Chapter Eight

8.9K 407 46
                                    

Rara

"July?" paanong nandito siya?

"Nandito ka rin? Paano? Eh, diba may lakad ka?"

"Ha? Dito yung lakad na sinasabi ko... teka, bakit nandito ka?"

Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ang master of ceremony.

"Let us welcome the gorgeous CEO of this five star hotel, Miss Cielo Lopez!"

Parang nag-echo yung pangalan niya sa tenga ko at pa ulit-ulit ito. Habang naiisip ko ang lahat ng nangyayari.

Yung babaeng tumulong sa akin, yung sinisigawan ko, yung babaeng kasama ko kanina at yung babaeng sobrang yaman na nasa magazine ay...

Iisa.

Bakit ba kasi hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin agad? Nakakahiya pero kasi hindi naman halata sakanya na siya yung nasa magazine dahil ang gaspang ng ugali! Bastos na bata pa!

"I want to thank all of you for coming to our hotel celebration..."

Ngayon lang nag&sink in sa utak ko.. may-ari siya ng hotel. Tatakas na ba ako sa mga pinaggagagawa ko?

"Are you guys having a good time tonight? Well, if you will ask me, I'm having a wonderful night. Thank you and enjoy!"

Hiyawan at palakpakan ang binigay sa kanya ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko na rin na alalang katabi ko pala ang ang gwapong nilalang na ito. Lalong naging gwapo ang itsura niya sa suot niyang navy ble tuxedo. Napaka manly tignan at elegante.

"Wag kang kumunot noo sayang ang ganda."

Bahagya akong napangiti ang cute niya kasi lumilitaw nanaman yung dimple niyang kasing lalim ng iniisip ko.

"Ikaw talaga pero... hindi mo pa sinasagot tanong ko kung bakit nandito ka."

"Ah, kasi my father is a businessman kaya ako nandito. Ikaw? Bakit nandito ang isang maganda dilag?"

"Kasi--"

"She's my special guest."

Biglang tumigas yung katawan ko at parang pinasok ng lamig nung marinig ko yung boses niya.

Nararamdaman kong nasa likod ko siya at nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang. Para kong kinuryente sa naramdaman ko.

"Good evening, Miss Lopez."

Tinignan niya lang si July at hindi umimik o tumingin manlang. Napaka arogante talaga ni Cielo.

Kakalas na sana ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko pero lalo niyang hinigpitan.

"Didn't I tell you something, Miss Emprey?"

Bakit ganito yung nararamdaman ko parang nauubos yung hangin sa paligid ko. Ang tigas ng panga ko at dila, hindi ako makapagsalita.

"A-ano b-bayun--?"

"I told you to stay? Right?" bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa ekpresyon na binibigay niya ngayon.

"K-kasi ano... na nainip na k-kasi ako kanina."

"Magkakilala pala kayo ni Miss Lopez? Rara?"

Nagulat ako ng biglang susumingit si July sa tensyon nangyayari. Tumango na lang ako sa tanong ni July.

Ngumiti lang siya at lumitaw naman yung dimple niya.

"Well nice to meet you, Miss Lopez and Rara text or call me kung uuwi ka na so that I can give you a ride..."

"No. She's with me."

Hindi ako makasagot kay July tinignan ko na lang siya tsaka siya tumango. Kahit ang lalaking ito walang panama sa magaspang na ugali ni Cielo.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now