Magic 3

9.6K 269 22
                                    





XXX

Chapter 3 : Inside the castle




Raven's Pov

Pagpasok ko sa loob ng tarangkahan ng palasyo ay na mangha ako sa aking nakita sa loob nito .


Kung maganda na ito mula sa labas . Mas lalo kang hahanga sa loob nito .


Kung anong kulay sa labas ay ganon din sa loob . Ang ganda ng kaharian mula sa mga pader na sinabugan ng mga palamuti, sahig na parang mahihiya kang tapakan at mga puno't bulaklak na nagbibigay kulay sa paligid .


Wala pa ko sa loob mismo ng palasyo . Dahil sa loob ng naglalakihang pader sa labas ay isang mayabong na maliit na bayan .  maharlika lang ang makikita mong narito . Lahat ay perpekto . Tahimik at maganda .


Parang nahiya naman ako sa aking suot. Kumpara sa mga makukulay nilang kasuotan at mga nagkikintabang alahas


Magsisimula na sana akong maglalakad ng may biglang humarang saking  dalawang babae


'Welcome sa Arzena kingdom ' bati nito sakin sabay yuko

Kaya binati ko rin sila .

'Kilala nyo ba si Felicia ?' Tanong ko

Ngumiti ito sa akin bago sumagot 'Felicia Sarkon po ba binibini ?'

Tumango ako . 'Kaano ano po kayo ni Madam Felicia ?' Tanong nung isa

'Ah ! Kaibigan sya dati ng lolo Dino ko ' sagot ko sabay nilabas ko ang sulat na pinadala sakin ni lolo .

Nung nakita nila ito ay agad nila kong dinala sa tirahan nung Felicia .



Malaki ang bahay na ito na kulay puti at brown .


May kinausap na matandang babae ang dalawang babaeng humarang sakin kanina . Nakita kong binigay nila yung sulat na dala ko dun sa matanda

'Apo ka ni Dino Martell 'Tanong ng matanda sa akin


'Opo !' Sagot ko

'Hindi ko natatandaan na nagkaanak ang anak nila ni Parca . Ngunit nasa akin na ang pruweba na apo ka ng kaibigan ko. Ano ang iyong pangalan iha?' Tanong nito

'Raven Spade Martell po ' sagot ko

Ngumiti ito sakin . Kahit matanda na ito mababakas mo parin ang taglay nitong ganda.

'Ako si Felicia malaki ang utang na loob ko kay Dino siguro makakabayad na ko kung kukupkupin kita . At syanga pala ako ang puno ng mga Tagapagsilbi sa loob ng kaharian' ani nito

Ngumiti naman ako sa kanya . At pinapasok nya ako sa loob ng bahay nya . Pinaupo nya ako sa isang upuan na gawa sa kahoy . At binigyan ng maiinom

'Anong kaelangan mo sa kaharian ?' Tanong nito sabay upo sa harapan ko


'Gusto ko pong makapasok sa Linford Academy ' straight kong sagot nakita kong tumaas ang kilay nya bago sya uminon ng inumin nya

'Buo ba sa loob mo ang disisyon mo? at sigurado ka ba sa papasukin mo? Dahil hindi pangkaraniwalang paaralan ang Linford . Matataas na dugo at mga taong may kakayahan lang ang napapalad maka pasok roon '

'Alam ko po pero buo na sa loob ko ang disisyon ko . Kung matutulungan nyo ako ay malaki pasasalamat ko po ito ' anas ko

'Isa kang matapang na bata Raven nagtataka na tuloy ako kung apo ka talaga ni Parca ' sambit nya


'Ngunit kung ayan na ang iyong nais . Di kita pipigilan, gagawin ko ang aking makakaya para tulungan kang makapasok sa Linford ' napangiti naman ako sa mga sinabi nya

Buti naman ay may tutulong na sa akin na taga rito . Dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula . Buti na lang talaga.


'Salamat po '


'Pero maligo at magbihis ka muna hindi na babagay ang iyong kasuotan sa lugar na ito , Ala at Bilya paliguan sya at damitan ng maayos ' utos nito


Agad agad naman akong inalalayan nung dalawang babaeng kanina ay humarang sakin .



Dinala ako nito sa isang paliguan . May maliit na butas roon na punong puno ng tubig

Pinaligo ako dun nina Ala at Bilya Sobrang sarap ng tubig . Hindi gaanong malamig ngunit maginhawa sa balat .



Matapos kong maligo ay binigyan ako ng damit ni Ala . May pagkakahalintulad sa kanila suot na damit ngunit medyo makulay ito ng konti .

Pagkasuot ko non ay . Sinuklayan nila ako at inilaylay lang ang aking buhok



Pagkatapos nila akong ayusan ay pinababa nila ako dahil tawag daw ako ni Madam Felicia


Nadatnan ko sya nag aayos sa kanya kusina . Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa


'Much better ' sambit nya


Lumapit ako sa kanya at umupo sa malapit sa inuupuan nya


'Nagmukha kang tao ' sambit nya

Di ko sya sinagot at nilibot ko ang tingin sa buong paligid . Kusina ito na simple lang naman . Ngunit mukhang madami niluluto si Madam Felicia

'Mamaya ng gabi ang pagtanggap sa mga susubok makapasok sa loob ng Linford Academy ' sambit nya


'Dapat ay maghanda ka na . Mukhang tinuruan ka naman ng lolo Dino mo kaya sa tingin ko may pagasa kang makapasok . Pero matanong ko lang maruno ka bang magsalita ng ingles dahil nakita kita kanina nakatingin ka sa dalawang taong nagsasalita ng ingles ' tanong nya


'Tinuruan po ako ni lola Parca at lolo Dino ' sagot ko

'Ahh! Kung ganon mabuti makakatulong yan sayo ' ani nito


Pagkatapos ng paguusap namin ay pinakain nya ko . Naghain sya ng iba't ibang pagkain . Sobrang sasarap nito at talagang di ko pa nakakain simula nung pinanganak ako .



'Kung tapos ka ng kumain at mukhang nakapagpahinga ka na . Mukhang oras na para pumunta tayo sa Square Arena kung saan gaganamit ang pagtanggap ' yaya nito sa akin




Kay tumayo na ako sa pagkakaupo ko 'tara na po '





Kaya inihanda ko na ang sarili ko . Ito na ito Raven . Don't failed this . Do everything and your best just to enter the Linford Academy .


This is the only way to enter the castle and the first step to do your revenges . If you failed this . You will die . Die instead than failed this.



XXX

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon