Chapter 6: The Punishment

Comenzar desde el principio
                                    

“Uuwi na sabi ako! Ano ba!”

“Shut up! You’re so ingay. Pwede bang tumahimik ka muna before I introduce that earsplitting mouth of yours to my Jimmy Choo heels.”

"Ano ba kasing gagawin ko dun?!"

Before I could give her an answer,Hailey answers her, "Prefect of disicpline di ba? Baka matutulog ka dun?"

"Ha. Ha. Katawa grabe. Bakit ba kasi ako -- "

"Tumahimik ka na lang." Seryosong sabi ni Warren.

"Paano ako tatahimik kung -- "

"Huwag mo ng pasakitin mga ulo nila, Tamara. Huwag ka na rin mag-object kasi nandito na tayo." Sabi ni Nate at saka kumatok at binuksanang pinto ng office.

Inabutan namin na nag-aayos na ng gamit ang head. Naghahanda na siya para umuwi at kami na lang panigurado ang hinihintay niya.

"Ano na ang desisyon mo Ms. Sartori?"

"Gusto ko po sa Ordinaries."

"Mission accomplished leaders. Mukhang wala kayong parusa at talagang sa dulo pa ng taon mabubuksan ang dalawang rooms para sa charity." If they want to open that rooms earlier, then why don’t they hire someone para ayusin ang rooms. Why do they need to count on us and our “supposed-to-be” punishment anyways?

We all turned our head to Nate na nagtaas ng kamay niya as if magrerecite lang. "Ma'am, sorry po pero hindi ko po siya tinanggap sa grupo ko."

It's pretty obvious that the head was shocked because of Nate's statement, "Why?"

"As a leader, ma'am, gusto kong maging maayos ang grupo ko. Gusto ko yung mga mapupunta dun ay yung mga pasok talaga sa pangalan na ordinary. Hindi po pasok si Tamara dun. Regional quiz bee champion, black-belter sa Taekwondo, varsity. Hindi po ayun ang ordinaryo. Kaya lang other than my group, wala na po siyang gustong salihan kaya wala po siyang grupo."

Napag-isip si ma'am sa sinabi ni Nate at napabuntong hininga na lang siya nang marealize siguro na tama lang talaga si Nate at sadyang si Tamara ang matigas ang ulo.

"If that's the case, then I'll accept it. Ms. Sartori will be the only student in Kingdom High who won't be joining any groups. But still, you should follow the rule, Ms. Sartori." Tingnan niyang mabuti si Tamara, "Bawal kang makipag-usap sa kahit na kanino na hindi mo kagrupo at dahil wala lang kagrupo, wala kang pwedeng makausap na kahit na sinong estudyante except may group activity kayo sa anumang subjects."

"Yes po, ma'am."

"Oras na maisipan mong mamili na ng grupo, pwede ka pa rin dumiretsyo sa akin para sabihin kung saan ang gusto mo at makakasali ka pa rin dun kapag tinanggap ka ng leader ng grupong 'yun. Are we clear?"

"Opo, ma'am."

Inalis niya ang tingin kay Tamara at tiningnan naman kami isa isa. She then noticed that there's someone missing, "Nasaan na naman si Mr. Guevarra? Hindi ba siya kasama nung nagdedesisyon kayo?"

Wala ni isa ang sumagot sa tanong ng head. He was there naman kaya lang he's sleeping lang naman.

The Trouble with the RuleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora