CHAPTER 24 (Special Chapter)

5.6K 196 28
                                    

MABILIS na nilagok ni Raffy ang hawak nyang shot glass. He didn't bother to bite the sliced lemon dahil gusto nyang maramdaman ang pait ng alak sa lalamunan nya.

Muli nanamang nanumbalik sa ala-ala nya ang pakikipagbreak nya sa boyfrie--- ex-boyfriend nya. He felt his heart broken into pieces. He still loves Carlo pero may pader na naghihiwalay na sa kanila.

He needs to cut the strings, untie the knots, and disconnect him from his life. May responsibilidad itong kailangang gawin at hindi sya kasama rito.

"Sir, mukhang napaparami na po ang naiinom nyo. Gusto nyo po bang tawagin ko ang ibang kasama nyo ho para ihatid kayo?" Magalang na sabi ng bartender.

Napatingin sya sa bartender. Ramdam nyang umiikot ang paningin nya at parang nakikita nya si Carlo sa kanya.

"C-Carlo..." Mahinang sabi nya.

Napalingon pa ang bartender sa likod nya at muling bumalik sa kanya ng nakakunot ang noo. Napabuntong-hininga nalang ito at lumapit kay Raffy.

"Sir... mukhang hindi nyo na po kaya." Malakas na sabi ng bartender dahil napakalakas ng tugtugin sa loob ng bar.

"N-No... I-I'm okay... I-I'm okay..." Mahinang sabi nya at mabilis na tumayo. Muntik pa syang matumba nang magsimula syang maglakad at buti nalang nasalo sya ng bartender.

"Haysss... Makulit talaga kayo sir. Nasaan po ang phone nyo sir at tatawagan ko po kayo ng kasama." Malakas na sabi ng bartender at sinalo ang buong katawan ni Raffy. Ramdam nyang napakagaan nito na para itong isang babae.

Napalingon si Raffy sa bartender. He's unconscious and starts to hallucinate. Ang kaninang mukha ng bartender at napalitan ng mukha ni Carlo sa isip nya. He gentle cupped his face at unti-unting inilapit ang mukha nya rito.

"Carlo... Carlo..." Mahinang sabi nya at akmang hahalikan nya ang bartender. Naalarma naman ito at mabilis na itinulak sya nito. Halos masubsob sya sa sahig.

"Naku! Sorry po sir! Mukhang lasing po kayo at muntik nyo po akong halikan. Sorry po sir." Tarantang sabi ng bartender. Buti nalang wala pang costumer na pumapasok sa bar kaya malaya nyang matulungan ang nawawala-sa-sariling si Raffy.

Napalingon sya sa bartender. Ang kaninang mukha ni Carlo ay unti-unting nawala. Napahawak sya sa ulo nya dahil mukhang naparami talaga sya ng inom.

"A-Ahhwww... M-My head h-hurts like hell..." Mahinang sabi nya habang hawak ang ulo nya. Ramdam nyang tila binibiyak ito  sa sakit. Mabilis na nasalo sya ng bartender nang muntikan pa syang matumba.

"Okay lang po ba talaga kayo sir?" Tanong ng bartender. Napalingon si Raffy sa kanya at nag-shift na ang mukha nito sa tunay nitong mukha. Mabilis nyang itinulak ito.

"Get off me. You're not Carlo." Malakas na sabi nya at itinulak ang bartender. Napakapit sya sa edge ng bar at kinuha ang isang bote ng alak.

"Sir! Matapang po 'yang nakuha nyo---" Napahinto ang bartender nang pigilan sya ni Raffy.

"Wala akong pakialam! Mas gusto ko nang matapang ang inumin kong alak so that I can have like this courage to fight for him!" Malakas na sabi nya. Napakapit sya sa kwelyo ng bartender habang hawak ang bote ng alak.

"A-Ano bang k-kulang s-sa'kin? I-I gave h-him e-everything b-but h-he still h-have guts to c-cheat on m-me. P-Pangit b-ba ako? K-Kapalit-palit b-ba ako? B-Bakit pa sya nangaliwa? Bakit?! Bakit?!" Tanong nya sa bartender na halos walang kaalam-alam sa sinasabi nito. Pinagpapalo pa nya ang dibdib nito.

"Sir... Lasing na po kayo---" Nagulat sya ng itulak syang muli ni Raffy. Kita nya ang nandidilim na mata nito.

"S-Shabing h-hindi a-ako lashing e-eh! I-Ikaw yata a-ang l-lashing!" Sigaw nya. Mabilis nyang kinuha ang wallet nya sa bar at mabilis na naglakad papalayo.

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now