CHAPTER 4: Nadine

11 2 0
                                    

CHAPTER 4:


Renz's POV:

Kasalukuyan kaming nandito ni Kaizer sa garden kung saan ko sila nakita ni Kian.

"Hoy! Huwag mong po-pormahan 'yung kapatid ko ah." Maangas na sambit ko habang nakaduro sa kaniya.

Napatawa siya ng kaunti. "Renz, Renz, Renz... Ikaw ang huwag pumoporma sa'kin ng ganyan. Baka gusto mong tamaan 'yang pagmumukha mo! Sa amin pa nga lang ni Zhat eh, hindi kana makapalag," sigang tono na tugon niya.

"Papalag na'ko! 'Wag ka lang makalapit sa kapatid ko!" asik ko.

Umiling-iling siya. "Paano kung siya mismo ang lumalapit? Mapipigilan mo ba?"

"Basta! Pipigilan ko siya!" naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa'kin?" nakangising tanong niya.

"Kasi—" tumingin ako sa paligid para mag-isip ng dahilan.

"Kasi? Ano?" nag-aabang siya ng isasagot ko.

"Kasi—ahh..."

Mag-isip ka! Mag-isip ka, Renz! Hmm... Alam ko na!

"Oh, tignan mo. Wala kang masabi. Alam mo, huwag mo kasi painitin ang dugo mo sa isang gwapong katulad—"

"Kasi mabaho hininga mo! Napaka yabang mo, napaka hangin mo! Saka mayaman ka pa! Baka saktan mo lang si Kian tapos ang kapal pa ng mukha mo! At higit sa lahat, kaibigan mo si Zhat!" dire-diretsong saad ko.

Nagulat naman siya at biglang tinawanan ang mga sinabi ko.

"Ako? Mabaho hininga ko? Imposible! Saka hindi ko naman sasaktan si Kian ah! At wala kang pake kung kaibigan ko si Zhat," angal niya.

"Psh! Basta hindi kayo magkakatuluyan ni Kian, Kaizer," napanguwi na lang ako saka naglakad paalis.

Dumeretso na agad ako sa classroom namin. Nakita ko doon si Pharsa na nakaupo sa mismong table: hindi sa upuan niya at masayang nakikipag kuwentuhan kayla Zhat.

Ano bang mayroon sa dalawang iyon?

Dumeretso na lang ako sa upuan ko saka umob-ob.

Nadine's POV:

Naka-upo ako ngayon sa puwesto ko dito sa room at tahimik na pinagmamasdan si Renz na naka subsob sa lamesa niya.

Ano kaya problema no'n?

Tumayo ako saka naglakad patungo sa puwesto niya.

"Renz? May problema ka ba?" tanong ko. Nag-angat lang siya ng tingin sa akin.

"Wala naman. Bakit?" inaantok na tanong niya.

"Naka subsob ka kasi at mukhang may problema ka—" natigilan ako nang biglang dumating si Pharsa sa harapan ko.

"Hey, little miss. Puwede bang bumalik kana doon sa puwesto mo?" tinuro niya 'yung direksyon ng pinang galingan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, naman?" malumanay kong tanong. Inirapan niya muna ako bago sumagot.

"Nakita mo naman na mukhang may problema siya diba? Kaya iwan mo muna siya mag-isa saka ako na bahala dito," mataray na saad niya. Tinignan ko naman si Renz na walang pakialam sa nangyayari sa paligid at nanatiling naka subsob sa lamesa niya.

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now