Book 1 FINAL

1.6K 47 11
                                    

ITCHIE's head was spinning as she continued listening to Min Ho's confession. Mahal pa rin siya nito kahit napakalaki ng kasalanang nagawa nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang nanatili siya sa puso nito sa loob ng pitong taon. And he came back for her.

"H-hindi ka na talaga galit sa'kin?" hindi makapaniwalang tanong niya.

His face softened as he gazed down at her. Marahang hinaplos din nito ang kanyang pisngi. "No, honey. Hindi ako galit sa'yo. I didn't lie to you just to get back at you. Desperado lang talaga akong makabalik sa buhay mo kaya ko nagawa 'yon. Kung hindi lang ako natatakot na takbuhan mo ko, matagal na kong nagpakita sa'yo. Ikaw naman kasi, ang guwapo-guwapo ko, takot na takot ka sa'kin. Thanks to your koreanovelas, nakapulot ako ng ideya para mahuli ang atensyon mo. But I'm sorry if I hurt you."

Nawala na ang kirot sa kanyang puso. "Naiintindihan kita. Ganyan din ako ka-desperada noon kaya ko nga nagawang magsinungaling sa'yo. Siguro naman, ngayon, naiintindihan mo na kung bakit ko nagawang magpanggap noon?" Tumango ito. Unti-unti nang nawala ang sakit na naramdaman niya kanina nang inakala niyang gumaganti lang ito sa kanya. "I'm sorry din kung ako pa itong tumatakbo palayo sa'yo himbis na bumawi ako sa'yo dahil sa kasalanan ko. Natatakot lang akong masaktan uli kita."

Ngumiti ito. His very first smile since he came back in her life. "Kahit masaktan mo pa ko ng paulit-ulit, hinding-hindi ko pa rin magagawang magalit sa'yo."

Hinampas niya ito sa balikat. "Grabe ka naman. Hindi na kita sasaktan 'no."

Hinuli nito ang mga kamay niya at tinapat ang mga iyon sa dibdib nito. "I've been stalking you ever since I came back in the country, Itchie-a. Every day, every night, I will watch you from afar. I will follow you until you reach your house because I want to make sure you're safe.

Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot nang mula sa kotse ko ay narinig kong umulan na lang ng putok ng baril sa restaurant na kinakainan niyo. Thank goodness I have a licenced gun with me I was able to help your friend Suri – though I wasn't supposed to brag about that since she was still shot. Anyway, kung may nangyari sa'yong masama nang gabing iyon, baka nagpakamatay na rin ako. Ah, hindi. Papatayin ko muna 'yong may gawa sa'yo no'n."

She cupped his face. "Don't say that. But, thank you again for saving my life."

"Walang anuman. I'll take any bullet without hestation for you." Niyakap siya nito ng mahigpit. "Nan no ege man I bo go ship o, Itchie-a. I miss you very much. Jo neun dang si neul sa rang hab ni da."

"Ha?"

He chuckled. "I love you. It's the formal version."

"Ah, oo nga pala. Nasanay kasi ako sa 'sa rang hae' lang. Na do sa rang he, Min Ho-a." It meant 'I love you, too.'

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at bahagyang lumayo sa kanya para mapagmasdan siya nito. "Wow. Nag-aaral ka pa rin ng Korean language?"

"Yeh." It meant 'yes.'

Nangislap ang mga mata nito. "Sige nga. I-translate mo ang lahat ng sasabihin ko. Na neun ye pu da, yo bo."

Napangiti siya. "You're beautiful, honey." Eksaheradong tumikhim siya at inipit ang buhok niya sa likod ng kanyang tainga. "Thank you, yo bo."

Napangiti ito. "Pyong seng sa rang hal ke yo."

Nagwala na ang puso niya. "I will love you forever."

"Na no rang pyong seng gat si it go ship o."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya kasabay din ng lalong pag-init ng mga titig ni Min Ho sa kanya. "I want to spend my life with you."

Ngumiti ito ng nakakaloko."A ra so. Then, Mitchel Karenz Mallari, jo a gyor hun he ju si get senb ni ka?"

Napasinghap siya ng malakas. "Min Ho-a..."

"Ito ang unang-unang binili ko pagbalik ko sa Pilipinas..." May dinukot ito na maliit na kahon mula sa bulsa nito. Alam na niya kung ano iyon. "Kasi, no'ng umpisa pa lang, sigurado na kong ang babaeng water color na ang gusto kong makasama habambuhay. Para makulay ang buhay."

"Ang tagal mo namang lumuhod." Idinaan na lang niya sa biro ang matinding antipasyong nagpapakabog sa puso niya.

Tumawa ito. He got down on one knee and opened the velvet box. There was the little yet expensive jewelry that would put an end to their chase and would start their new journey in life together. "Will you marry me, Mitchel Karenz Mallari?"

Pinigilan niyang maiyak at sunud-sunod na tumango. "Oo naman! Basta sa South Korea ang honeymoon natin, ah? Sa Jeju Island, to be exact."

Tumayo ito at natatawang sinuot sa daliri niya ang singsing. "Opo, my honey."

Tnitigan niya ang kumikislap na diyamante sa daliri niya. At tila doon lang unti-unting nag-sink in ang lahat sa kanya. Ikakasal na siya kay Min Ho. Ikakasal na siya sa Korean hottie na ito na pinagnanasaan niya lang noon, fiance na niya ngayon. And most importantly, she was going to spend her life with the man who probably loved her more than she loved him. Nagtititili na siya sa sobrang kilig complete with pagtalun-talon. "Sa rang hae, my honey!"

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now