"May pupuntahan pa ako" wala talaga akong pupuntahan.

"Dito ka at wag kang aalis, late ka na nga eh aalis ka pa. Ang sweet mong girlfriend grabe"

"Thank you" ngumisi ako bago lumapit sa kaniya.

"Tsk!"

"Tsk! Tsk ka dyan! Yabang yabang mo kagabi na mananalo kayo tapos tambak kayo!"

"Aba!"

"Uy ano ba! Andyan si ano!" di namin napansin na naka lapit na pala si Angel sa 'min. Nag tinginan muna kami ng masama ni Leigh bago ko kinuha yung towel at pinunasan siya sa mukha. Lumapit ako sa tenga niya.

"Buti ka may laro at nandyan si Mary Anne, kasi kung hindi? Kanina ka pa pilay" mahina kong singhal sa kaniya. Ngumisi ako at humalik sa pisngi niya bago lumayo.

Argh!

Nahalikan ko pawis niya! Ew!

"Go baby!"… damulag.

"Wag kang aalis baby"

Nginisian niya ako bago magpatuloy sa laro nila. Naka upo na kami ni Angel sa bench cheer ng cheer kahit ayaw ko. Like duh?! It's part of the plan!

Nahablot ni Leigh ang bolang hawak ng kalaban at mabilis siyang nag dribble papunta sa ring ng kalaban. Bago siya mag three points ay tinuro muna ako nito at shoot!

"Go baby!"

Totoo na chini-cheer ko sila. Ang hindi lang totoo ay ang endearment na sinasabi ko kay Leigh. Like duh?! I need to support them kasi classmate ko sila!

At ofcourse, hindi rin mawawala ang pag cheer ko sa tatlong prinsipe. Parte rin sila ng team eh.

Natapos ang laro nang sila na nga ang panalo. Three points ng three points si Leigh. Ang galing! Nahabol pa nila ang 30 points na lamang ng kalaban.

Lumapit siya sa kin at binuhat ako "Yiieehh! Galing ng baby ko!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Salamat baby ko"

"Uy tama na yan" awat ni Angel sa min "Wala na siya"

Tinignan namin yung pwesto ni Mary Anne kanina pero wala na talaga siya. Ibinaba na ako ni Leigh. Sabay sabay kaming lumabas na anim pagkatapos nilang mag shower. Ihahatid na sana ako ni Leigh pero sabi ko ay may laro din ako.

"Laro? Kala ko di ka nag spo-sports?"

"Tsk! Sino nag sabi? May laro ako, dumaan lang talaga ako sa laro niyo para makapag hanap ng moves HAHAHA!"

"Heh!"

Tsk! May laro naman kasi talaga ako. 

Pumunta na kami ni Angel sa isa pang court. Sabi kasi ng boys, may bibilhin lang dw sila. Sinabi ko naman sa kanila kung anong court ang pupuntahan nila. 

Sabi ko nga na wag na silang pumunta baka pumangit performance ko talo pa kami. 

Malapit na sana kami nang may lumapit kay Angel na lalake kaya nag usap muna sila. Mauna na dw ako, so ayun nga nauna na akong pumasok. 

*******

Angel's POV:

"Long time no see Khian" bati ko sa lalakeng kausap ko ngayon sa labas. Classmate ko siya nung elementary ako. 

"Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanong sa kaniya.

"Dito ako mag aaral, ikaw?" 

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now