CHAPTER 1

12.5K 415 23
                                    

"Gentleman 1 : Zach Montiverde"

[CHAPTER 1]

BUMUGA ng isang malalim na hininga ang kasalukuyang freshman college na si Nathan sa isang sikat na unibersidad na kung tawagin ay Emerald University. He's running for a dean lister at kung papalarin man ay sana sa Summa Cum Laude ito.

Matapos na mai-scan ang hawak nyang bag ay nagtungo na s'ya sa loob. Sinalubong naman sya ng mga nagkalat na magagarang kotse at mga mayayaman na tao. Kita nyang pinagtitinginan sya ng mga tao kaya napayuko nalang sya.

Isa s'yang scholar sa Emerald University. Kuryente at tubig nalang ang tinutususan ng pera nya dahil sinasagot na ng eskwela ang allowance nya, plus libre lahat ng babayaran nya sa loob kaya wala na syang pag-aalahan.

Inaantok pa man ay pumasok na ito sa loob. Nag-overtime kasi sya sa part-time job nya kagabi bilang isang waiter ng bar. May big event na nangyari sa bar kaya halos hating-gabi na s'yang nakauwi ng bahay.

Parang zombie na naglakad si Nathan sa loob ng campus. Iilan sa mga tao rito ay pinagtitinginan sya dahil sa kaunting itim sa ilalim ng kanyang mata, pero wala na s'yang pakialam sa mga ito. Isa lamang syang nobody, an introvert, at isang dakilang nerd sa unibersidad na ito kaya sanay na sya sa presensya ng mga 'to.

Siya ay si Nathan Lance Gomez, isang discreet gay. Proud syang wala pa syang nakarelasyon sa labing pitong gulang na pananaliti nya dito sa mundong ibabaw. Isa sya sa mga hindi agad-agad nagpapaloko sa mga lalaki dahil ang gusto lang naman nila dito ay sex. May asset si Nathan na kahit sinong lalaki ay mahuhumaling rito, ang kanyang amber-colored eyes. Kapag tinitigan mo ito ay kusang mag-iinit ang laman mo at malalaman mo nalang na gusto mo na syang galawin.

Para kay Nathan ay isang itong malaking sumpa sa kanya. Palagi nalang syang namamanyak ng mga bullies sa school at buti nalang magaling s'yang umiwas. Hindi naman alam ng mga classmates nya na isa syang discreet gay dahil alam nilang straight ito.

Isa syang uri ng androgynous gay, mayroon syang mahahabang pilik-mata, matapos na ilong, mapupulang mga labi, perfect curved collar bone, maputing balat, at ang pinaka-asset nya talaga ay ang kanyang mga mata.

Hindi naman sya feminine at cross-dresser kagaya ng ibang katulad nya, ayaw nya ng ganun dahil sa palagay nya ay hindi ka rerespetuhin ng mga tao kapag nagpakita ka ng motibong isa kang binabae. May pagka-manly pa din ang kilos nito kahit na ganun ang itsura nya. Hindi sya ang tipo ng mga gays na mas umakto pang babae sa normal na babae.

Napakislot sya nang may yumakap sa likod nya. Napalingon sya at ito ay ang kanyang long-time bestfriend, si Raffy.

"GOOD MORNING FRIEND! Ang aga mo naman pumasok. Buti kapa hindi ka napuyat kagabi." Pamungad ni Raffy at mabilis syang inakbayan nito.

Katulad rin ni Raffy si Nathan, isa itong manly gay at hinding-hindi mo mahahalata na isa syang gay dahil napakalalaki nito kung umasta, pero kapag silang dalawa nalang ang nasa kwarto ay isa din ito sa mga tumitili.

Agad na naparolyo ang inaantok na mata ni Nathan. "Good morning din. Inaantok pa nga ako eh. Parang ayaw pa gumalaw ng katawan ko."

"I see, kita naman sa laki ng eyebags mo. Hahaha tsaka parehas tayo noh. Parang ayoko pang bumangon sa kama kanina. Pero naalala kong may perfomance pa tayo sa Physics mamaya ay agad akong bumangon. Halos limang kape pa ang inumin ko pero hindi pa din maalis ang antok ko!"

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now