Chapter 6

750 36 0
                                    

JANG SEUNG-HYUN, twenty four years old. Hmm. Puwede. Sisikat ito. Ang lakas ng sex appeal, eh.

Titig na titig si Itchie sa pahina ng magazine na iyon na nagfi-feature tungkol sa mga bagong Korean superstars partikular na Korean hottie na nabanggit niya. She didn't know why but she suddenly saw Min Ho's image in that man.

Min Ho...

Napabuga siya ng hangin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwalang seryoso si Min Ho nang akalain nitong may leukemia siya dahil sa ilang mga bagay na inisip nitong symptoms ng cancer. Hindi niya iyon nagawang itanggi kaya ang alam ng binata hanggang ngayon ay talagang may taning na ang buhay niya.

Eh kasi naman, nate-tempt siya sa sinabi nitong aalagaan daw siya nito. Hindi ba't chance na niya iyon para mapalapit sa binata at mapatunayang totoo ang nararamdaman niya para rito? Well, she really liked him a lot. Hindi siya sigurado kung gaano na kalalim ang nararamdaman niya para rito pero natitiyak niyang hindi lang iyon dahil sa Koreano ito.

Pero baka tuluyan na niya kong isako at iligaw na parang pusa kapag nalaman niyang wala naman talaga akong malalang sakit. Sayang naman ang kagandahan ko na hindi na mapapakinabang ng mga future Korean boyfriends ko.

Naguguluhan siya kaya nagpasak siya ng earphone sa magkabilang tainga niya at nakinig na lang ng mga Korean pop music. Ayaw niya ng mga komplikadong bagay dahil ayaw niya ng nag-iisip. Epektibo naman ang pakikinig niya ng kinaadikan niyang Kpop dahil ilang sandali lang, yumuyugyog na ang ulo niya sa saliw ng musika.

Hindi na rin niya napigilang mapasayaw. Itinaas niya ang mga kamay niya habang iwinawagayway ang mga iyon sa ere. Sinasabayan niya rin iyon ng pagkanta at dahil may nakapasak na earphones sa mga tainga niya, hindi niya alam kung gaano kalakas ang boses niya.

"Itchie!"

Napangiwi siya sa lakas ng pagsigaw na iyon sa tapat ng kanyang tainga. May kung sinong harabas pala ang humila sa earphone niya. "Ano ba?" angal niya kay Suri.

"Naluluka ka na naman d'yan. Haller? Katirikan ng araw, sumasayaw ka. Kaya minsan gusto kitang itangging kaibigan ko, eh."

Kinolekta niya ang mga gamit niya at tumayo na. "Whatever. Nasa'n si Ate Meiko?"

"Heto nga ang nakakaloka. 'Yang pinsan mo, personal alalay na pala ni Skylus Saitou."

"What?!" Hindi pa sila nakakapag-chikahan ng pinsan niyang iyon kaya wala siyang update sa buhay nito. Ang bruhang 'yon, naglilihim na sa kanya. Sinasabi na nga ba niya't may naganap sa pagitan ni Meiko at ng Skylus na 'yon pagkatapos saluhin ng pinsan niya ang trabaho ni Min Ho. "Eh ikaw, Suri, kumusta na ang relasyon niyo ni Greyson?"

Ngumiti lang ito. Kahit kailan talaga, napakalihim ng babaeng ito.

"Stop it, you two!"

Sabay silang napalingon ni Suri sa pinanggalingan ng malakas na boses na iyon. May kumpulan ng mga estudyante pero hindi niya masilip kung ano ang nangyayari. Ang tanging nakikita niya lang ay ang Chinese cutie na si Greyson Chai dahil matangkad ito. At guwapo. Anyway, mukhang pumapagitna ito sa isang away base na rin sa pagsigaw nito.

"Greyson!" nag-aalalang tawag ni Suri sa binata saka tumakbo papunta sa kaguluhan.

Naiintindihan niya kung bakit sumugod si Suri doon. Kahit hindi aminin ng bruhang 'yon, alam niyang nasa puso na nito ang pretend boyfriend nitong si Greyson Chai. Pero ewan ba niya pero may malakas na puwersang nagtulak sa kanya para lumapit din sa kaguluhang iyon. Nakisiksik siya sa mga estudyante at nang tuluyan na siyang makalusot ay siya namang paghalik sa sahig ng kung sino.

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now