CHAPTER 16: Yearning

9 2 0
                                    

CHAPTER 16:

Renz's POV:

Nilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makita; may kaunting liwanag na sumibol sa malayo. Tumayo ako para maglakad patungo sa liwanag.

"Zargus!" lumingon agad ako sa pinang galingan ng boses subalit wala parin akong makita.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may tumawag nanaman sa'kin.

"Zargus!" binalewala ko na lang ulit ito saka tumakbo ng mabilis palapit sa liwanag ngunit parang ang layo parin nito.

"Zargus!" bumilis ang tibok ng puso ko dahil papalapit nang palapit ang boses na naririnig ko sa akin.

"Zargus!" tumakbo ako ng mabilis pero napako ako sa aking kinatatayuan nang mawala ang liwanag.

Anong mayroon? Anong nangyayari?

Tanging puro katanungan ang nasa isip ko.

"Renz!"

Narinig kong bulong sa aking isipan.

Ha? Kilala niya ako?

"Oo kilala kita."

Paano?

"Alam kong kilala mo rin ako, Renz. Pero hindi ko pa puwedeng sabihin sa'yo 'to."

Ha? Ikaw? Boses ng babae?

"Magkita na lang tayo sa susunod, Zargus."

Nawala ang boses sa aking isipan at bigla akong nasilaw sa liwanag na nang gagaling sa direksyon na pinupuntahan ko kanina. Nang maging malinaw ang lahat ay napagtanto kong nasa mundo ulit ako ng online. Tinignan ko ang aking sarili; animated nanaman ako.

Habang naglalakad ako ay napagpasiyahan kong huwag muna pumasok sa Heroes Saga Mobile, kaya pumasok muna ako sa loob ng Peysbook at tumingin-tingin ng mga posts sa news feed ko.

Isang malaking kuwarto at kulay asul ang paligid na may mga nakapaligid na hologram screens sa aking paligid kung saan nakikita ang news feed, account profile, friend request, at iba pang laman ng Peysbook.

Alam ko naman na si Kian lang ang Peysbook friend ko pero heto parin ako at tumitingin sa news feed ko.

*TING!*

Aalis na sana ako sa loob ng Peysbook nang may narinig akong tumunog. Nang lingunin ko ito ay may nakita akong isang nag friend request sa akin.

Hmm? Sino kaya 'to?

Lumapit ako sa screen ng friend request at tinignan kung sino ito.

Bakit kaya niya ako in-add friend?

*TING*

Nang may marinig akong isa pang tunog ay hinanap ko ang isang screen na puro chats ang nababasa doon. Nang mahanap ko na ay binuksan ko ang chat na galing kay Pearl.

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now