Chapter 10

620 44 4
                                    

GABI na pero hindi pinag-ti-trip-an pa rin ni Itchie ang wig na binigay ni Mudra Lucy sa kanya. Pinag-pa-practice-an niya iyong bigyan ng hairstyle. Masakit na ang kamay niya. Hindi madali ang araw-araw na paggamit ng gunting sa loob ng napakahabang oras.

She was frustrated. Pakiramdam niya, kahit anong gawin niya, hindi siya nag-i-improve. Kanina nga sa klase nila, napagalitan pa siya. Parang ang unfair tuloy ng mundo. Bakit 'yong iba, madali lang nagagawa 'yon? Bakit siya, kahit anong gawin niya, ang palpak pa rin niya?

Nabitawan niya ang gunting. Muntik pa 'yong tumama sa kanyang paa. Napatingin siya sa kanyang kamay na puno ng paltos sa mga daliri. Her hand was shaking. She must really be tired. Nagulat na lang siya nang may likidong pumatak sa kanyang kamay.

Ah... she was crying.

Nagulat na naman siya ng may marahang kamay ang humawak sa kanya. And she was more surprised to see Min Ho. "Pa'no mo nalamang nandito ako?"

"I asked Skylus to ask your cousin your whereabouts."

"Close kayo ni Skylus?"

"Why are trivial things important to you?" Hinila siya nito malapit sa couch at pinaupo do'n. May kung ano itong hinanap sa loob ng parlor at pag-upo nito sa tabi niya, may dala na itong medicine kit. She let him treat her wounds. "But to satisfy your curiosity, we're not friends. We're just pretty much useful to each other."

"That's harsh."

"That's what Skylus is. But dammit. I don't wanna talk about him." Mula sa kanyang kamay ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Do you do this every night? Practice until your hand can no longer hold the scissor?"

"Kailangan, eh."

Kumunot ang noo nito. "Kailangan? Do you need your hand numb? Puwede namang magpahinga, ah. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo. Alam mo namang may sakit ka. Are you stupid?"

Naaasar at nasasaktan siya. Gusto niya ang pag-aalalang pinapakita nito pero hindi niya magawang lubos na maging masaya. Gano'n lang naman ito dahil inaakala nitong mamamatay na siya. Nafu-frustrate siya sa sarili niyang kagagahan. "Pero tama ka, Min Ho. Tanga nga ako. Hindi ako matalino gaya niyo kaya kailangan kong magsikap higit sa kahit kanino. Mahina ang ulo kaya nga sa Bachelor of Arts in Cosmetology lang ako bumagsak. Iyon lang kasi ang kaya ng utak ko." Napahikbi na siya. "I know that I lack in intelligence kaya nga bumabawi ako sa pagsisikap. Pero bukod do'n, mahal ko rin ang kurso kong ito. Gusto kong maging successful na stylist balang araw. Make-up, hair dress, nail art, fashion design... I love doing them. Even though I'm stupid, may pangarap din naman ako." Yumuko siya at tuluyan na siyang humagulgol.

"Itchie... I'm sorry," Min Ho said in the gentlest voice ever. That tone alone washed away the pain in her heart. "Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi ka tanga. I'm the idiot for saying out those stupid things. You're a hard worker and I'm sure you'll fulfil your dreams someday.... I'll stay by your side until that day comes."

May mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. Biglang tumigil sa pagpatak ang mga luha niya. Pakiramdam niya, nawala ang lahat ng bigat ng kalooban niya. He said he would stay by her side. Alam niyang kalokohan lang iyon dahil kapag nalaman nito ang kasinungalingan niya, tiyak na mawawala ito sa kanya. Pero sa ngayon, dahil sa munting pangakong iyon, may pag-asang umusbong sa puso niya. Moments like this only made it more difficult for her to tell him the truth. Pero ang mga ganitong sandali rin ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para kumapit sa kagagahan niya.

Naramdaman niya ang paghawak ni Min Ho sa magkabilang balikat niya. "Mitchel Karenz Mallari, I'm really sorry. Sabihin mo lang kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ko. I'll do anything. Pansinin mo lang uli ako," he pleaded her.

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now