Chapter ThirtyOne

9.9K 331 18
                                    

Rara

"Girl! Namiss kita!" sigaw agad agad sakin ni Isay pagpasok ko ng Clinic kung saan kami nag i-intern. Partida tatlong beses pa kami magkita sa isang week eh kung makasigaw parang ilang buwan akong hindi nagpakita

"Isay! Namiss din kita!!" bigla niyang tinakpan yung tenga niya sa sigaw ko

"Bakit ka sumisigaw?!" sagot niya sakin ka natatawa ako

"Eh kasi masaya ako!!" nakangiting sabi ko

"Well masaya din ako!!"

Sabay kaming nag tawanan dito ayos lang mag sigawan dahil wala pa naman ang mga bruhilda naming kasama dito. Nilapag ko yung gamit ko sa table sabay lapit naman sakin ni Isay

"Kamusta naman? Ano napagtanto mo na ba?" humarap ako sakanya

"Ano girl? Naisip mo na ba?" tanong niya pa ulit. Napangiti naman ako dahil hindi lang napagtanto kundi akin na siya.

"Huy! Tinatanong kita bakit makangiti—oy! girl alam ko na yang ngiting yan, ha! Kilala kita. Anong kahalayan ang ginawa mo kay Ma'am Cielo?" napakunot noo naman ako, sa pag kakaalala ko ay wala naman akong ginawang mahalay kagabi o nung isang araw

"Baliw ka, wala!" saka tumalikod sa kanya para ayusin yung mga chart ng ilang pasyente

"Rara dali na kwento na habang wala pa ang mga bruha" hindi niya alam ay napapangiti nako dito dahil naaalala ko yung nangyari. Aaminin ko ni wala sa pag iisip ko dati na mangyayari yun. Na mamahalin ako pabalik ng kumag na yon. Biruin mo naman kung gaano siya kataas tapos ako nandito lang lalo na yung ganda niya nakakainis kasi—basta! Basta!

"Huy! Sige! Daydream pa more girl" halatang pikon na si Isay dahil kanina pa siya kalabit ng kalabit

Humarap ako sa kanya ng poker face ang mukha ko "Ano mag kukwento ka ba—"

"Kami na" sabay talikod ulit sakanya pero inikot niya ulit ako paharap sa kanya

"Girl!!? Kayo na?!" Tuwang tuwa yung pagmumukha niya habang pumapalakpak pa

"Oo!" Sabay ngiti sakanya

"I'm so happy for you girl!! Dyusme! Girl! Napakaswerte mo!" Hinampas ko siya sa braso

"Gaga ka! Ako pa swerte sakanya? Hindi mo manlang ako pinanigan!" Tatawa tawa siya sakin

"Joke lang! Ito naman binubwisit lang kita ano kaba! Syempre swerte siya sayo. Dali kwento kana, complete details" wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanya lahat lahat simula sa tagaytay hanggang sa gabing nasabi ko sa kaniya yung nararamdaman ko.

"Girl wala na grabe panalo talaga yung sa park. Imagine? Doon kayo nag kakilala at doon din kayo magtatapat sa isat isa? Girl I'm so happy kasi ang ning ning ng mga mata mo paran ang sarap tuloy ma inlove" natawa naman ako sa ning ning ng mga mata ko na sinasabi niya.

Aaminin ko napakasaya ko, yung babangon ako sa umaga siya ang gumigising sakin at bago matulog sasabihin niya sakin na mahal niya ako. Ang sarap sarap sa pakiramdam ng ganito.

"Pero Girl? Paano si July? I mean nasabi mo naba sa kanya? Kasi diba nanliligaw siya sayo?" Napaisip ako doon. Tama si Isay kailangan masabi ko na kay July na tama na panliligaw although alam niyang may iba na akong gusto. Di ko kasi direktang nasabi na tumigil na siya sa panliligaw. Kinuha ko yung phone ko at nag text kay July na kung pwede ay magkita kami bukas para makapag usap.

"Uy Rara long time no see ah? Buti pumapasok kapa? Nakakapagod siguro magpatakbo ng hotel ano?" Si Hilda. Hindi na gaanong matabil ang dila niya nung nalaman niya kung saan ako nag tatrabaho pero hindi mo na maaalis sakanya ang pag mamaldita

One Seat Apart (GirlxGirl)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