CHAPTER 2

8.4K 345 23
                                    

"Gentleman 1 : Zach Montiverde"

[CHAPTER 2]

NANG matapos ang klase ni Nathan ay agad nyang kinuha ang kanyang sling bag na naglalaman ng kanyang importanteng flashdrive at hinila palabas ang kaibigan nyang si Raffy.

Nagulat naman si Raffy sa ginawang pagkaladkad sa kanya. Mabilis nyang binitawan ang pagkakahawak nito sa braso nya. "Wait lang Nathan! Ano ba bakit ka nagmamadali?!"

Agad namang napalingon si Nathan. "Baka magsara na ang computer lab ni Sir Samuel kaya tara na. Buti pa doon makakalibre ako ng print."

Napaikot nalang ang mga mata ni Raffy. "Yun lang? Eh tatlong piso lang naman ang kailangan para sa pagpapaprint. Don't tell me umaandar nanaman 'yang pagka-kuripot mo. Hayst, ako na nga lang magbabayad."

" 'Wag na Raffy. Tsaka may halaga kaya ang tatlong piso. Kaya tara na samahan mo na ako kay Professor Samuel."

Napaikot nalang ng mata si Raffy at wala nang nagawa. Talagang mapilit sya kaya hinayaan nya nalang ang sarili nyang magpahila rito para ipa-print ang ginawang resignation letter ng kanyang kaibigan.

<~~~~~>

MATAPOS ang mahabang byahe ni Zach ay agad syang lumabas ng kanyang sinasakyang Veneno Roaster. Nagprisinta syang maging gentleman at pinagbuksan ng pinto ang kanyang ina.

"Thank you son." Sinuklian naman ni Zach ito ng ngiti.

Napangiti si Zach nang makita nya muli ang mansyon. It was three years since makauwi sya rito.

After he graduated and became the CEO of their company, agad syang nagpa-rent ng condominium na malapit sa kanyang company building para iwas hassle at traffic na din. He's always busy in his work as the CEO dahil kabilaan ang meetings ang appointments na dapat ay kasama sya.

Mabilis na lumabas ang mga bodyguards na nakasunod sa kanya ang kinuha ang iilang mga luggages nya sa kanyang compartment at pumasok sa loob ng mansyon.

A stunning view set outside and inside. Outside, a pure white huge structures and designs with large pillars and huge translucent window na talagang nagmumukhang palasyo sa laki. Inside, a huge beautiful chandelier hanging on the ceiling, a mini-white piano case in the corner of the house at isang spiral staircase. Nagkalat din ang mga expensive antiques sa paligid that is worth for almost a million dollars.

Nag-inat muna si Zach bago pumasok sa loob. Ramdam na ramdam nya ang pagod sa katawan nya dahil sa napakahabang byahe.

"You feeling tired son? Gusto mo bang magpamasahe muna kay Yaya Beng sa massage room?" Nag-aalalang tanong ng mom nya.

Umiling sya at sinuklian ito ng ngiti. "No need mom. I just need a bit rest at may aasikasuhin pa'ko sa laptop."

Agad na hinawakan ng mom nya ang magkabilang pisngi nya. "Don't be so workaholic son. Don't stress yourself on the company. Hindi naman mawawala agad-agad ang mga perang pinaghirapan natin. Alam naming importante din sa'yo ang pagpapatakbo ng kumpanya but learn to rest. Baka ang katawan mo mismo ang mag-give up."

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz