Chapter 12

500 35 3
                                    

SERYOSO si Itchie sa pagbabasa ng kanyang libro. Malapit na kasing mag-midterm kaya hindi siya puwedeng magpapetiks-petiks. Pero may istorbo sa kanyang pag-aaral ng mga sandaling iyon.

"Min Ho-a."

"Itchie-a?"

"Stop sniffing my hair."

"Mm... okay."

Hindi niya alam kung kikiligin o titili na lang. Eh kasi naman, patuloy pa rin sa pasimpleng pag-amoy sa kanya si Min Ho. Akala naman nito, hindi niya nahahalata iyon. Mabuti na lang, solo nila ang rooftop ng mga sandaling iyon. May mga benches at tables doon kaya tahimik na makakapag-relax ang sinuman doon.

She felt Min Ho's fingers running through her now straight hair. Kakaibang sensasyon na naman ang gumapang sa buong sistema niya kaya naisara niya ang libro niya ng wala sa oras.

"Min Ho-a, sinasadya mo bang sirain ang concentration ko?"

He looked so innocent at the moment. Pero alam niyang pinepeke lang nito iyon. "I don't know what you're talking about. Tatlong oras ka nang nag-aaral kaya baka naman puwedeng magpahinga ka muna. Mag-lunch muna tayo."

Ah, so sinasadya nga nitong kulitin siya para lang mapakain siya nito. May mainit na bagay na naman ang bumalot sa kanyang puso. "Isang subject na lang –"

"Tatlong oras mo na kong hindi pinapansin. Ayoko no'n," may pagdaramdam na sumbat nito.

Nagulat siya sa sinabi nito at sa emosyong nakikita niya sa mga mata nito. Nag-iwas siya ng tingin dito. "Ano ka ba, Min Ho-a. Hindi naman sa hindi kita pinapansin. Kung nagugutom ka na, mauna ka nang kumain –" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang yakapin siya ng binata. He buried his face at the side of her neck. Nanghina yata siya sa ginawa nito. "Min Ho-a..."

"Itchie-a. I don't know what's happening to me..." halos pabulong na sabi nito. Tumama rin ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg na tila kumuryente sa kanya. "I don't know what you're doing to me."

"W-what do you mean?"

"I shouldn't be feeling this way but... I can't help it. Ayaw kitang nawawala sa paningin ko. Kapag hindi naman tayo magkasama, ikaw pa rin ang iniisip ko. Parang hindi na ko sanay na wala ka. 'Yong mga kakulitan, ngiti at tawa mo, naging vitamins ko na. Damn. I need you, Itchie-a because I..."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Min Ho was confessing to her!

"I think I'm falling for you, Itchie-a."

Mariing napapikit siya. Alam niyang dapat siyang maging masaya dahil sinabi ni Min Ho ang bagay na matagal na niyang hinihintay na marinig mula rito. Pero alam niyang hindi totoo iyon. He was just saying that because he thought she was dying. And perhaps, he wanted to make her happy. Nakakalungkot 'yon. But still, she felt a little happy hearing him say that he liked her.

Tinapik-tapik niya ang braso nitong nakapalupot sa kanya. "Min Ho-a, you can't fall for me," pilit niyang pinasigla ang kayang boses. "You know that I'm... dying," pagsisinungaling niya.

Kailangan na niyang umiwas sa binata. Tiyak na masasaktan lang niya ito kapag nalaman nito ang napakalaking kasinungalingan niya. Hindi dapat nangyari 'yon. Hindi dapat magkagusto sa kanya si Min Ho. Naaawa lang naman ito sa kanya dahil ang alam nito, mamamatay na siya.

"I guess you're right." Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya hanggang sa tuluyan na itong bumitaw sa kanya.

Yep. This was the right thing to do. Ang itigil na nila ang kalokohang iyon hangga't maaga pa. No matter how much it hurt her.

Hotness OverloadOù les histoires vivent. Découvrez maintenant