CHAPTER 5: Birthday

14 4 0
                                    


CHAPTER 5

Renz's POV:

Hunyo 23, 2019

"ANO BA 'yan! Natutulog 'yong tao, e!" sigaw ko saka tinakpan ulit ang mukha ko ng unan. Ang sarap-sarap ng tulog ko, e!

"Kumain ka na, Kuya," narinig kong tawag ni Kian.

"Mamaya na," inaantok na tugon ko. Wala akong suot na pang itaas, at tanging pajama lang ang suot ko.

"Bumaba ka na, Kuya, baka maubush ko ito."

"Oo, sige ubusin mo na."

"Shige, Kuya. Shabi mo 'yan, a! Huwag kang magrereklamo 'pag inubushan talaga kita."

Pasaway talaga. Tss!

"Shiya nga pala, Kuya, aalish daw shi Mama. Mamamalengke raw shiya."

"Sige lang." Hindi ko na narinig pa si Kian. Malamang ay bumaba na 'yon.

Noong mga nakaraang araw ay nagkulong lang ako sa kuwarto at hindi pumasok sa school. Ayaw kong makita si Zhat, at saka para masigurado na hindi ako mapapalayas ng bahay. Kadalasan din sa gabi lang ako kumakain. Ayaw kong makita si Mama dahil ayaw niya rin naman akong makita.

Si Kian lang lagi ang nag-aaya sa 'kin para kumain o lumabas. Mabuti na lang at may sariling banyo itong kuwarto ko kaya hindi ako lumalabas kapag tinatawag ng kalikasan.

Pakiramdam ko noong Martes ay napakaraming nangyari.

Hunyo 22, 2019

NAGSUOT AKO ng polo at jacket, at palihim akong lumabas ng bahay. Malalim na rin naman ang gabi kaya walang makakapansin sa akin.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa playground dito sa loob ng subdivision namin.
Kinuha ko ang selpon saka ni-chat si Pharsa.

Renz: Pharsa, gising ka pa ba?

Sun: Bakit? Gabi na, a.

Renz: Puwede ba kitang ayain ngayon? Dito sa playground? Alam mo ba 'yon?

Sun: Sige, kabilang subdivision lang naman ako.

Renz: Sige.

Ibinaba ko na ang selpon ko at umupo sa swing. Habang naghihintay ay nilabas ko sa bulsa ko ang litrato naming pamilya. Bata pa kami ni Kian dito, at masaya kaming lahat.

"Dad, missed ka na namin. Sana bumalik ka na, pakidalian lang po dahil may gustong pumorma kay Mama rito. Umuwi ka na po, please." Hindi ko na napigilan pang umiyak.

"Bakit ka umiiyak?"

Nag-angat agad ako ng tingin, at nakita ko si Pharsa. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Woy, Renz. Okay ka lang? Mukha kang bakla sa pag-iyak mo." Nag-iwas ako ng tingin at pinahid ang luha sa aking mukha. "Renz... Okay ka lang?"

"O-okay lang ako," nauutal na sagot ko habang sumisinghot.

"Pero umiiyak ka? Saka ano'ng ginagawa mo rito ng dis oras ng gabi? May nangyari ba?"

Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko saka suminga muna bago nagsalita, "Oo, e. Iyong tatay kasi ni Zhat pumunta sa bahay namin."

"Tapos?"

Inside the Online World [COMPLETED]Where stories live. Discover now