Chapter 23

8K 309 12
                                    

EXCERPT:

Hindi ako agad nakaimik. "N-nagseselos ka?"

Ilang segundo bago siya nakasagot. "I have Lucretia. I just don’t like how you get the king's hopes up. The king's and the rest of the kingdom—"

"Iyan ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Yes."

"Hindi ba sinabi ko na noon sa 'yo na kung iyan lang ang sasabihin mo, kalimutan mo na?" Nawala ang drama mode ko, napikon ako. "Dalaga ako, binata siya. Ano'ng sinasabi mong get his hopes up—"

"So you're willing to marry him now?"

"I might be!"

"Right. Because only a few days ago you were in love with me."

Ramdam ko ang pandidilat ng mata ko. "Excuse me?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Do we really need to pretend, Miss Lion?"

Parang gustong umusok ng ilong ko. "No, Sir Gavril, we don't need to pretend! Akala mo nagkagusto ako sa 'yo? Muntikan lang. At ngayon, nagkakalapit kami ni Octavio, naiinis ka? Ni hindi man mo man lang ba naisip na posibleng nagkakagusto ako talaga sa kanya? And also, how can you be a hundred percent sure I am getting his hopes up by being his friend?"

"Being his friend?!" he scoffed. "You were all over him! You were shaking your ass and your belly on his face! You're practically making out with him—" Natigil siya sa pagsasalita nang sampalin ko sa bibig.

Taas-baba na ang dibdib ko sa puntong iyon. "How dare you!"

"No. How dare you!"

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon