Chapter 19

618 35 2
                                    

"THAT'S why I wanted to talk to you. Pero anong ginawa mo? Pati ako, pinagtaguan mo."

Hindi pa rin makapaniwala si Itchie sa mga sinabi ni Seung-hyun. Nagkaroon daw ng retrograde amnesia si Min Ho noong nasa Korea ito dahil sa isang car accident. Hindi na nito idinetalye ang mga nangyari pero ang naaalala na lang daw ng kapatid nito ngayon ay ang mga bagay sa buhay nito bago ito pumuntang Pilipinas. Ibig sabihin, kasama siya sa mga ala-alang nabura sa utak nito.

Oh. Em. Gee. Parang ganitong-ganito lang 'yong napanood kong koreanovela kanina!

"I can't believe it..." mahinang sambit niya. "T-talagang nakalimutan na niya ako?"

Pinatong nito ang kamay sa kanyang balikat. "Don't worry, Itchie-a. Ang sabi naman ng doktor niya, maaari pang bumalik ang mga nawalang memories niya. You can help him, you know."

Natigilan siya. Gugustuhin pa ba niyang maalala siya uli ni Min Ho? Oo, masakit ngang nakalimutan na siya nito at ang magagandang ala-ala nila. Pero kasama ring nabura sa ala-ala nito ang panloloko niya rito. Ibig sabihin, kahit paano ay nabura na rin ang sakit sa kalooban na binigay niya rito. Mas mabubuhay ito ng tahimik kung tuluyan na nitong makakalimutan ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. The scar in his heart may not be healed; but it could be covered with new memories of his new life now.

"I think it's better off this way," pasya niya. "Mas makakabuti siguro kung tuluyan na kong mawawala sa ala-ala ni Min Ho."

"Itchie-a, don't say that. Hindi mo naman gustong makalimutan ka ng kapatid ko, 'di ba?"

Siyempre, hindi rin naman niya gustong makalimutan siya ni Min Ho. Pero dahil sa pagiging makasarili niya sa nakaraan, nasaktan niya ito. Kung magiging makasarili na naman siya ngayon, siya na mismo ang magsasako sa sarili niya.

She heaved a heavy sigh. "I'm afraid that I might hurt him again, Seung-hyun oppa."

"Min Ho didn't want to forget you, I know that."

She smiled sadly. "That's not true, oppa."

"Itchie-a..." Bumuntong-hininga ito. "Do you really want to disappear from my brother's life?"

"That's what he wants."

Natahimik na ito. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop malapit sa ospital ng mga sandaling iyon. Sa awa ng Diyos, ligtas na si Suri at kasalukuyan na itong nagpapahinga sa isang pribadong kuwarto kasama ang pamilya nito. Lumabas muna siya para makapagpalit ng damit. Nagpadala siya ng damit sa sekretarya niya na pinauwi rin niya agad. Babalik na lang siya sa ospital mamaya.

Si Min Ho naman, pinauwi na ni Seung-hyun para makapagpahinga.

"Seung-hyun oppa, hindi mo na ko kailangang samahan dito. Mapupuyat ka lang. Baka putulan ako ng daliri ng mga fans mo kapag nagka-eyebags ka," biro niya.

Tila diskumpiyado pa rin ito. "I can't leave you here alone. Malalim na ang gabi."

She smiled. "Thanks for the concern, oppa. But I'm fine, really. Katabi lang naman ng coffee shop na ito ang ospital. Isa pa, hindi ba't flight mo na mamaya pabalik ng Korea?"

Sumuko na ito. Nagpaalam na ito at humalik sa kanyang pisngi. "As soon as I finish my commitments in Korea, I'll visit you again."

Ngumiti siya. "Sure. Take care, Seung-hyun oppa."

Umalis na ito kasama ng mga bodyguards nito. Habang naglalakad ito palabas ng cafe na iyon, napansin niyang nakatulala lang ang mga babae rito. Kaya marahil hindi makalapit ang mga ito sa binata kahit kitang-kita naman na gustung-gusto na itong gahasin ng mga babaeng iyon.

Tumingin siya sa kanyang relong-pambisig. "Aw. Two am na pala." Dala ang kanyang moccha frappe, lumabas na siya ng shop.

