Chapter 21

627 33 3
                                    

IPINARKE ni Itchie ang kanyang kotse sa tapat ng mataas na gusaling iyon. Binuksan niya ang bintana at sumilip sa labas. Hmm. So this is the Jang Construction Firm, huh? Bongga. Pag-aari ni Min Ho ang kompanyang iyon. She stepped out of her car and went inside the building. Pagdating niya sa reception area, sinalubong agad siya ng sekretarya ni Min Ho at inihatid siya sa opisina ng binata.

Naroon siya ngayon para isauli rito ang wallet na naiwan nito sa salon niya. Hiningi niya kay Seung-hyun ang cell phone number ni Min Ho at tinawagan ito para ipaalam na na sa kanya ang wallet nito. May meeting ito no'n kaya siya na ang nag-volunteer na dumaan sa opisina nito. And now, she was here.

"An yeong, Itchie," bati ni Min Ho sa kanya nang mapag-isa na sila sa malawak na opisina nito. Nasa likod ito ng mesa nito habang nakasandal sa swivel chair nito at matamang nakatingin sa kanya. He looked dashing in his green long-sleeved polo that was folded below his elbow.

"Hello rin," ganting-bati niya habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng opisina. It was simple yet elegant. Black and white ang dominant color ng mga furnitures doon. Glass panel ang dingding niyon. "Nice office, Engineer Jang."

"Thanks. You look nice, too, Ms. Beauty Expert."

Gulat na napatingin siya rito. Syet, titig na titig na naman ito sa kanya na tila ba may nakikitang maganda. Napatingin siya sa suot niya. She was wearing a simple fitted white shirt, red pants and black chic ankle boots. Nagagandahan na ito sa kanya gayong light lang din ang make-up niya? Kinilig tuloy siya. Inipit niya ang buhok niya sa likod ng kanyang tainga. "Salamat."

Umubo ito kunwari pero huling-huli naman niya ang pagngiti nito. "Ahm, yeah. Pasensya na nga pala kung ikaw pa ang pinapunta ko rito."

Doon siya natauhan. She didn't come here for a visit. Lumapit siya rito at pinatong sa mesa nito ang wallet. "Ayan. Nasoli ko na sa'yo. Aalis na ko."

Tumayo ito at hinawakan siya sa braso para pigilan siya. "Don't go."

Nariyan na naman ang kakaibang sensasyong iyon na may kakayahang kuryentihin ang puso niya. "Yes? May kailangan ka pa ba?"

Hayun na naman ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Iyong para bang madami itong gustong sabihin sa kanya pero hindi nito magawa. Sa huli, binitawan na lang nito ang braso niya at hinilot ang sentido nito. "My head hurts."

Nag-alala naman siya. Hinawakan niya ito sa braso at marahang inakay ito paupo sa visitor's couch malapit sa pinto. "Ano bang nangyari sa'yo?" Napaisip siya. "Min Ho, may pilit ka bang inaalala kaya sumakit 'yang ulo mo?"

Tumango ito at pumikit. Pagkatapos ay sumandal ito sa headrest. "There's a girl in my memory. Her face is blurred but I know she's part of my past. Everytime I remember her, my chest will tighten. I can't breathe..."

She froze. He was talking about her! Kung gano'n pala, kahit burado na ang ala-ala nito, nasasaktan pa rin niya ito. Parang gusto niyang maiyak. "Min Ho, do you want me to tell you who that girl is?"

He snapped his eyes open and straightened on his seat. "No," mariing sagot nito.

May gumuhit na kirot sa kanyang puso. He didn't want to remember her. Siguro nga ay talagang nasaktan niya ito ng husto dahil kahit wala na itong ala-ala, alam nitong dapat na nitong kalimutan ang bahaging iyon ng buhay nito. Handa na sana niyang ipagtapat na siya ang babaeng nanakit dito pero sa nakikita niya, hindi pa ito handa. Kung magpupumilit siya, baka makasama pa iyon sa binata lalo ngayong sumasakit na ang ulo nito.

Pilit siyang ngumiti. "Naiintindihan ko. Sandali, may painkiller yata akong dala." Umupo siya sa kabilang dulo ng couch habang hinahalungkat ang kanyang bag. Nagulat na lang siya nang may mabigat na bagay ang sumandal sa balikat niya. It was Min Ho's head.

"Let me stay like this for now... please..." he whispered in her ear.

His hot breath against her neck gave her tingling sensations. Her heart melted and all she could do was to nod.

Yes, even for a moment, I want us to stay like this, too...

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now