Chapter Fourteen

9.2K 437 43
                                    

Rara

Wala akong balak kibuin siya dahil sa sobrang pagkainis ko! Kung pwede lang ako tumalon mula dito sa sasakyan nagawa ko na! Biruin mo hinalikan ako?! Sino bang hindi maiinis don! Ang halik na yon ay hinding hindi ko matatanggap na first kiss ko! Never! Hindi first kiss, hindi french kiss kundi Friend's kiss!

Dahil una, hindi babae ang pinangarap kong mahalikan. Pangalawa, nakakainis siya! At pangatlo, nakakainis siya sa lahat ng nakakainis!

"Why so serious?"

Hindi ko siya tinitignan dahil pag tinignan ko siya tiyak, mamamatay siya sa talim ng tingin ko at masasaksak ng mga mura ko

"Rara ano ba? Kanina pa ako nagsasalita!"

Wala akong pakielam sa sinasabi niya tuloy tuloy lang ako sa pagkalkal ng bag ko para hanapin yung cellphone ko dahil magtatawag na ako ng tanod!

Nagulat ako ng bigla siyang nagpreno sa gitna ng highway

"Shet!-- ano ba?! Ano bang problema mo?! Talaga bang sinusubukan mo ako?! Kung gusto mo magpakamatay ikaw nalang!" That's it! Lumabas na ang galit ko!

"Damn Rara!" Tinaasan ko siya ng kilay

"Ano bang gusto mo?! Kausapin kita? Eto kinakausap na kita! Masaya kana?" Sarkastika kong sabi. Nakakapikon na ang ugali niya! Hindi ko na makaya!

Biglang nagbago ang aura ng mukha niya parang lumungkot yung mga mata niya at umiwas ng tingin sakin. Ano ba tong ginagawa niyang torture sa akin?

"I-i just want to-- be with you"

Sa pag kakataong yon nilisan ng galit ang katawan ko

Naramdaman ko yung kunsensya ko... ang sama ko ata sa kanya? Ang gusto niya lang pala ay makasama ako pero bakit kasi sa paraang ganito pa?

"I'll take you home--"

Gusto kong magprotesta pero hindi ko alam kung tama ba...

"H-Hindi, tutuloy na tayo"

Napalingon siya sakin bigla na gulat na gulat at tila nagliwanag yung mukha niya muling lumitaw yung ngiti niya

"Okay honey!"

Humarurot siya agad agad papuntang sa kung saan man kami pupunta

Napahawak nalang ako sa ulo ko at napailing dahil mukhang nabiktima ako ng acting skills niya. Pota.

.....

Huminto kami sa isang restaurant, as usual mamahalin

"Cielo ayoko dito gusto ko ng tuhog tuhog--"

"What?"

"Sabi ko ayoko dito gusto ko ng tuhog tuhog! Ang bingi mo"

"Whatever. Bakit ayaw mo dito? They're the best in town"

Hay nakakainis! Di naman sanay yung bibig ko kumain ng mamahalin

Teka parang sinabi ko naman na kumakain ako ng basura?

"Rara?"

"Ano?"

"Ayaw mo dito?"

"Ayaw"

"Saan mo gusto?"

"Basta mag drive ka nalang ituturo ko sayo"

Napapangiti ako habang tinuturo ko sakanya kung saan kami kakain dahil mukhang nagtataka siya dahil nagiging marami na yung tao sa paligid at sumisikip na yung daan

"Dito na tayo"

"Here? Grilled foods? That is cancerous"

"Hindi ah masarap ang bawal kaya tara na!"

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now