Napapairap na lang ako ng wala sa oras.

"Sabunutan mo kaagad yung babae. "-sabi ni ate Shiella sabay tawa tapos nag apir kami ulit.

Sasagot pa sana ako pero pinupukpok na ng mga bisita ng tinidor yung baso nila.

Dali dali naman akong umalis sa tabi nila dahil moment nila yun e. Mag kikiss sila.

Umalis na muna ako doon at pumunta sa likod ng venue. Andito daw kasi si Kenn e. Pag kadating ko doon, walang tao.

Asan kaya si Kenn? Baka umuwi na? Wala naman sya sa loob e.

Bumalik ako sa loob at naupo na lang sa upuan ko. Hay nako, Kenn.

Pagkatapos ng event ay umuwi na ako kaagad sa bahay. Hindi ko kasama si Mama at Papa dahil sa work sila didiretso. As usual. Ano pa nga bang bago?

Nahiga kaagad ako sa kama ko pag ka bihis ko. Tiningnan ko ang phone ko at tiningnan kung may text o missed calls si Blixen, pero wala. Napa simangot na lang ako.

Dati naman kasi tadtad ako ng text and calls nya. Pero ngayon kahit isa wala. Kaya naman naisipan kong itext sya ngayon.

To: Blixen Mokong

                                  Are you mad? Are you in the philippines now? Just wait me. I'll explain it all to you when I come back. I promise, it's not what you think. Just wait me. Take care.

Hays. Sana mabasa nya yung text ko. Nakatulog na din ako sa kama dahil sa antok.



"Anak, are you sure na ayaw mo dito tumira kasama namin?"-tanong sakin ni Mama habang kumakain kami sa dinning area.

"Huwag na lang po, okay naman ako sa pilipinas e. Hindi nyo din naman ako maasikaso dito, edi dun na lang din ako"-prangkang sagot ko at tinigil ang pagkain tsaka sila tiningnan.

Bakas sa mukha nila ang pagka gulat at pagka lungkot. Pero totoo naman ang sinasabi ko. Simula nung bata ako, wala naman silang oras para sa akin.

Kaya hindi nila ako masisisi kung ganito ang naging ugali at pag iisip ko.

"Anak, intindihan mo naman sana kami ng Papa mo"-sagot sakin ni Mama.

"Palagi ko naman kayong iniitindi mama e, simula bata"-sabi ko sabay tawa ng mapait.
Alam kong rude tong pag sagot sagot ko, pero gusto ko lang malaman nila ang nararamdaman ko.

"Anak, huwag mong sagut-sagutin ang mama mo ng ganyan! Ginagawa namin to para sa future mo!"-sigaw sakin ni Papa.

Kahit nagulat ako sa pag sigaw nya, ay hindi ko ito pinahalata.

"Puro kayo future! Future! Future! Paano naman yung present?! Naisip nyo ba na hindi nga kayo nagkulang sa pagbibigay sakin ng pera at kung ano ano pa, pero kulang na kulang naman kayo sa binibigay nyo saking atensyon at pagmamahal!"-sigaw ko din sa kanya.

Sa totoo lang gusto ko ng umiyak, pero sobrang pinipigilan ko.

"Huwag mo akong pag tataasan ng boses! Para sayo pa din ang mga ginagawa namin! "-sigaw ulit ni Papa sakin.

Napatawa naman ako ng mapait sa naging sagot nya.

"Oo nga, para sakin nga pero sana naisip nyo na hindi puro pera ang kailangan ko. Sana naisip nyong kailangan ko din ng magulang"-sabi ko, pag kasabi ko nun ay tumayo si Papa at sinampal ako ng malakas.

Kaya tumayo si Mama para awatin ito. Oo masakit yung sampal nya, pero ngumiti pa din ako sa kanya tsaka ako tumayo.

"Mas lalo nyo lang pinasama ang imahe nyo sakin"-sabi ko at lumabas na ng dinning area.

Bad Girl X Bad BoyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum