CHAPTER 3

7.9K 328 31
                                    

"Gentleman 1 : Zach Montiverde"

[CHAPTER 3]

"I-I'm not a-available s-sir." Ramdam nya ang kaba sa loob nya habang may mahigpit na kamay ang nakabalot sa braso nya.

Narito sya ngayon sa Club Red habang nagtatake ng orders. Akmang ilalagay nya sana ang tray ng order ng sugar daddy na ito ngunit biglang hinablot nito ang braso nya.

"Ohh come on, don't be shy. I can give you 100 bucks just to give me a night. You look so stunning dear."

Mukha itong sugar daddy dahil sampung babae ang pinagpyepyestahan ang katawan nya. Ngunit mukhang nagsawa na ito kaya ibang putahe naman ang gustong tikman.

"B-But s-sir, I'm n-not a p-prostitute. A-Also I'm g-g-gay sir."

Mabilis na tumayo ang matanda. Nagulat sya nang hawakan nito ang bewang nya. "Oh come on, little boy. I don't fucking care if you're gay or what so. You look more innocent, feminine, and hotter than other chicks around here. Okay fine, I'm gonna make it up for 300 bucks. Just one night... one night with your Daddy." Nagulat sya nang biglang dumampi ang labi nito sa leeg nya.

Agad namang na-alerto si Nathan. Mabilis nyang itinulak ang matandang kano. "Sir, please. If you don't want to loose my respect to you, sir. Better respect my desicion. Hindi po ako prostitute para gawin 'yan." Agad nyang kinuha ang tray at mabilis na umalis sa table na 'yon.

Agad syang bumalik sa pwesto nya. Nasalubong nya pa si Raffy na kasalukuyang pinapapak ang isang sliced lemons. "Wow ang aga pa ang bad mood mo na." Pamungad ni Raffy sa kanya.

"May bumastos nanaman sa'kin."

Natawa naman si Raffy. "Lagi naman Nathan hahahaha. Tsaka ayaw mo 'nun? Kung ako lang, mas gusto ko 'yun. Masarap kayang mabastos." Tawang-tawang sabi ni Raffy.

Akmang ihahampas ni Nathan ang hawak nyang trap nang biglang tumalima si Raffy. "Sira ka talaga! Mag ayos-ayos ka nga sa buhay mo para seryosohin ka rin ng mga lalaki!"

Lingid sa kaalaman nya, naka bente na boyfriend na si Raffy, lagi syang iniiwan dahil pwera sa pineperahan nila ito, gusto lang nilang ikama si Raffy. Pero buti nalang hindi nagpapa-apekto ito kaya nasa kanya pa rin ang puri nito.

<~~~~~>

ILANG minuto pa ang lumipas ay tumayo si Raffy sa kanyang inuupuan. Ramdam nya ang antok at pagod sa katawan nya pero hindi nya inalintala ito.

"Pinapatawag na tayo ni Boss Zie."

Pamungad ni Andrew sa kanya.
Agad syang tumango at tinawag si Nathan para pumunta ng meeting room ng kanilang boss.

Nagpaalam muna si Nathan na mauna na si Raffy dahil kukunin nya pa ang resignation letter sa kanyang locker.

Nang matapos nyang makuha ito ay agad na din syang nagtungo sa meeting room para malaman kung anong meron.

<~~~~~>

"DO you like some sliced sweet apples, sweety?" Ang sweet na tanong ng Mom nya sa katabing batang babae.

Tumango naman si Sophie. "Yes! I want some mommy!"

Humarap sa kanya ang Dad nyang kasalukuyang kumakain rin. "So hows the company, son?"

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeWhere stories live. Discover now