sa akin.

Umiling iling lang naman si Janine.

"Sigee na, una na kayo. May kukuhain lang ako sa locker ko"

Nag paalam na ako sa kanila at umiba ng daan. Ang totoo nyan, kukuhain ko lang sana yung mga chocolates na pinapadala sa locker ko ng nga secret admirer ko.

Ang ganda ko kasi, kaya madaming nagbibigay saken.

Kaya ayaw ko ding nagbubukas ng locker ko minsan kasi nadadatnan kong kung ano ano ng nakalagay, letter, roses, o kaya ay mga pagkain.

Kahit nga ako ay nag tataka kung paano nila nailalagay ang mga yun doon kahit na nasa akin naman ang susi.

Malapit na sana ako sa locker ko ng matanaw ko si Blixen hindi kalayuan sa akin na may kaakbay na babae.

At tumatawa pa ang mokong! Kaya pala absent huh! May iba ka pa lang pinapasukan!

Nang mapansin kong papalapit sila sa direksyon ko ay kaagad akong nagtago. Sumilip ako ng kaunti para makita ko yung mukha nung babaeng ipapapatay ko.

"Sweetheart naman"-malanding sabi nitong babae ni Blixen na nag papakipot pa e mukha namang pokpok.

"Sweetheart kasi pumayag ka na, kakain lang naman tayo sa mall e"-malandi ding sabi ng mokong na to.

Napapa irap na lang ako sa kanya.

"Strict kasi ang parents ko sweetheart e"

Gago, ang panget mo kasi kaya strict sila sayo. Tsk, wala namang konek yung sinabi ko pero basta ayun na yon! In short ang panget nya!

"Sigee na sweetheart"-sabi naman ni Blixen sabay kindat doon sa babae.

Aba't! Sarap sapakin ng lalaking to e.

"Hays! Sige na nga! Basta ba ihahatid mo ako pauwi para makilala ka na din ng parents ko"-sabi nitong hipon na to.

Aba gago to ah? Kapal ng mukha. Dinaig yung semento men.

"Sure sweetheart, tara na?"

At ayun na nga po, umalis na yung dalawang malandi. Edi sila na magdadate! Tsk! Blixen naman! Hindi mo na ba ako mahal?!

Bakit ginaganito moko?!

Ipagpapalit mo na nga lang ako sa hipon pa!


-End of Chapter 24-

Bad Girl X Bad BoyWhere stories live. Discover now