CHAPTER 7: Zhat and?

12 4 0
                                    

CHAPTER 7

Renz's POV:

Hulyo 29, 2019

ILANG LINGGO ang lumipas at lagi kaming nagkikita ni Pharsa. Hindi naman niya ako pinahirapan sa panliligaw ko at sinagot niya rin naman agad ako.

Lunes. Dapat ay may pasok kami ngayon pero dahil malakas ang ulan ay suspended ang klase.

"Kuya!" sigaw ni Kian sa labas ng kuwarto ko.

"Ano!" inis kong sigaw pabalik. Aga-aga nambubuwisit agad 'tong si Kian.

"Punta tayo sha mall, Kuya!"

"Na naman!"

"Dali na, Kuya! Shale raw ngayon sha National Bookshtore taposh nagreshtock shila ng mga libro!" pangungulit pa niya.

Napakamot na lang ako sa batok ko. "O, siya! Sige, sige."

"Yey!" Rinig ko naman ang pagtatalon-talon niya sa labas.

Nag-ayos na agad ako saka kinuha ang cellphone para i-chat si Pharsa.

Renz: Luv, labas tayo.

Habang hinihintay ang reply niya ay nagtungo na ako sa shower. Pagkatapos kong mag-shower ay nanalamin ako at tinignan ang sarili kung talagang may abs ba ako.

Masarap kaya ako? Tinignan ko ang magkabilang braso ko kung may muscle ba ito. Ano ba 'yan. Ang payat ko naman. Buti pa si Zhat may muscle. Hays.

Lumabas na ako sa banyo at nagbihis. Nagsuklay na rin ako. Sakto naman ay tumunog ang notification bell ng phone ko kaya mabilis ko itong tinignan.

Sun: Busy ako, luv, e. Sorry.

Renz: Sige, luv.

"Hays! Busy na naman siya. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?" bulong ko habang nakatingin sa cellphone.

Kinuha ko na ang bag ko na may lamang wallet saka dumeretso sa salas namin.

"Kian! Nasaan ka na ba?" Umupo muna ako sa sofa namin.

"Sandali lang, Kuya!"

"Bilisan mo!"

Sumandal muna ako sa sofa at nagsalpak ng earphones sa magkabilang tainga.

Kian's POV:

PAGKABABA KO ng hagdan ay nakita ko si Kuya na nakahiga at tulog na tulog sa sofa kaya may naisip akong kalokohan.

Kumuha ako ng kartolina at nirolyo ito upang magkaroon ng instant mic. Lumapit ako kay Kuya, at tinanggal ko ang isang earphone niya. Pagkatapos ay humugot ako ng hangin saka sumigaw.

"Aaahh!" Hindi natinag si Kuya at tulog pa rin.

"Grabe ka, Kuya. Hindi ka pa rin nagishing. E, kung buhushan kaya kita ng tubig? Gushto mo?"

Agad din akong umiling sa sariling naisip dahil baka 'pag nagkataon, hindi na iya ako sasamahan dahil basa na siya. Tinitigan ko lang siya nang may mapansin ako sa pantalon niya.

Bakit kaya may bukol sa pantalon ni Kuya? Nabasa ko sa That Promdi Girl na kapag may bukol ay dapat hilutin daw.

Lumapit ako kay Kuya para sana hilutin ang bukol sa pantalon niya nang may pumigil na kamay sa 'kin. Tinignan ko ito at napagtanto kong kay Kuya pala ang nasabing kamay.

"Ano'ng gagawin mo, Kian?" tanong niya sa mapanuring mata.

"Kuya, balak ko shanang hilutin 'yang bukol mo sha pantalon kashi ayon sha nabasha ko sha That Promdi Girl na dapat daw hilutin 'yong bukol kagaya ng ginawa ni Althea kay Elton," paliwanag ko.

Bumuntong-hininga lang siya.

"Hay naku! Kian, hindi lahat ng bukol ay hinihilot, okay?" seryosong sabi niya. Pinitik niya ang noo ko at umiling-iling. "Huwag na huwag kang mag-iisip ng kahit ano sa 'kin at sa mga lalaking makakasalamuha mo."

"Pero ayosh ka lang ba, Kuya? May bukol kashi diyan sha pantalon mo," pag-aalala ko.

"Oo, wala lang 'to. Sadyang daks lang talaga ang Kuya mo," bulong niya.

"Ano 'yon, Kuya?" tanong ko.

"Wala! Sabi ko pumunta na tayo sa mall."

Hinila na niya ako palabas. Habang nasa jeep kami ay nakita kong malalim ang iniisip ni kuya.

"Kuya, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "Oo, ayos lang ako."

Tumango na lang ako saka sinandal ang ulo sa kanyang balikat.

"Ang sweet naman ng mag-jowa na 'yan."

"Oo nga, ang sweet. Sana oil."

Narinig ko ang bulungan ng mga katabi namin sa jeep. Umayos ako ng upo at tumingin ng diretso sa tatlong babaeng nasa harapan namin na mga estudyante.

"Excushe me, ha. For your information, Kuya ko po shiya at hindi ko shiya jowa, okay? Kaya manahimik na lang kayong tatlo kung ayaw ni'yong bumaba agad dito sha jeep," pagtataray ko. Nanahimik naman sila hanggang sa kami ay nakababa. .

"Grabe ang ginawa mo kanina sa jeep, Kian, a." Bilib na bilib sa akin si Kuya.

"E, kashi naman, Kuya, e! Kakainish!" nayayamot kong tugon habang nakanguso.

"Hindi ba ako pasok sa standards mo?" pabiro niyang tanong.

Napangiwi naman ako. "Bad ka, Kuya! Bawal pamiley shtrok, at hindi ka pashok sha shtandardsh ko. Ang shabi ng teacher namin sha English, may three kindsh of love. Ang una ay Agape, unconditional love kagaya ng mga magulang natin at ni God. Then Phileo, love for your shiblings and friendsh. Taposh Erosh, deshiring for shomeone or... bashta! Ano shiya... mahal mo shiya dahil ganito shiya, mahal mo shiya dahil may dahilan hindi. Iyon ang nangyayari sha 'ting mga teenagersh, Kuya," mahabang paliwanag ko.

Nagulat naman siya sa mga sinabi ko. "Ang talino mo talaga, bunso. Biro ko lang din 'yon. Ang tingin ko sa 'yo ay kapatid na nag-iisa sa mundo. Kaya ko rin naitanong iyon ay para malaman ko kung maayos ba akong jowa para kay Pharsa." Ginulo niya pa ang buhok ko.

"Shiyempre, Kuya, mana sha 'yo! Shaka goods ka naman kay impakta. Shiya lang ang may problema—" nakagat ko ang labi ko.

"Bakit?" takang tanong niya.

"W-wala po."

Umiling-iling si Kuya. "Sa laro lang ako matalino pero ikaw sa school kaya tuwang-tuwa sa 'yo si Mama."

Niyakap ko siya. "Mag-aral ka kasha, Kuya."

Ngumiti naman siya. Bumitaw ako sa pagkakayakap, at napagtanto kong malapit na pala kami sa Precious Pages.

"Kuya! Doon tayo pumunta!" Tinuro ko ang bilihan ng libro habang tumatalon-talon sa sabik.

Pumasok na kami sa loob at nanatiling abala sa pagpili ng libro. Habang namimili ako ng libro ay may natanaw ako sa labas.

Si impakta at Zhat 'yon, a. Ano'ng ginagawa nila rito? Sabi na, e! May relasyon 'yang dalawang 'yan!

****

Inside the Online World [COMPLETED]Where stories live. Discover now