WHOLE - Chapter 29

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ma'am, ano bang problema? Bakit para kang pig na hindi mapaanak?"

"Shut up!" sigaw ko.

Mukhang natakot. Kahit ako, natakot. Napahawak ako sa ulo at umupo sa kama. Parang taon ang umandar bago sumapit ang gabi, kung saan talagang gumawa na ako ng paraan para makausap si Gavril. Hindi siya mahirap hanapin, nasa garden siya. Nakaupo siya sa bench, nakapatong ang mga braso sa hita. Off duty na siguro kasi nakalilis na ang uniporme pero hindi man lang ako naisip puntahan. Nakakainis lalo pero hindi dapat uminit ng ulo ko. "Gavril?"

"Yes?" tanong niya, hindi man lang tumingin sa akin.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

"About what?"

About what?! About what?! Parang uusok ang ilong ko! "Ano'ng about what?"

"Alam ko na kung ano ang sasabihin mo." Tumayo siya, bumuntong-hininga. "I knew it the moment you looked at me earlier."

Naipon lahat ng mga salita sa bibig ko. Alam na niya? At ganito ang reaksiyon niya? Kung nabasa niya sa mukha ko kanina kung gaano katindi ko siya gustong kausapin, bakit parang siya pa ang masama ang loob?

Still, nagdesisyon akong magpakahinahon. "May problema ba?"

"No. No problem at all. We'll just have to carry on as before. I have talked to the king about this and I told him about me and Lucretia. He even suggested that maybe I should ask her hand in marriage."

Wait lang. Wait lang! Huminga ako ng malalim kasi parang hindi ko na-gets. Matagal bago ako nakapagsalitang muli. "Sinabi mo kay Octavio ang tungkol sa inyo ni Lucretia kaya sinabi niyang magpakasal na kayong dalawa?"

Nagkibit-balikat siya. "Well, it's the natural thing to do, and I agree."

"Ah, okay. Maganda naman. Maganda 'yan." May mga pagkakataong lumalabas ang isang side ng pagkatao kong hindi ko alam na taglay ko pala. Ang loob-loob ko, nagkaroon na ng People Power at nagrebolusyon na ang mga lamang-loob, pero sa panglabas, kalmado ako. In fact, nagawa ko pang ngumiti. "Congratulations, Gavril."

"And all the best to you."

Tumango siya nang bahagya, tumango rin ako, saka pumihit. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa ilalim ng dagat, mabigat ang bawat hakbang, ang emosyon ay na-shock. Patuloy lang akong naglakad nang naglakad hanggang sa makabalik sa kuwarto. Naupo ako sa kutson ng kama, tulala.

Napakaraming mga isipin ang nagsalit-salit sa isip ko, wala ni isang matino o may sapat na haba para mapagtuunan ko ng atensiyon. Parang naging compilation ng mga video clips ang isip ko. Funny, I didn't feel anything. Naghintay ako, pumailanlang sa isip ko ang linya ng ilang mga kanta, kasabay ng mga eksenang ilang ulit kong pinangarap para sa amin ni Gavril. Lahat panandalian lang sa isip ko, parang radyo kapag naghahanap ka ng istasyon at walang matiyempuhang magandang kanta.

Mayamaya, kalmado kong kinuha ang diary at natagpuan ang sariling nagdo-drawing. Naalala ko ang mga manga ng mga pamangkin ko, ang mga comics nila. Sige ako sa drawing at doodle, parang wala sa sarili. Hindi pa nagtagal, taas-baba na ang dibdib ko, halos mabutas ang papel sa pagdo-drawing at pagsusulat. Hindi pa sana ako titigil kung hindi ako nakarating sa huling page. Maliit na lang ang space na natitira, eksakto na lang para sa isang sentence na tatapos at magsasara ng diary.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at nagsulat ng closing sentence, saka isinara ang diary. Ubos na ang mga pahina at tapos na rin ang love story namin ni Gavril. Nahiga ako. Ayaw pa ring dumating ng mga luha. Hanggang sa makatulog na akong umaapaw ang sama ng loob. I hate Gavril. I hate him so much.

Nang maalimpungatan ako, may malamig na kamay sa leeg ko. Agad akong nagmulat at nakatitigan si Angelita.

"Well, hello there, cousin."

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon