Volume 2 CH 28 Signal

1.7K 43 1
                                    

Raven's Pov

'Are you sure about this Raven? Napatingin ako kay Silver ng nagsalita ito. Kasalukuyan kasing nasa pintuan sya ng aking silid.

' Hindi mo respunsibilidad na tulungan sila at ilagay ang sarili mo sa panganib 'dugtong pa nito habang nakacross ang kanyang dalawang braso.

' Hindi ko natulungan ang aking bayan noon. At inaamin ko na hanggang ngyon ay sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Paninimula ko habang pinagpatuloy ko ang pagsosout ko ng sapatos.

'Oo hindi maibabalik ng pagtulong ko sa tribong ito ang mga nangyari sa Belmoor pero Silver para sakin hindi ko na kayang makakita ng isang mamayanan na mawawasak ng iba.' dagdag ko pa nakita ko naman na nakatingin sya sakin ng mariin. Oo medyo naiilang pa ko kay Silver pero parang kilalang kilala kasi sya ng puso at katawan ko. At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pag kasama ko sya.

' At alam ko naman na tutulungan mo ko. Si Zack at si Ashton ay nandyan din para tulungan ako kaya para sakin pagkasama ko kayo hindi ako matatakot' wika ko sabay ngiti ng bahagya sa kanya.

Nagtaka ako ng biglang umiwas ng mukha si Silver pagkangiti ko at tama ba yun kita ko na namumula ang mga tenga nya? Bakit naman sya mamumula?

'Just don't do any reckless things Raven. And please be safe, we will go and save you' rinig kong sagot nito kaya lalong lumapad ang aking ngiti.

Parang kanina lang ay nakakaramdam ako ng takot at pagaalangan sa gagawin ko pero nung nakausap ko si Silver bigla akong nagkalakas. Siguro yun lang ang kaelangan kong malaman, malaman na may mga taong nagaalala sakin at naniniwala sa planong gagawin ko. Mga taong Handa akong tulungan.

Pagdating ng araw ako naman ang tutulong sa kanila. Gagawin ko ang lahat para mailigtas sila gaya ng ginawa nila sakin. Balang araw masusuklian ko rin ang mga ginawa nila sakin at yan ay isang pangako.

Patayo na sana ako para lapitan si Silver ng nakarinig ako ng sigawan sa labas kaya sabay kaming napatingin ni Silver. Sinundan pa ito ng isang pagsabog na lalong nagpalakas ng hiyawan.

Kaya pagkasenyas ko ay Silver ay sabay kaming tumakbo sa labas at sabay naming nasaksihan ang walang awang pagkitil ng mga nilalang na yun sa buhay ng mga tao dito sa tribong ito.

Nakayukom ang kamao ko sa aking nasasaksihan. At kinapa ko ang paputok sa gagawin kong signal pag nasa kuta na ko ng kalaban.

'Aba yan ba yun mga nilalang na pumepeste sa tribong ito?' biglang tanong ni Zack na kakasulpot palang kaya tumango tango ako.

'Ang papanget naman pala. Pero okay na yun mas gaganahan akong durugin sila isa isa' wika ni Zack na balak na sumugod pero agad ko syang napigilan gamit ang paghawak ko sa braso nya.

Napatingin sya ng may pagtataka sakin ngunit tinignan ko lang sya sabay ngiti ng bahagya. Dahan dahan kong binitiwan yung braso sya at naglakad papalapit dun sa mga nilalang. Kung lalabas agad sila ay masisira ang plano namin. Kaya hindi maari.

Narinig kong tinatawag ako ni Zack ngunit mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad hanggang naramdaman kong may dumampot sakin at hinawakan ang aking mukha.

'Mukhang may itsura ang isang ito boss. Malaking pera ang makukuha natin pagkabenta dito' ani ng may hawak sakin.

'Isama narin yan. Puro mga walang kwentang matatanda na lang ang naririto' ani nung isa na mas malaki at may hawak na spear.

Hinagis ako nito sa isang karwahe na punong puno ng mga bata at babae na takot na takot at umiiyak. At pagkakita ko dito ay mas lalong kumulo ang dugo ko. Pati ba naman bata ay nagagawa nilang ibenta. Mga wala pa itong muwang. Mga walangya sila.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon