Chapter 7

20.4K 538 104
                                    

CHAPTER 7

FAVORITE FOOD #7: Large bacon cheeseburger, large fries, large rootbeer

FAQ 7: Napabayaan ka yata sa kusina?

COMMON REPLY: Ngingiti lang. Sinauna pa ang tanong/comment na ito. 'Wag lang sasabihin sa harap ng maraming tao, makakalusot na rin. Kadalasang mga thundercat ang nagsasabi nito.

DEEP INSIDE: Thundercat ka na po at nakasanayan mo nang basta't may mataba, parang may nagtutulak sa 'yong sabihin 'yan. Parang instinct, parang tawag ng laman—o taba siguro. Tinatawag ng fats ko ang mga katagang 'yan mula sa kaibuturan ng puso mo.

IMBYERNA #7: Kapag may swimming at lahat ng kasama mo naka-swimsuit, ikaw lang ang hindi dahil mayroon ka ng extinct na katangiang kung tawagin ay "kahihiyan."

__

"Hindi nga, anak? Dalawa 'kamo? Sigurado ka ba? Baka naman naduduling ka na?"

'Kakaimbyerna rin itong si Mama kung minsan. Ka-Skype ko siya, nagdududa pa kung totoong dalawang macho ang nanliligaw sa anak niya.

"Mama, feeling mo hindi ako liligawan ng dalawang guwapo?"

"Hindi naman sa ganoon, anak." Ngumiti siya sa screen. "Mayaman ba ang mga 'yan?"

"Pareho silang may car, 'Ma."

"Baka naman sa 'yo humihingi ng pang-gas, anak?"

"Mama, nakakarami ka na sa akin, ha?" Napaismid ako.

"Nagtatanong lang, anak, ikaw naman. Basta pipili ka ng matino, 'yong aalagaan ka at mamahalin, tulad ng papa mo. Alam mo naman ang mga lalaki ngayon, kadalasang iba ang hanap sa mga babae [insert one chapter of sermon here] …kaya naman ako'y nagbibilin lang. Tandaan mo rin, anak, hinay-hinay sa bacon at mantika. Nasa lahi natin ng high blood [insert three chapters of pangaral sa mataba here] …kaya naman aalagaan mo ang kalusugan mo. 'Wag ka nang kakain ng bulalo, ice cream, cake [insert menu here] …lalong-lalo na ng chicharon, anak. Siyanga pala, luluwas daw ang pinsan mo. Diyan daw muna sa akin makikituloy hanggang makahanap ng matitirhan."

Para akong biglang sinilihan sa puwit. "Sinong pinsan, 'Ma?"

Umiwas siya ng tingin sa webcam, kumuha ng nail file, saka sumagot, "Eh, si Angelita. Naghahanap kasi siya ng trabaho—"

"Si Impakta, Mama?!" reak ko.

"O, o, bibig mo, anak. Pinsan mo 'yon—"

"Mama, matagal ko na siyang itinakwil! Dugong-bayani ang lahi natin, hindi dugong malandi!"

"Anak, hindi naman siya malandi—"

"Inagawan niya ng tatlong boyfriend si Ate, Mama! Tandaan mong gustong-gusto mo sana 'yong huling boyfriend ni Ate pero inagaw niyang Angelita na 'yan! Anghel na naturingan ang pangalan, dakilang demonyita naman!"

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon