Volume 2 CH 37: This I Promise You

Start from the beginning
                                    

Honestly sobrang sikip ng dibdib ko habang binibigay ko ulit sa kanya si Arlea. Kung ako lang masusunod kukunin ko na sya at palaging itatabi sa akin. Pero alam kong hindi pede yun, siguro di pa pede ngyon.

'No need to tell me. Gagawin ko naman ang lahat lahat para sa kanya' sagot nito kaya napangiti ako sabay haplos ng pisngi ni Arlea.

Kelan na naman kaya kita mahahawakan ulit? O mahahawak pa ba kita muli?

'Pabidang Silver nasan na si Flat' dinig kong ani ng isang boses ng lalaki na papadating dito. Kulang pula ang buhok nito at agad na tumingin ng masama sakin.

Natatanda ko sya,sya yun lalaking naroon nung kinuha ko si Raven sa Linford. Susugurin na dapat ako nito  ng makita nya si Arlea at agad na nilapitan.

'Ito ba ang totoong flat?' ani nito habang nakatingin kay Arlea. Kitang kita ko rin sa mga mata nito ang lubos na pagaalala para kay Arlea.

At maya maya rin ay may dumating na lalaking nakamaskara at lumapit din agad kay Arlea at Silver.

Natupad mo ang pangarap mo Arlea. Mukhang nagawa mong makahanap ng maraming kaibigan. Masaya ako na nagagawa mo ang mga gusto mo ng malaya at walang inaalala o walang pangambang kukunin sayo muli ang lahat lahat na meron ka.

Masaya ako na masaya ka Arlea. Sapat na ko dun. Sana balang araw makasama ulit kita tulad ng dati.

Xxx

Raven's Pov

Nagising ang diwa ko ng naramdaman ko ang pagdampi ng patak na tubig saking pisngi. Kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sa aking ang mga nagaalalang mukha nina Silver, Zack at Ashton.

Nilibot ko ang aking tingin napagtanto ko ng isa isang silid kami. Magtatanong sana ako kung anong nangyari dahil wala akong maalala ng biglang nagsalita si Zack.

'Flat ikaw ba talaga yan?' tanong nito kaya napatingin ako rito ng may halong pagtataka.

'Stupid sya na yan' sagot ni Silver at inalalayan akong umupo. Si Ashton naman ay binigyan ako ng tubig.

'Kahit kelan talaga pabida ka. Ikaw ba tinatanong ha?'ani ni Zack kay Silver ngunit si silver parang wala ng naririnig.

At imbis na pansinin si Zack ay nagtanong ito sakin.' May masakit pa sayo? Nagugutom ka ba? Ano gusto mo? '

' Aba ngyon di ka mamamansin may saltik ka pala eh. Tabi nga dyan ako kakausap kay Flat' ani ni Zack sabay tabi kay Silver.

'Flat okay ka na ba ?' tanong nito kaya tumango tango ako dito. Pilit ko kasing iniisip kung anong nangyari pagkapunta ko sa silid ng mahal na reyna.

Paginiisip ko kasi lalong nasakit yun ulo ko. Pero alam ko sa sarili ko may nangyari after nun ang kaso lang di ko matandaan. Nangyari na rin ito sakin dati nung bata ako. May pailan ilan na series ng alaala kong di ko matandaan.

'Ano bang nangyari? Nasan na tayo?' tanong ko. Sasagot na sana si Zack ng tinabig naman sya ni Silver. Kami naman ni Ashton ay nagkatinginan lang.

'Narito na tayo sa Linford Raven. Maayos na ang lahat kaya ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang pagpapahinga' sagot ni Silver sabay alalay sakin sa paghiga muli.

'Bakit ka ba natutulak?' bulalas ni Zack.

'Shut up magpapahinga na si Raven' sagot ni Silver kaso si Zack di magpapatalo.

'Shut up your face. Pabida'

Kaya habang nababangayan silang dalawa ay pinapanood lang namin sila ni Ashton. Masaya akong nakabalik na kami sa Linford at mas lalo akong masaya na ligtas kaming lahat.


'Hoy mask boy tatahimik tahimik ka dyan. Bat di ka pa umuwi sa baryo nyo?' ani ni Zack.

'B-babantayan k-ko pa si Miss R-Raven' mahinang sagot nito kaya napangiti ako.

'Ako na bahala ka Flat uwi na' sabi ni Zack. At dahil dun napatingin sakin si Ashton.

'Pede bang di na lang sya? Pede bang magaral din sya dito sa Linford?' tanong ko kaya napatingin sila sakin.

'Huh? Hindi pede mask boy na tiga baryo dito Flat' sagot agad ni Zack kaya sinamaan ko sya ng tingin bago tumingin kay Silver.

'itatary ko kung maipapasok ko sya' sagot nito kaya napangiti ako.

'Narinig mo yun Ashton baka pede kang manatili dito. Gusto mo ba yun?' ani ko at nakita ko sya tumango tango. Kaya lalo akong napangiti.

'Tsk may pabida na ng may nakamaskarang taga baryo pa. Paweird na ng paweird ang mga tao dito' bulalas ni Zack habang kumakamot ng ulo.

'Sabihin mo lang sakin Silver kung nay maitutulong ako sa pagpasok kay Ashton. Gusto ko kasing lumawak pa yun mundo nya.' ani ko.

'Ako na bahala wag ka ng magabala pa' sagot naman ni Silver kaya tumingin muli ako kay Ashton at nginitian ito.

Ewan ko ba pero ang gaan ng pakiramdam ko kay Ashton. At yung feeling na gusto ko sya tulungan parang pamilyar na ewan. Para kasing pamilyar yun ugali at pagkatao nya sakin. Kaso di ko maalala kung sino o bakit sya pamilyar.

Basta ang alam ko lang kaelangan ko syang tulungan. At gusto kong lumawak at lumiwanag yun mundo nya.

    Xxx
Legal wife ni Kim taehyung V

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now