Tumingala siya sa madilim na kalangitan. The night was beautiful. The full moon was so bright. The breeze was cold. So much had happened in the last hours. Suri was shot. And Min Ho was back.

Min Ho...

She closed her eyes and imagined his face. He was still gorgeous as ever. Just more manly now. Same jet-black tousled hair, same adorable chinky eyes, same arrogant nose, same nice and soft lips. More handsome now, taller now, leaner now, stronger now. Sexier.

She smiled at the last word she used.

"An yong haseyo."

She gasped when she heard that wonderful accent. And when she opened her eyes, she was greeted by one of the most handsome faces she could have seen in her life. "Min Ho..."

He saluted at her with a ciggarette between his fingers. He was leaning against his black car. And she had a feeling that he had been watching her there since she stepped out of the café. Parang may kakaiba kasi sa pagkislap ng mga mata nito na nagpakabog naman sa puso niya.

O baka naman nase-seksihan lang siya sa binata? Why, he really looked sexy in the dark, while he gently blew the smoke of the ciggarette out of his mouth. Now, she realized she wasn't the same boy from seven years ago. He was very manly and smokin' hot now.

Marahang pinilig niya ang kanyang ulo para ma-distract sa kamunduhang pumapasok sa kanyang isip. "B-bakit nandito ka pa?" naguguluhang tanong niya. "Akala ko, umuwi ka na."

Nagkibit-balikat ito. "I'm just worried."

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nag-aalala ba ito para sa kanya?

"Baka kasi ipagpaliban na naman ni hyung ang pagbalik niya sa Korea so I'm keeping an eye on him."

Aray... feelingera kasi.

"Ikaw? Ano pang ginagawa mo rito?" tanong nito saka binitawan ang sigarilyo nito. Inapakan nito iyon. "Hindi ka pa ba nadala sa nangyari kanina para magpakalat-kalat ka rito?"

For a moment there, napaisip siya kung nagka-amnesia ba talaga ito dahil ganitong-ganito ang paraan nito ng pakikipag-usap sa kanya noon. But she dismissed the thought. "Ahm, nagpalit kasi ako ng damit then nagkape kami ng kapatid mo. Pabalik na ko sa ospital."

He pushed himself off his car. "Ihahatid na kita."

"Ha?"

Lumapit ito sa kanya. "Baka i-ambush ka na naman. Mabuti nang may kasama ka. Don't worry, I brought my gun with me." Tinapik-tapik pa nito ang baywang nito kung saan marahil nakalagay ang holster ng baril nito na natatakapan lang ng leather jacket nito.

Bahagya siyang umatras palayo rito at tumingala para makita ang guwapong mukha nito. Ang tangkad naman kasi nito, eh. "Hindi naman ako ang target ng mga taong iyon kaya I doubt na babalikan pa nila ako."

"It won't hurt if we'll be careful."

"Sapat na ang pagliligtas mo sa'kin kanina. You don't have to go this far for me." Napalunok siya. "You don't even know me."

"I know you. Hindi lang nga kita maalala. Well, if that's the case..." Nilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Jang Min Ho."

Parang nagkaroon ng sariling isip ang kamay niya nang kusa niyong tanggapin ang pakikipagkamay ng binata. Ah, after seven years, the sparks were still alive. "Mitchel Karenz Mallari. Just call me 'Itchie'."

He squeezed her hand before he let go. "Now that I know you, siguro naman, puwede na kitang ihatid sa ospital?"

Diskumpiyado pa rin siya. Natatakot siyang mapag-isa sila. Baka magahasa niya ito.

"I just want to make sure that you'll reach your friend's room safely." His face softened. "Please?"

Pesteng puso, nagpaakit na naman! "Sige na nga. Basta 'wag lang tayo dadaan sa madilim at malamig na lugar."

"Huh?"

"Wala."

She walked fast. Hindi umagapay si Min Ho sa kanya pero alam niyang nasa likuran lang niya ito. They didn't talk while they were walking back to the hospital. Pero ang totoo niyan, mangisay-ngisay na siya sa sobrang kilig.

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now