Volume 2 CH 18 :Take Away

2.3K 56 0
                                    

Zack's Pov

'Raven...!' sigaw ko habang sinusuong ko ang nagliliyab na pasilyo.

Kalat ang apoy sa buong paligid at sobrang kapal narin ng usok at hindi ito nakakatulong sa paghanap ko kay Raven.

'Tang*na Raven nasan ka na!' sigaw ko muli. Sinubukan kong controlin yun mga nadadaanan kong apoy para mawala ito ngunit sobrang kalat na nito kaya hindi ko na kaya.

Muli akong naglakad hanggang marating ko ang kwarto nina Raven. Hindi ko sure kung ito talaga yun ngunit pumasok ako roon ng makarinig ako ng boses.


'I'm here to take the late king's inheritance. I'm here to take you' ani ng isang boses ng lalaki kaya nagmadali akong pumasok roon.

Malakas ang kutob kong naroon si Raven.

At tama ng ang aking hinala. Naroon sya at hindi sya nagiisa dahil may kasama sya isang lalaking nakamaskara na medyo mahaba ang buhok.

Hawak nito ang kamay ni Raven at dahil ron ay kumunot ang noo ko.


'Raven' pasigaw kong tawag sa kanya ngunit hindi man lang nya inalis ang pagtitig nya dun sa lalaki na pawang walang naririnig. Imbis na si Raven yun lumingon sakin ay yung nakamaskara ang tumingin sa gawi ko.

Nakaramdam akong galit nung nagtama yung mga mata namin at lalo na at hawak nya ang kamay ni Raven. Hindi nya ba alam na ako lang ang may karapatan hawakan sya.


Papunta na dapat ako sa kinalalagyan nya para hablutin sya pabalik sakin ngunit nanlaki yung mata ko ng bigla sya hablutin nung lalaki papunta sa bisig nya si Raven sabay ng paglabas ng itim na usok na umakupa sa buong paligid ko.


Sinubukan kong hanapin sila sa  makapal na usok ngunit nabigo ako.

'Raven' tawag ko muli sa ngalan nya hanggang tuluyan ng mawala ang usok at bigla silang naglaho.

Napamura na lang akong ng sunod sunod ng napagtanto kong kinuha ng lalaking yun si Raven at wala akong nagawa. Tangna!

XXX


Silver's Pov


Kasaluyan pilit kong hinahanap sa paligid si Raven. Nabalitaan ko kasing may nakapasok sa loob ng Linford at nagsimula ng apoy sa girl's dormitories.

Kaya todo ang pagdadasal ko na sana nasa maayos na kalagayan si Raven. Ngunit hindi ko sya makita dito sa pinag relocation ng mga estudyante. Kaya binagtas ko ang daan papunta sa girl's dormitories at nakita kong maraming kawal na nakakalat sa paligid.

'Silver delikado pa sa loob. Ang grupo ko na lang muna ang pinapasok ko dito para iligtas yung isang binatang nagpumilit pumasok para iligtas yun isang babaeng na stuck ata sa loob' sabi sakin ni Ginoong Dante. Puno ng mga kawal dito sa loob ng paaralan.

'Binata? Kilala mo ba ito? At yun babae?' bigla tanong ko dahil nakaramdam na ko ng kaba.

'Yung anak ng punong tagapayo yun pumasok at yung estudyante babae ay hindi pa namin kilala' sagot nito. Bigla na kong napalunok ng laway ko sa aking napagtanto.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now