CHAPTER 20

4.5K 198 10
                                    

NANG makapasok si Nathan sa loob ng Page One Café ay agad nyang hinanap kung nasaan ang bestfriend nya. Luminga-linga pa sya pero hindi nya mahanap ito.

Mukhang mas nauna pa'ko sa kanya. Bulong nya sa isip nya. Agad syang naghanap ng pwesto at napili nya ang sa dulo para na din hindi sila masyadong nakikita ng mga tao.

Kinuha nya ang phone nya habang hinihintay kung nasaan si Raffy. Nagtext pa sya pero wala pa rin syang narereceive na reply dito.

Napalingon sya sa glass wall dahil parang nagkakagulo sa labas. Nagkibit-balikat nalang sya dahil hindi sya interesado doon.

Napalingon sya nang magbukas ang pinto. Agad syang kumaway nang makita nya ang balisang mukha ni Raffy.

Nakita agad ito ni Raffy at mabilis na pumunta sa pwesto nya. Expect nya na yayakapin sya ng mahigpit ni Raffy pero nagulat ito nang biglang magtago sa ilalim ng lamesa.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Nathan. Hindi agad sumagot si Raffy at tumitingin pa sa labas.

"Wag kang magulo, Nathan. 'Pag may lalaking lumapit dito 'wag mong papansinin." Sabi nya. Huminga nalang ng malalim si Nathan. Saktong napalingon sya nang makita nya na bumukas muli ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.

Napakunot ang noo nya. Kita nyang naka-sunglass pa ito habang palinga-linga sa loob ng Café.

Nakatingin lang si Nathan sa kanya hanggang sa magtama ang tingin nilang dalawa. Ibinaba ng lalaki ang suot nitong sunglasses.

Sandali, parang pamilyar 'tong lalaking 'to hah. Bulong nya sa isip nya. Nagulat ito nang magsimula na itong maglakad papunta sa pwesto nya. Nakangiti lang sya habang hawak ang sunglasses nito.

"Nathan?" Tanong nya. Napakunot ang noo nya nang marinig nya iyon.

"Kilala mo ako?" Takang tanong ni Nathan. This guy infront of him seems so familiar to him, na parang kilala na nya.

Tumango ang lalaki. "Well, yes. I'm Zach's friend. Ezekiel Montefalco. You can call me Zeke." Sabi nito at inilahad ang kamay.

Kahit awkward ay tinanggap naman ni Nathan ito. "N-Nice to meet y-you po." Nahihiyang sabi ni Nathan.

"So, bakit ka nga pala nandito? You should be with Zach." Tanong nya. Namula naman si Nathan.

"Hindi naman p-po. M-May kikitain l-lang po akong kaibigan." Nahihiyang sabi ni Nathan.

"Ohh a friend. Hmmm, well I also came here dahil may hinahanap akong lalaki. Do you know the guy na pumasok dito? He's wearing a... uhmmm he's wearing a black t-shirt and he's small..." Describe ni Zeke. Napakislot si Nathan nang maramdaman nya ang mahigpit na hawak ni Raffy sa kamay nya.

Tama nga si Raffy, hinahanap sya ni Zeke. Pero bakit?

Huminga ng malalim si Nathan. "Sorry po h-hindi ko po sya nakita." Magalang na sabi ni Nathan. Bumagsak ang balikat ni Zeke sa nalaman. His expectations leads to disappointment.

"Well..." napabuntong-hininga sya. "... maybe I should go. Enjoy with your friend, Nathan. Bye." Nakangiting sabi nito.

"Sige po." Nahihiyang sabi ni Nathan. Hinintay nyang umalis si Zeke bago nya palabasin si Raffy.

"Buti naman--- aray!" Nauntog pa ito sa edge ng lamesa. "... aray ko... buti naman umalis na ang bwisit na lalaking 'yun!" Inis na sabi ni Raffy habang hinihimas ang ulo nya.

Napabuntong-hininga nalang si Nathan. "Bakit? Ano nanaman bang kabaliwan ang ginawa mo?" Tanong ni Nathan.

"Before that, mag-order muna tayo." Sabi nya at nagulat sya nang bigla syang yakapin ng mahigpit ni Raffy. "Miss you bessy!" Masayang sabi ni Raffy.

GENTLEMAN 1: Zach MontiverdeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora