Magic 24

6.5K 154 5
                                    





XXX


Silver Tears

Raven's Pov

'R-Ryzell '

Ngumiti lang ito sakin at inilagay ang mga kamay ko sa batok nya. Hindi ko na tuloy nalaman ang sasabihin sakin ni Zack at kung ano ng nangyari dun .

'You look beautiful ' ani Ryzell sakin at hindi parin nanbubura sa mukha nya ang mga ngiti .


'Ahmm i-ikaw rin ' nahihiya kong sabi kasabay ng pagtungo ko .

Hindi kasi mawala sa isip ko ang mukha ni Zack . Kasi yung mukha nya kanina iba sa nakikita ko araw araw . Yung tipong konti na lang hahalikan nya na ko .

Ewan di ko alam kung ganon nga yon . Basta dapat magfocus ako . Hindi na sya ang kasayaw ko .

'Okay ka lang ' tanong nito sakin . Hindi ko magawang makasagot kaya tumango tango na lang ako .

'Change ' dinig kong bulalas ng tagapagsalita . At kasabay nito ang pag patay ng ilaw at ng tugtog .

Magpapaalam sana ako kay Ryzell ng biglang may babaeng humitak sa kanya . Ako naman ay naiwan sa gitna .

Pano na ko ? Ayokong maparusahan. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at halos lahat ay may kaparehas na .

Ngunit pa lingon ko sa likod ko may nakita akong bulto ng isang lalaki na wala pa atang kaparehas nung natamaan ito ng ilaw ay nagulat ako kung sino ito .

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang tuluyan na sya nakalapit sakin . Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay ang kamay ko sa balikat nya at hinapit rin ang bewang ko papalapit sa kanya .

Nung lumapat ang palad nya sakin ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko . Ang init ng kamay nya . Sobrang hikpit ng kapit nya sakin .

I''m feeling distracted, and like wise attracted
To all the things that you let me know
All the things that that you can't let go
You're waiting for friction
This empty addiction,is forcing me to intervene
Let's break out this scene

Bigla akong nabato ng tuluyan ng bigla itong tumingin sa mga mata ko . Kaya napatitig narin ako dito .

Ako lang ba o talagang Silver din ang kulay ng mga mata nya?

'S-Silver ' tawag ko sa ngalan nya . Nagulat ako ng ayun ang lumabas sa bibig ko .

Parang biglang tumigil ang paligid at sya lang ang tangi kong nakikita . Ito rin ang nararamdaman ko kanina nung tumingin sakin si Zack .

Nakakatunaw ang mga titig nya . Pero sobrang ganda kaya hindi ko maiwas ang mga mata ko .

I know I'm not alone
I'm not the only one who is broken
And i know I'll never let you go
I could watch the world let you go
I could watch the world pass by
Just long it's you and I
You and I

'Arlea ' bulong nito sa tenga ko .

Pero nagulat ako napaka pamilyar sa tenga ko ang pangalan na yun . Tumingin ito sakin pero puno ng pagtataka ang isip at mukha ko .

Biglang sumakit ang ulo ko parang nagbabalik lahat ng nangyari sakin nung bata pa ko . Sa mga magulang ko . Mga taong umiiyak . Duguan at mga ngiti .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon