CHAPTER 4

6.9K 346 31
                                    

"Getleman 1 : Zach Montiverde"

[CHAPTER 4]

"CLASS dismiss. I'm expecting your paperworks on Monday class." Huling sabi ng kanilang Chemistry Professor bago ito lumabas ng kanilang classroom.

Agad namang hinila ni Raffy ang kasalukuyang si Nathan na gumagawa ng sariling design ng kanyng blackmask para sa gaganapin na engrandeng celebration ng Club.

"Ano ba naman Raffy?! Bakit ba ang hilig mong manghila! Hindi pa'ko tapos dito!" Singhal ni Nathan habang pinupulot ang ilang mga design na ikinakabit nya sa kanyang eye mask.

"Tara na. Excited na'kong pumunta ng bar. Sabi kasi nila 'pag daw anniversary ng bar, mga mayayaman at kilalang tao ang darating."

Napaikot nalang sya ng mata. Hindi sya interesado sa mga taong pupunta roon at alam nyang mag-fofocus lang sya sa pagta-trabaho. Ito na ang huling araw nya kaya kailangan nyang maging alerto sa mga tao roon.

<~~~~~>

SUMAPIT ang paglubog ng sikat ng araw, narito ngayon sila Raffy at Nathan kasama ang ibang co-workers nila habang nag-susuot ng bagong uniform.

"Ano ba naman 'to. Napakacorny ng design." Inis na sabi ni Raffy habang hawak ang kanyang uniform.

"Hayaan mo na. At least may uniform pa tayong isusuot."

"Nah, mas gugustuhin ko pa na magsuot ng panty at bra para maka-akit ako ng mga gwapong kano."

Agad namang binatukan ni Nathan si Raffy. "Alam mo, dapat mo na talagang ipalinis ang utak mo, ang dumi-dumi na kasi."

Napahawak nalang sya sa kanyant batok. "Aray ko naman. Makabatok naman 'to." Habang hinihimas ang ulo.

Napalingon lahat sila sa pinto nang pumasok ang isang pigura ng lalaking nakasuot ng white longsleeve na tinernuhan ng cream long trenchcoat.

"Is everything settled? The costumers are waiting outside." Pamungad na tanong nito sa kanila.

Marahan na tumango si Nathan at ang mga co-workers nya.

"Great, tara na. We should not waste a time dahil magdamag na nakabukas ang bar. Come on and hurry up guys. Time is gold!"

Agad na dumako ang paningin ni Zie kay Nathan. "Nathan? Why you're dressed as a waiter?"

"Last day ko nalang po maging waiter."

"But you don't need to---"

"Ayos lang po. Kesa naman sa mainip po ako dito."

Napabuntong-hininga nalang si Zie. "Okay, if that's what you want, ikaw ang bahala." at lumabas ng locker room.

Agad naman syang humarap sa human-body sized mirror. Nakasuot sya ngayon ng makulay na longsleeve na may black bowtie sa leeg nya at isang mascara na kulay shining black. Mukha syang isang dadalo sa mascarade sa ganda ng mascara nya.

"Tara na daw."

Tumango nalang sya at lumabas na sila ng locker room.

Agad na sinalubong ni Nathan ang makukulay na color lights at ang malakas na tugtugin sa gitna ng dance stage. Kita nya ang nagsasayawan na mga tao at ang mga iba naman ay naglalaplapan na.

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now