Rara
Hindi ko lubos maisip kung anong gusto niyang ipagawa sa akin basta sa darating na sabado sasama daw ako sakanya pero saan naman?
"Kumusta? Anong sabi ni Miss Cielo sayo?"
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong sinalubong ng tanong ni Isay.
"Hay nako Isay, wag na natin pag-usapan. Ay! may chika ako sayo."
Dali-dali akong umupo sa kama at nag simulang magkwento tungkol sa pagtawag ni July kanina sa akin.
"Yie! hindi nga?!" Nanglalaki ang mata niya habang hinahampas ako sa braso.
"A-aray ko! Isay!"
Tama bang pag hahampasin ako? Yung totoo? kinikilig o sinasadya?
"Ang haba ng hair mo girl!"
"Nangamusta lang naman siya, eh."
"Sus! If i know kinilig ka rin nung tumawag siya sayo."
Kinilig nga ba ako? Ewan ko ang alam ko lang namula yung mukha ko kilig na ba tawag doon?
"Hay nako Rara kung makita mo lang itsura ni July kanina alalang-alala siya sayo."
"Ah... eh talaga ba?" tumango siya na parang asong ligayang-ligaya. Hindi ko alam sasabihin ko sa ganitong reaksyon niya.
"O siya, kain na tayo tagal niyo kasi nag-usap ni Miss Cielo kaya ako na nagluto."
Patay tayo diyan! Ang sarap ng ulam nito kapag si Isay ang nagluto.
"Bakit ang tagal niyo nag-usap?" hirit niya habang ngumunguya.
"Eh kasi yun nga gusto ko sana bumawi sa mga tulong niya pero..."
"Pero?" tumigil siya sa pagsubo at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Ang sabi niya sundin ko na lang siya... sasama daw ako sa kanya sa Saturday."
"Saan naman?" kumunot ang noo niya habang bilugan ang pisngi dahil sa laman nitong kanin.
"Yun ang hindi ko rin alam."
°°°°°°°°°
Cielo
I woke up early, I feel interested sa party na magaganap. I don't like parties yet, I have something to look forward to later.
"Woah! You look fresh today, sweetheart." Nakasalubong ko si Cindy sa hallway. Habang humihigop ako ng kape.
"Shut up." Kunot noo kong sabi. Ang aga mang-asar ng isang ito.
"Well good morning too, sis." I just smirk at her.
Pumunta ako sa garden at umupo sa duyan. Having a coffee with this great morning? This is life.
I get my phone and search the name of Nagger in my phone book . I get her number dahil gusto ko makasiguro na hindi niya ako tatakasan.
Nakailang tunog pa bago niya sagutin. Napaka tagal naman sumagot? Huwag mo sabihing tulog pa siya?
"Nagger," I called her as soon as she picked up the call.
"Ano?" halatang bagong gising pa ang boses niya at husky pa ito.
"Oh, I mean Rara. I'll pick you up later before five in the afternoon."
"Sa-"
I ended the call alam ko mag bubunganga na naman siya ayoko masira araw ko kapag narinig ko na naman ang pagrereklamo niya.
Tumayo nako para magsimulang mag-ayos. I really have a lot of things to do. I finished the other paperwork that I need to sign before going to the party.
![](https://img.wattpad.com/cover/12651474-288-k698391.jpg)
BINABASA MO ANG
One Seat Apart (GirlxGirl)
RomanceAng isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko sa hindi inaasahang pag-ibig. Hindi ko inasahang mahuhulog ako at hindi ko inasahang mamahalin ko ang gaya mo... Isang babae.