Chapter 21

8.2K 341 13
                                    

EXCERPT:

"Yuli, maybe you can consider my offer to be my queen. No pressure, of course. It will always be your decision to make. But it is an offer that will never expire."

Natigilan ako, sabay tanong, "Will you stay faithful?" Naitanong ko kasi mula nang paiyakin ako ni Gavril, na-realize ko kung gaano kahalaga ang pagiging tapat ng isang lalaki. Aanhin ko naman ang isang guwapo kung kabi-kabila ang babae? Masakit pala. Paano kaya nakakayang dalhin ng mga may asawang babaero?

"I will stay faithful."

"You promise?"

"I vow to be faithful to you and only you, Yuli, if you become my queen."

Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay ni Octavio, para lang mapatingin sa handle ng wheelchair dahil tumunog iyon. Na-deform na ang handle sa diin ng pagkakahawak ni Gavril. Nahulaan na kaya niyang una ko siyang sisisantehin kapag nagkataon?

"Vio, if I become your queen and I want one of your men to leave because I don’t trust him, will my wish be granted? Say for example—and this is just an example, of course—say I hate Gavril's guts and I want you to fire his ass, would you fire him?" Ang sarap magmaldita, kahit ang una sa listahan ko ay hindi si Gavril kundi si Lucretia.

"We can discuss that, of course," sagot ni Octavio.

Ngumiti ako. "I will think about your offer, Vio. Ano na ba ang nangyari sa kuwintas? Nakita na ba? Sana makuha na ninyo, Vio."

"We're still working on it, Yuli, though I think this time we can take it from them."

"That's great news, Octavio!"

"It is."

"Lalo kong pag-iisipan ang alok mo, Octavio."

Noon nagsalita si Gavril. "I think you need your rest now, My King."

"Yes. Let's go back, Yuli. I have enjoyed this stroll. I wish we can do this again."

"Any time."

Humarap si Octavio sa daan; tumingin ako kay Gavril. Ang sama ng tingin niya sa akin. As in nakakunot-noo at ang talas ng tingin. Bahagya kong itinaas ang mukha ko sa astang paghahamon. Papalag ba siya? Huwag niya akong paandaran, talagang baka ipasisante ko siya! Hmp!

Naglakad na kami pabalik. Naghihintay sa amin ang mga kawal, kasama si Sir William. Isinama na ng mga kawal si Octavio pero bago iyon, inabot ng hari ang kamay ko at hinalikan. Kailangan kong ilapit sa mga labi niya ang kamay ko dahil alam kong hirap siya. "Until next time, My Lady."

Nag-curtsy ako. "Thanks for the time, Your Majesty."

Hindi ako nilingon ni Gavril. So what? Manigas siya kakaisip kung masesesante siya o hindi!

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon